May shihtzu ako, Furmagic na blue gamit ko, tas pinopolbohan ko (dry shampoo tawag pero parang polbo lang, Playpets tatak) tas meron din siyang st. Roche na pabango. Kung walang sakit sa balat, baka sa tenga nanggagaling. Mangagamoy din yan pag hindi natutuyong maigi yung balahibo. Bnblower namin ung mga aso namin pagkapalig. Meron kaming 2 half lab, isang basset hound (eto talaga bantotini hahaha) saka yung shih tzu ko. Mabango pa din naman siya max 3 days. Lumalabas kasi siya sa bakuran saka nakikihalubilo ke bantotini kaya d tlaga maiwasan. Pero di naman siya bumabaho ng mabaho talaga yung tipong malayo pa lang naamoy mo na. kahit ilapit ko siya amoy aso lang pero di naman yung mabaho talaga. Lilinisin mo yung tenga, madalas dun galing yung mabahong amoy.
Yung dog food niya minsan vitality, minsan holistic. Dati nagpepedigree ako hinahalo ko sa kanin, yung wet, kaso puro preservatives din yun. Binibilan ko siya ng breast ng manok saka liver, tas hinahaluan ko ng malunggay or carrots or sayote or kalabasa. Kumakain din ng kamote, saka mangga hehehe. SInasalit ko yung dog food kasi kahit ano pang sabihin na all natural, eh processed yan e, mga by products lang karaniwan yan.
Nung nakatira pa ko sa manila, sa maliit na apartment kami nung shih tzu ko, pag nagwiwi siya pinupunasan ko agad yung pepe niya saka ung paa ng baby wipes, hirap na sundan dito sa probinsya eh. Saka ano din pala, di ko pa napahaba ng sobrang haba buhok niya. Baka kaya bumabaho agad kasi madaming natatrap na dumi sa buhok.
Patingin naman ng shih tzu mo