TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Musician Forums => Pinoydrums => Topic started by: autoexec on March 14, 2007, 04:03:52 PM

Title: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 14, 2007, 04:03:52 PM
Pag totoong banda na ang sasabayan mo kesa sa yung kanta lang sa mp3 player mo? Mas mahirap ba yun o masyado lang akong kabado? Ano ba mga tips nyo para mawala yung kaba? Salamat ng marami. :?
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: Gep on March 14, 2007, 04:04:58 PM
Para sakin mas mahirap sabayan ang fixed na kanta, kasi pag nasa banda, sasabayan ka ng mga tutugtog, not the other way around.
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 14, 2007, 04:07:07 PM
Hmm, siguro kasi sanay ka na sa banda, tska kabanda mo sila, ako kasi kung sino sinong banda lang eh, pinapapraktis sakin yung isang kanta, kuhang kuha naman sa bahay. Pag jam nag nginginigan na mga tugod ko. :(
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: g0d5_g1ft on March 14, 2007, 04:13:25 PM
oi bro musta? parang kanina lang ka ym kita ah heheh... bout this i find it na mas madali sumunod sa banda kesa sa fixed song like sa mp3 or cd... pag banda kasi hindi ka maiilang kung may isang hit na hindi mo napalo, pgsumunod ka kc sa cd prang gs2 mo hit for hit, pag banda kasama mo may freedom ka ipasok kahit anong gs2 mong hits mga "bahala na si batman fills". with a band, or your own band, you get to put your own style into the song...

ngaun lang ako ngdrums and 2 or 3 times palang ako ngdrums with a band or barkada playing together... pero guitarist ako dati and ganto din take ko sa topic na to hehehe
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: Gep on March 14, 2007, 04:13:45 PM
Ganyan din ako last year, sumali ako sa dalawang banda (na mga kabanda ko pa rin naman ngayon).

Kailangan encouraging din ang mga kabanda mo. Kasi practice lang naman mga yun diba? At nagsisimula pa lang naman.

Eventually pag nagkasanayan na kayo mapapasok mo na yung gusto mong palo.
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 14, 2007, 04:16:00 PM
Hehe oo nga YM lng tau knina.
Ah talaga? Bat kayo ganun? ako naman nakakapag "bahala na si batman fills" lang pag sumasabay ako sa mp3. Para kasi akong kinakabahang gumawa ng fills pag nasa banda ako. Bat parang baliktad ako sa inyo?????
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: Gep on March 14, 2007, 04:17:24 PM
Sa tingin ko hindi ka kinakabahan sa kanta, kundi sa reaction ng mga kabanda mo.
Relax!
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 14, 2007, 04:18:00 PM
@Gep
Ah ganun ba yun? Kelangan ko lang siguro maalis yung kaba. Sa bahay ang gaganda ng nagagawa kong fills. Sa banda naman,(or pag may nanunuod) posteng poste na nga ang dating sumasablay pa. -.-;
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 14, 2007, 04:19:17 PM
Hmm, hindi naman siguro sa reaction nila, siguo kabado akong magkamali at ulitin yung kanta or verse dahil lang sakin. -..-
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 14, 2007, 04:23:00 PM
Ano ba ang pampawala ng kaba?(Maliban sa redhorse) ;))
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: peeves24 on March 14, 2007, 04:25:58 PM
Ano ba ang pampawala ng kaba?(Maliban sa redhorse) ;))

practice

(http://farm1.static.flickr.com/177/420663767_31ca068852_o.jpg)

Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: jpmb on March 14, 2007, 05:20:23 PM
Ano ba ang pampawala ng kaba?(Maliban sa redhorse) ;))

practice

(http://farm1.static.flickr.com/177/420663767_31ca068852_o.jpg)

yes yes bro..peeves is right..practice....haha..even if im a drinker i dont advise you to be dependent on it...actually im on the verge now of cutting down my drinking...practice makes perfect..yeah... :wink:
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: marko21 on March 14, 2007, 06:15:33 PM
pag sa mp3 ikaw ang sasabay pag sa band ikaw ang sasabayan  :-D
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: jpmb on March 14, 2007, 06:20:48 PM
playin with a band also develops teamwork with fellow musicians :wink:..i'm a jam addict hahaha :evil:
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: lil.drummerboy on March 14, 2007, 06:29:44 PM
sa mp3 o sa banda? sa tingin ko parehas lang mahirap kung wala kang practice.. pero mas madali kung practisado.... sisiw lang. 8-)
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 14, 2007, 06:38:18 PM
Practice, practice, practice.

