mga bro!
magtatanong lang sana about sa procedures, cost at duration ng pagrehistro ng kotse? perstaym ko kasi to bro!
salamat sa mga tutulong <3
pagrehistro? o pag renew ng rehistro?
pag magpapa renew ka madali lang.. punta ka ng maaga sa LTO
1. Bigay mo yung copy ng OR/CR mo dun sa inspektor
2. Stencil nung engine number mo (bigyan mo nalang ng P50 pesos yung magstencil)
3. Pila ka sa 3rd Party Liability Insurance (nasa P800 ata to)
4. Pila ka sa Smoke Emission Testing (P410 if can remember)
5. Dalhin mo oto mo sa Smoke Emission Testing
6. Balikan mo yung 3rd Party Liability Insurance mo
7. Pakita mo sa Inspektor lahat ng natapos mo (papaderetsuhin ka na sa window 1)
8. Window 1 (cashier) bayad ka na ng rehistro (4k ata sakin)
9. Hintayin mo tawagin pangalan mo
10. Papupuntahin ka na sa window kung saan mo kukunin ang stickers mo..
11. Sibat ka na.
ngayon yata may additional P400 pesos na para daw sa bagong plaka..
at advice lang pre.. pagpunta mo magdala ka ng TATLONG photocopy ng OR/CR mo.. kasi yung isa iiwan mo sa inspektor.. tapos kung kaya mo magsama ng amoyong na tutulong sayo magsama ka.. tapos ibigay mo sa kanya yung isang copy ng OR/CR para sabay nyo ng pipilahan yung 3rd Party Liability Insurance and Smoke Emission Testing.. remember na kung sino yung pipila sa 3rd Party Liability Insurance dapat sa kanya ibibigay yung "stencil" ng engine number..
In this way habang nagpapa smoke emission ka eh may naghihintay dun sa TPL.. mas mabilis nyo matatapos..
tsaka nga pala.. iready mo yung TIN (Tax Identification Number) mo para sa Smoke Emission Testing kasi hinihingi nila at "required" daw yun (di ko alam kung anong kagunggongang dahilan kung bakit).. sa pila palang nun hihingin na nila.. so iready mo na.
pag magisa ka lang eh nga nga ka nalang..