Hahaha sayang di ko machecheck kasi naka desktop ako
Anyway, required ba ang studio monitor speakers paramakapig mix ng maganda? Haha ano mga models to look for (yung mura lang)? Or headphones lang pwede na?
Yes and no.
Yes, dahil di hamak na mas maganda at accurate yung response ng mas malaking diaphragm.
No, dahil metikuloso ang pag-setup ng speaker monitors. Magkamali ka lang ng distance sa pader, height, angle, speaker volume, cabling, isolation, wala na yan. Not to mention room acoustics.
So kung di kaya makagawa ng acceptable speaker monitor setup, mag headphones ka na lang. Di sayang ang pera at mix. Kung kaya naman, sulit ang speakers.