Pero mas masarap kung may ka-jam kang banda kasi you can express yourself, siguro nahihiya ka lang. Tutal practice lang naman, don't be afraid to take risks....
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: lil.drummerboy on March 14, 2007, 06:40:14 PM
oo. pero minsan nakaka badtrip mga reklamador minsan. pag mahaba daw ung fills. or minsan madami daw double peds.. ang ingay daw.. :evil: :evil: :evil:
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 14, 2007, 06:53:57 PM
Ayan, disiplina na ngayon nagkakatalo, kung alam mong alanganin, wag mo ipapasok. Tapos always feel the other members of the band, hindi lang ikaw, pero wag kang papahawak ng groove sa kanila kasi kaw dapat humawak ng groove hehehe....

Ganito ang diskarte ko dyan, bago ako sumesession sa mga banda dito sa amin, i try to mingle with them personally muna, kwentuhan, asaran, just as so to get the nerbyos out of the system and be comfortable with them. Kapag medyo komportable na kayo sa isa't-isa, sa practice, medyo komportable na rin kayo ng konti, bagong mission na naman yun. being comfortable with the band during jams. don't try to show all your arsenal all at once, try to chop what is needed first, syempre uulitin niyo naman yung kanta sa practice, dun mo na ngayon i-try yung mga skills mo.
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: lil.drummerboy on March 14, 2007, 07:02:31 PM

kaya nga eh.. mas gusto ko yung simple lang at bumagay sa kanta... konti na lang yung mga ginagawa ko.. pero parang pansin ko kasi nababalewala na yung drums sa kanta eh... parang yung role ko sa mga gusto kung gawin pinapakialaman nila.. eh yung lead guitarist hindi ko nga pinapakialaman lead lang ng lead at puro pasikat ang ginawa. :evil: :evil: :evil:
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 14, 2007, 07:13:33 PM
are you still in high school? I can sense the eagerness of you and your bandmates eh....

Relax ka lang dude, basta disiplina lang kelangan sa lahat ng members, pansinin mo mas magiging organized ang jam niyo....
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: rasta_gopz on March 14, 2007, 07:25:47 PM
para sakin ang hirap sabayan yung kanta sa cd or MP3 pag sa tugtugan na kasi napapagroove ka na sa mga kabanda mo eh parang u get carried away sa tugtugan yung napapapikit pa sa palo hehehe
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: prjm14 on March 14, 2007, 10:51:41 PM
practice

(http://farm1.static.flickr.com/177/420663767_31ca068852_o.jpg)

haha eto nanaman.. heheh..

try mo muna wag magpasok ng fills para mafeel mo ung song..
den pag feel mong kaya mong magpasok ng fills, try mo na.. :lol:
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 15, 2007, 12:13:10 AM
Tenks po sa lahat ng nag reply, siguro kaya ganun kasi paiba iba ako ng band, nakikilala ko pa lang sila tapos iba nanaman. Parang gusto ko tuloy subukan yung redhorse ni kuya jp kung epektib! :)
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: Bammbamm on March 15, 2007, 12:15:03 AM
Mahirap talaga sumabay sa play-along o mp3 kung di ka sanay. Magkaibang discipline kasi ang susundin mo. Pag mp3, kahit maglaro ka sa fills o mag experiment ka ng beat displacement tuloy-tuloy pa din ang tempo ng tugtog dahil ikaw ang dependent sa music.

Pag nag j-jam kayo ng bandmates mo, they're dependent on your time-keeping skill, so you should  be considerate with your fellow musicians. Kung magagaling talaga yung kabanda mo, hindi sila mawawala sa tugtugan even if you play in & out of time o mag try ka ng beat displacement/syncopation.

Tip ko lang para mawala yung kaba nyo sa isa't-isa, dont think of your bandmates as people who are eager to know how a skilled drummer you are.You simply have to make them feel good about themselves while jamming with you. Kung magagawa mong maglagay ng groove na masasabayan nila, masisiyahan sila sa pag tugtog! Lalo na pag dikit na dikit yung mga fills mo sa pag-gulong ng bahista! Pero kung ipagpilitan mong sumabay sila sa groove mo na ikaw lang ang nakakaintindi, maaring humanga sila, pero magmumukha silang [chewbacca],which is very uncomfortable.Consequently, walang rapport ma b-build up between you and your bandmates.

