TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: peminista on July 24, 2008, 03:42:51 AM

Title: MGA ALCOHOLIC!
Post by: peminista on July 24, 2008, 03:42:51 AM
alcoholic na ata ako. kase araw araw na talaga. tapos, nagiinom na ako mag-isa. kahit sa bar.pag wala makasama, nagiinom talaga ako magisa. minsan na-try ko beer in can habang bumabyahe sa bus mula qc to alabang.
haay. lika, mga alcoholic, kwentuhan tayo.,, sarap kase eh.. tagay pa!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: Endshiftresign! on July 24, 2008, 10:10:53 AM
dati, borderline alcoholic ako.

but i've recently quit drinking after shift...sa gabi na lang pag kasama ko mga kabanda ko...  :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: juan_augustus on July 24, 2008, 10:23:58 AM
dati rin ako.. severe na kasi insomia ko eh, di makatulog pag di nakakaubos ng 3 bote ng pulang kabayo. minsan pag trip ko hard para isang maliit na bote lang tulog na ako.
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: peminista on July 24, 2008, 12:04:50 PM
naku, natatakot ako kase minsan nakaka kinse na ko, me tama pa lang ako.. pero pag pinaghalo ang hard at beer sa kin, tumba ako. yung tamang washing.. pag hard, hard lang, pag beer, beer lang.. yung ganun ba..

totoo bang pag alcoholic ka na or chain smoker, once na tinigil mo ay biglang mas prone ka sa cancer at iba pang sakit, kase asa sistema mo na? kaya di ko matigilan eh.. sabi ng frend ko, doktor daw nagsabi sa knya nun..
(hehe, palusot pa)
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: xavier on July 27, 2008, 11:25:53 PM
pareho lang yun. enjoy your alcohol.

Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: dime001 on August 07, 2008, 04:46:45 PM
di ko lam kung alchoholic na ko eh.. (pero mga 4 - 5 times a week umiinom kami)

ehehe mas masarap kasi magkwentuhan pag may alak at pulutan eh...

di ko lam kung ung alak talaga habol ko ung magkakasama kami ng tropa ko hahaha pwedeng pareho  :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: aria on August 12, 2008, 09:57:14 PM
nakakatakot lang sa atay kapag sumusobra ka ng sampung bote gabi gabi
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: pugzzz on August 28, 2008, 10:22:58 AM
dapat pulutanin natin liveraid! hehehe!! lasing pa ako!/ :evil:
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: macOy on September 04, 2008, 10:18:46 PM
apir tayo hehehe
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: ironmat on September 04, 2008, 11:22:53 PM
if you drink. you die!
if you dont drink, you will still die!
so drink!!!!!!  :-D :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: uninvit3d on September 05, 2008, 04:59:27 AM



tagay pa!!!  :mrgreen:
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: noobiest09 on September 06, 2008, 11:34:52 PM
Tanong lang mga sirs. Anu ba masarap sa beer? 17 na ako pero hindi ko pa din talaga matipuhan ang lasa ng beer.  :?
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: ironmat on September 07, 2008, 09:22:59 AM
Tanong lang mga sirs. Anu ba masarap sa beer? 17 na ako pero hindi ko pa din talaga matipuhan ang lasa ng beer.  :?

masarap siya ser. as in masarap talaga! hmm. malt nagpapasarap sa beer. anu ba beer natikman mo?
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: noobiest09 on September 08, 2008, 12:59:11 AM
masarap siya ser. as in masarap talaga! hmm. malt nagpapasarap sa beer. anu ba beer natikman mo?

San Miguel po. Sabi ng Koreano kong kaklase sikat daw sa Korea yun kasi masarap pero sa totoo lang, di ko talaga magustuhan. Parang mapait na ewan.  :-(
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: jongits on September 08, 2008, 10:54:00 AM
Alak pa!!!  :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: ironmat on September 08, 2008, 08:29:09 PM
try mo magredhorse. yung malamig na malamig na malamig. yun! sigurado magugustuhan mo yun!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: adidas ni hudas on September 09, 2008, 01:46:51 AM
sarap uminom with frends
                     with classmates
                     with bandmates
                     with pinsan
                     and syempre,
                     with my brods and si erpat..
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: Santo Muerte on September 09, 2008, 09:22:37 AM
Get help, you drunks.
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: pugzzz on September 09, 2008, 09:14:49 PM
Tanong lang mga sirs. Anu ba masarap sa beer? 17 na ako pero hindi ko pa din talaga matipuhan ang lasa ng beer.  :?
tol wag ka muna mag beer GIN agad!!!! hehehehe!!!!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: charlz on January 05, 2009, 12:36:12 PM
yahoo!!  :-D hehe sarap ng alak kaso nakakataas ng BP haha patay tau jan lalu pag kasabay ng smoking... yung kabanda ko eh ganun nangyari nadoktor sobrang kakainum namin hehe.at sabi pag ganun daw ang lifestyle at di babaguhin e 40 na yung pinaka-maximum na age ang aabutin nia hehe pero eng eng lang ni doc yun hehe bakit yung mga tambay eh immortal parin hehe :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: charlz on January 08, 2009, 07:48:40 PM
alak EB? :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: bibcute on January 08, 2009, 10:30:41 PM
Tanong lang mga sirs. Anu ba masarap sa beer? 17 na ako pero hindi ko pa din talaga matipuhan ang lasa ng beer.  :?

