regardless kung bibili or not ang isang taong pumasok sa isang music store,hindi ito dapat sungitan ng mas walang tinapos na sales clerk! dahil mas malamang na mas mataas ang pinag-aralan at natapos sa pag-aaral ng mga customers kaysa sa sales clerk,dahil kung mataas ang pinag-aralan nya ay hidi sha dapat sales clerk lang dba?ito ang trabaho nya kaya dapat ayusin nya dba?hndi dapat nag-susungit sa customers regardless kung bibili ito o titingin lang ng mga gamit,courtesy and politeness ang issue dito.
mali naman atang husgahan mo agad ang mga sales clerk kung may pinag aralan sila or what, alam naman nating lahat na kahit may pinag aralan ka hindi rin maganda ang magiging trabaho mo dito sa philippines, sample nalang natin may mga college graduate tayo na nag wowork sa factory bakit? kasi wala silang choice dahil yun lang meron na available isip nila mas mabuti na ito kesa naka tunganga at walang pera, ang pride hindi nakakain.
pag dating naman sa trabaho lahat naman tayo dapat ayusin natin ang trabaho natin kasi napaka simple lang iilan lang yung gagawin mo meron naman guidelines and patterns wala naman akong nakikitang mahirap dapat lang talaga ayusin ang trabaho at sumunod sa guidelines.
respeto lang sa isa't isa, kung hindi ka man irespeto accept mo, kung ganuna ang ugali nya wala tayong magagawa.
+1
I work in a music store, and i am a college grad. from a reputable university. kaso tama ang sabi ni mr_strap mahirap buhay ngayon so napunta ako sa sales sa isang music store.
I just want to point out na meron din pong mga instances na ang customer naman ang masungit., na ang tingin sa mga salesstaff alang alam yung mga tipong "nagmamarunong". meron ding mga bastos na customers na pag may nakitang gitarang nakasaksak sa amp bigla nalang kukunin at tutugtugin. meron ding ayaw tumanggap ng explanation, na pag may tinanong tapos pinaliwanag ng staff ayaw maniwala, Meron din kaming na encounter na ang dami naming customers lahat ng staff busy biglang may papasok na bigla nalang sisigaw wala bang nag aassist dito! bibili kami! wtf? samantalang kararating lang nila at lahat ng nauna sa kanilang mga customers nag hintay para ma assist. porket alam nila bibili sila kaya kung makapagsalita eh parang bibilhin yung buong store.
may bad days din na masungit yung staff not to the point na bastos ha. na pag may ininquire ka, isang tanong isang sagot ni hindi manlang nag susuggest.
pag sinungitan saka inangasan kayo ng staff, ang suggest ko dito, try nyo pumunta sa same store some other day tapos tanungin nyo ulit yung same staff pagka masungit parin [pineapple] talaga yun. hahahaha report nyo agad sa manager.
yung issue ng walang pinag aralan ewan ko lang ha... kasi yung mga customers din naming iba mukang may pinagaralan pero kung magsalita saka mag aasta parang walang natutunan sa eskwelahan eh...
As a person, sa music store kaman nagtratrabaho o hindi, o kahit anong trabaho dapat talaga maayos ka. dun lumalabas yung personality mo. As kung mas mahirap naman trabaho sa call centers di ko alam kasi di naman ako nakapagtry magtrabaho duon eh... hehehe pero kung sasabihin nating compare natin yung dalawang job hindi dapat husgahan kaagad yung mga salestaff sa music store kasi hindi mo pa naman nararanasang mag trabaho ng ganun. kaya ako dehins naniniwala ng customers is always right. to a certain point siguro, pero kadalasan hindi na tama eh...inaabuso na yung ganung kasabihan.
kung tatanungin nyo naman ako kung saan music store ako nag wo-work (meron mga forumers dito na customers ko na e.)di ko na sasabihin kasi baka nasungitan ko na kayo at one time eh hehehe
all of this is just my personal opinion wala sanang magagalit.
peace....