Oo naman. Sa iba, wag kayo ma-offend. Tingin ko lang kasi to.
Audio wise, gumagastos ka sa audio equipments and accessories, mag spend ka din sa software. Ang mahal nga ng audio system mo, tapos hindi orig ang gamit mo na cd/ lp (note: me bootleg na lp, mas mahal di hamak sa orig na pressing). Sayang lang. Hindi mo mama max out ang iyong gear. Tawanan ka lang ng ibang audio enthusiasts. Although, ok din sa ipod pero depende rin sa source ng music.
Music wise, ok ang cd/ lp na original. Yan kasi ang art ng musikero kaya pakinggan mo sa original copy form nya. Mas gugustuhin mo bang pakinggan ang favorite artist o album mo other than sa original copy ng album?
Gaya ng "Sgt. Pepper's," "Dark Side of the Moon" o "Kind of Blue" o yung mga re-mastered at 180g series.
Money wise, medyo mahal. Pero madalas na ang sale ngayon. Pag me gusto ka, di mo kelangan bilhin ngayon. Pwede later. Tyempo ka lang. Yung "Continuum" ni John Mayer, sale price ko nabili; at, "Beatles Anthology 1" na 3lp, brand new at UK press, wala pang Php2k. Years ang hinintay ko dito. Di mo kailangan mainip sa pagbili. Kung talagang gusto mo yan, maghihintay at mag-iipon ka.
Sabi nga ni Eric Clapton: "You don't choose music, music chooses you."
Mabibili mo rin yang mga gusto mo sa takdang panahon. Para bang ikaw talaga ang pinili ng bibilhin mo.
Maaring mura ang pirate, pero sa dami ng binibili mo di mo mamalayan e pwede mo na palang bilhin yung ibang gusto mo. Maganda din ata na makita ang original cd at lp sa library mo.