umm, about white ink tattoo po, bibihira po ang gumagawa nyan dahil hindi talaga sya applicable ilagay sa balat as ink alone. kukulay sya kapag bagong lagay pero eventually, mag ffade sya into yellowish color kahit anong gandang brand pa ng ink ang gamitin. hindi po kasi considered color ang white, ginagamit lang po sya as highlight at para mas magkaroon ng depth, body at dimension ang image.
(!) "pwede mo syang gamiting primary pero kelangan syang ulit ulitin para ma achieve mo yung hinahanap mong white color", at alam nyo na siguro ang ibig sabihin nun... mas masakit na proseso both sa skin at sa bulsa.
kaya po as a tattoo artist, hindi po kami gumagawa ng white ink tattoo dahil iniiwasan namin yung mga ganung scenario, kasi pangalan din po namin ang nakasalalay dun. ( dito na papasok yung (!), kapag nag fade ang white ink na tattoo mo, sisisihin mo ang gumawa kahit na inexplain ko na syo ang mga maaring mangyari, one thing leads to another, ipapa retouch mo sya ngayon dahil nag fade yung white. so, mejo titingkad na yung white, pero mag ffade parin in time, kaya ipapa retouch mo ulit... hanggang sa ma achieve mo yung white color na gusto mo. ang nangyari,malamang nagpalipat lipat ka ng artist, nasira kaming mga artist sayo dahil sa tingin mo, palpak yung ginawang ink sayo. in return, na-achieve mo yung white ink dahil pinaulit ulit tinattoo yun sa balat mo.
simpleng scenario lang po yun at simpleng explanation regarding white tattoo ink. pero maraming cases kaming na eencounter na ganyan.
sorry napahaba po yata, pero i hope nakatulong to para magkaron kayo ng idea at para ma educate din tayo regarding do's and don'ts about getting tattoos.
peace!