Yeah, Hindi talaga Masarap yan sa una.. Pag nagtagal na mAsasarapan ka rin diyan..! Tiyaka It's not the taste that count, It's the Feeling that you get..
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: bakerboy on January 12, 2009, 11:18:18 PM
Tama!
Basta don't drink and drive pips  :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: pallas on January 16, 2009, 09:30:29 AM
Basta lagay sa tiyan at wag sa ulo :-)
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: pugzzz on February 01, 2009, 11:08:40 AM
- ayoko nang uminom!!!!!!!!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: pallas on February 05, 2009, 03:46:09 AM
Get help, you drunks.

chill out compaydrey....hik :wink: :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: shredboi on February 05, 2009, 05:07:07 AM
masarap umiinom.,. :roll:
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: Mr. Topsy Krett on February 05, 2009, 12:48:25 PM
@noobiest: Nung kasing age mo pa ako naranasan ko din un... Ayaw na ayaw ko na beer dahil sa lasa nya, so puro gin at hard lang iniinom ko...


Pero nung nagmatured na.. ung hard naman ang inaayawan ng panlasa ko...


So ngayon nasanay na ako sa beer... Lalo na sa RED HORSE!!! Sarap e...


Ung mga nag post sa thread na to... Inuman naman tayo minsan!!!


 :mrgreen:
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: peminista on February 13, 2009, 09:29:04 PM
tara moni!
alcoholic na ata talaga ako. umiinom na ko sa flask.kung san madatnan ng uhaw.kahit mag-isa..pero syempre, mas msarap pa din uminom kasama ang friends..or kahit hindi masyado friend, basta libre.hehe.
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: riccaliolio on February 13, 2009, 09:49:46 PM
@Peminisita, alcoholism na nga yan... :-D

Isa sa mga memories ko about sa inom:

Unang inom na grabe ako nalasing is bisperas ng Pasko nung 2003 ata (basta nasa college pa ako nun). After ng noche buena, derecho agad sa labas at nakipag-inuman. Gin ang ininom namin nun at inabot ng 3am.

Napansin ko na lang na lasing na lasing na ako nung maglakad, umeekis talaga. Pero natawa ako sa sarili ko nung pagdating sa street mismo ng bahay namin, pinilit kong dumiretso lakad ko.

Pagpasok ko ng bahay, derecho sa CR (sumasama kasi tiyan ko pag dami kain at dami inom :D ), tapos paglabas ko, amf! gising Nanay ko. Sakto nung papasok na ako ng kuwarto, tinanong ako, "Lasing ka ba?" Sagot ko "Hindi" sabay sara ng pinto at higa. Hehehe!

Ang malupit nun, 8am ako gumising nun at bumiyahe pa ng malayo. Hehehe!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: barneykols on February 14, 2009, 09:53:23 PM
Get help, you drunks.
lol.  :lol:
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: mozart123 on February 16, 2009, 08:47:41 PM
natuto ako uminom nung highschool pag wala pera matador gin ala jestoni tapos naging ginebra dati chicheria pulutan tapos para masarap lasa nilagyan namin pomelo tapos nag subok sa grapes lahat ata ng flavor juice natikman mula noon ayoko ng uminom ng mga juice na ganun flavor. tapos naging redhorse [apple] pag natutulog mapabaling ka sa kaliwa o kanan pag nakahiga umiikot mundo, tapos naging colt 45 ayos pero lately sanmig light hinay hinay na.
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: lykenhowl on March 03, 2009, 07:35:14 PM
Di baleng magtaas presyo ng bigas wag lang ang alak... Hik! Kampai my prends!!!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: ozborne on March 05, 2009, 03:00:32 AM
dati akong manginginom di ko lang alam kung alkoholik ang tawag doon tinutunga ko lang naman ang "hard drink" sa bote at nagsimula na akong uminom ng ala sais ng umaga minsan hanggang gabi na yun pag dumating ang mga ka tropa napansin ko sarap uminom kung nandun ka sa kabukiran o kabundukan kasi presko at malamig.
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: cheezemeistah on March 06, 2009, 04:40:02 AM
oo nung naging bum ako... umiinom araw araw for 1month... tinigil ko kasi 1morning di ako makabangon sumakit ung tagiliran ko...ngayon every sat-sun na lang...kampay!!!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: gwain on March 17, 2009, 09:03:41 PM
dati natigil ko na yan eh .. pati smoke.. pero ngeon every gig and jam hindi pwedeng walang alak..hahaha pero yung natigil ko na talaga.. heheh yung pag inom nalang.. dati din nung huminto ako sa pag aaral gabi-gabi kami umiinom.. minsan nga bzta umulan or umambon lang gin w/ kalamansi na agad.. haha tapos pulutan hanybar or chocknut.. nyahah. pero ngayun pag may gig at jam nalang..heheh
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: takuretakure on April 12, 2009, 06:33:08 AM
shat.  :mrgreen:
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: Angst_Ridden on April 14, 2009, 01:23:02 AM
hahah hnd pa ako alcoholic, but going there.  :-D
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: peminista on May 05, 2009, 01:55:28 AM
inuman na!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: barneykols on May 05, 2009, 09:10:28 AM
sarap ng the bar! swabe!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: mambo on May 05, 2009, 09:25:30 AM
sarap uminom kapag may pasok!hahah
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: nickmar on May 10, 2009, 09:38:43 PM
pwede ba mag eyeball tapos laklakan tayong lahat? :lol:
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: anamewashere on May 10, 2009, 09:55:34 PM
sarap uminom kapag may pasok!hahah

tama! sa mga estudyante pa dyan uminom na kayo araw araw. pag may trabaho na kayo hinde pwedeng mag-excuse na nagkahang-over ka kaya ka late o absent sa trabaho mo. tamo ako miserable na buhay ko dati kasi 4 times a week ako umiinom, ngayon every saturday na lang. bwaka ng ina ibalik niyo na lang ako sa college!
Title: Re: MGA ALCOHOLIC!
Post by: riccaliolio on May 11, 2009, 02:01:42 PM
sarap uminom kapag may pasok!hahah

Tara!!! :-D