Pero actually, guitarista din ang malimit manggulo sa tugtugan...yung mga walang disiplinang guitarista! :lol:
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 15, 2007, 12:20:00 AM
Wow, oo nga pag play-along kasi dependent ako sa song! hehe. Di naman ako pala fills sa jam ang totoo hindi nga ako gumagawa ng fills pag jamming eh. Kung ano lang yung original fill yun lang ginagawa ko. Kaso talagang nawawala pa rin ako. Parang naninigas yung mga limbs ko. Tsaka nawawala yung pinraktis ko sa bahay. -.-
Thanks po ng marami sir bammbamm
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 15, 2007, 01:43:52 AM
uhhh, you have a case of insecurity sa sarili mo. have confidence dude, isipin mo once na pumalo ka, performance level ka dapat, alisin mo lahat ng negative thinking mo dude....cheers!
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: mampupunit on March 15, 2007, 12:01:59 PM
medyo off topic to...

mas masarap pumalo kasabay ng mp3... kesa metronome lang kasabay mo dba? madalas naman yung kantang sasabayan mo naka metronome yung drummer pag nirecord or sobrang ganda ng time niya. la lang hihihi  :-D
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: lil.drummerboy on March 15, 2007, 12:38:32 PM
are you still in high school? I can sense the eagerness of you and your bandmates eh....

Relax ka lang dude, basta disiplina lang kelangan sa lahat ng members, pansinin mo mas magiging organized ang jam niyo....
college... sila wala disiplina eh. hehe.
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: franco on March 15, 2007, 12:48:36 PM
try mo gumalaw galaw before getting up on stage. tumalon talon ka tas i-shake mo yung mga kamay mo. madalas kasi pag kinakabahan ako nanlalamig mga kamay ko so onting daloy lng ng dugo ok na. wag lang sobra baka naman mapagod ka sa kaka galaw :-D pansin ko kasi pag kinakabahan ako, after ng sound check or first song nawawala na yung kaba ko e. kumbaga nag-iinit ka na pumalo nun! wag mo rin ikumpara yung sarili mo sa ibang mga drummer na kasabay nyo, magkakaiba lahat yan... gawin mo lang yung pinaka kumportable para sayo at wag mo papansinin yung mga epal
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 16, 2007, 01:03:56 AM
I do stretching exercises to ease my nerves, medyo nerbyoso kasi ako kung nakikisession ako or kung nakikibattle kami. Buti na lang nurse yung isang vocals namin, libre masahe nyahahaha....
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: lil.drummerboy on March 17, 2007, 11:39:42 AM
chicks?
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 17, 2007, 04:31:52 PM
Hindi, di pwede chicks magmasahe, magagalit misis ko. Lagi ko pa naman kasama sa gig kasi vocals rin namin misis ko nyahaha!
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: jcbska on March 17, 2007, 08:13:48 PM
kamusta na joseph? hehe practice lang yan chong!! cheerS!!!
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: drummerboy827 on March 17, 2007, 10:27:29 PM
Kapag cd player sinsabayan ko nauuna ako hehehe!!! la sa temppo
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 18, 2007, 12:40:32 AM
kamusta na joseph? hehe practice lang yan chong!! cheerS!!!
Ayos lang chong.  :-D
Oo nga, practice lang siguro, kaso once a week lang kami kung mag jam, tapos mga 3 weeks di ko  na sila kabanda.  :lol: Tingin ko kelangan ko ng permanent band.
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: lil.drummerboy on March 18, 2007, 03:39:55 PM
Hindi, di pwede chicks magmasahe, magagalit misis ko. Lagi ko pa naman kasama sa gig kasi vocals rin namin misis ko nyahaha!
eh hindi ba yun nag seselos? kasi may taga masahe eh....
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 18, 2007, 03:43:44 PM
hindi naman, kasi pagkatapos ko sya rin. ang kawawa yung vocals namin na lalake kasi sya ang nagmamasahe!  :lol: pinagprapractisan nya kami ng skills nya sa pagmamasahe nyahahaha!
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: lil.drummerboy on March 18, 2007, 03:53:57 PM
wow ayos ah. may taga masahe. parang basketbol player. hehehe. :-D
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 18, 2007, 07:41:33 PM
wala lang, kasi trip trip lang naman pag magkakasama kami. di naman lagi eh. pag naalala lang habang hinihintay ang set hehehe....
Title: Re: Nid help, mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: franco on March 19, 2007, 11:05:39 AM
kamusta na joseph? hehe practice lang yan chong!! cheerS!!!
Ayos lang chong.  :-D
Oo nga, practice lang siguro, kaso once a week lang kami kung mag jam, tapos mga 3 weeks di ko  na sila kabanda.  :lol: Tingin ko kelangan ko ng permanent band.

