Napanood ko ang Paramore kahapon. Tindi ng bagsakan nila. Pangalawang beses ko na sila makita. Yesterday was the last show of their US tour. Sabi ni Hayley sa entablado, nagsusulat na sila ng mga kanta para sa susunod na album. Mga next year daw siguro ang labas.
Highlights kahapon, yung
When It Rains tsaka
Emergency. Ang nagustuhan ko rin, yung pag-interpolate ni Hayley ng
Hallelujah ni Leonard Cohen tas sabay bagsak ng
Hallelujah na komposisyon nila. Nakita ko rin si Dexter Holland ng The Offspring sa tabi ng stage na nanonood. Yung Offspring kasi ang kasunod nilang tumugtog sa Bumbershoot Festival.