kahit di permanent band chong, basta may ka-jam ka madalas mahahasa ka rin :wink:
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 20, 2007, 01:02:05 AM
Ah I see.. Salamat bro.
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 20, 2007, 02:03:11 AM
kamusta na joseph? hehe practice lang yan chong!! cheerS!!!
Ayos lang chong.  :-D
Oo nga, practice lang siguro, kaso once a week lang kami kung mag jam, tapos mga 3 weeks di ko  na sila kabanda.  :lol: Tingin ko kelangan ko ng permanent band.

kahit di permanent band chong, basta may ka-jam ka madalas mahahasa ka rin :wink:

true, true.

kaya nga nakikisession ako kahit sa showband ngayon to expand my boundaries. alam mo ba na mas mahirap magdala ng mga r&b songs kesa sa mga rock kasi you have to emphasize every chop and kick you make sa r&b para magata yung palo mo? sir dio share mo point ko dito hehehe....
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: prjm14 on March 20, 2007, 05:34:58 AM
tama un.. parang mas mahirap nga ata ung r&b.. kaya magagaling lang ung nakakapagshowband.. heheh
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: Diadem on March 20, 2007, 07:40:14 AM
so so so so...

@ joseph
wat happned sa gig? ano balita?
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: nerol1i4a on March 20, 2007, 09:32:38 AM
tama :-D
pagkabanda mo kahit may mis ka magtitinginan nalang kayo at tatawa.. :-D
nung pinapalo ako sa mga malulupet na showband, sobrang nginig tuhod ko.
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: autoexec on March 22, 2007, 12:23:08 AM
@diadem
Sa april 1 daw eh.. Pero hindi pa sure kung hindi sa 1 sa 15.. :| :| :|
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 22, 2007, 01:06:51 AM
tama :-D
pagkabanda mo kahit may mis ka magtitinginan nalang kayo at tatawa.. :-D
nung pinapalo ako sa mga malulupet na showband, sobrang nginig tuhod ko.

lol, ganito rin ang unang experience ko sa showband kasi magkakapulso na yung mga members ako lang hindi. so palo lang ako ng style ko. yung bassist di kami nagkasabay. pero yung mga next na session ko, alam na nila palo ko kaya sarap na rin sila.
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: Diadem on March 24, 2007, 05:04:21 PM
YODA + showband = daemonite! :D

malapit narin ako mag showband eh... YODA ala prin..

JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE JOKE

ot: MAG ONLINE KA NAMAN... miss na kitang alaskahin..  :-P
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: daemonite on March 24, 2007, 05:47:48 PM
Oooh, you're so conio magsho-showband ka na. hahahaha!

Joke. (dami natamaan nun ah)

Busy ako ngayon eh. Kadarating ko lang sa shop. Medyo tipsy pa ako....
Title: Re: Need help... Mas mahirap ba talaga pumalo pag...
Post by: palolo_worm on March 24, 2007, 06:48:28 PM
sa opinion ko kasi, kapag nakaMP3 player ka, or kung may mga sinasabayan kang kanta na may drum part na fixed, mas madaling sabayan un kasi kailangan mo lang i-internalize ung beat or makisabay mismo sa beat. sometimes kung nagfifill ako kunwari, habang nag-fifill ay walang kahirap hirap sumabay sa time kasi may naririnig parin akong steady beat. e pagdating sa live, kailangan mong itatak sa utak mo ung time para kahit magfill ka or maggroove ay nasa metro ka.

syempre may effect din ung kaba, nerbyos and others pagdating sa live playing. sabi nga ng marami, hindi lang talaga sapat ang own practice. :-)