TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician
The Musician Forums => Guitar Central => Topic started by: Skybox on October 11, 2016, 03:45:13 PM
-
I remember back in the day when I created my account "juan_portnoy" which I eventually retired, GC used to be brimming with activity. Nowadays, it's very obvious that there are less people hanging out here. I find this very odd because the past couple of years have been arguably the golden years in guitar gear.
My question is, where are all the people at? Lol.
-
I missed the pissing contest way back :-D :-D
-
I think the increasing accessibility of information over the Internet has something to do with it. Mas maraming andito noon dahil napag-uusapan yung mga topics. Ngayon, igu-Google lang nila, andiyan na yung information. No need to wait for thread replies.
-
Yep and of course facebook.
Di lang si GC kundi sa buong PM talagang kumonti ang tao, yung mga actives ngayon, sila-sila nalang din makikita mo sa ibang thread.
-
Everyone is on the Facebook page groups related to PhilMusic.
-
Wala nang pag-uusapan. Wala narin siguro GAS.
-
And nung nag down yung Philmusic last time na matagal. After na restore medyo nag slow na yung mga posts.
-
Pero ok lang, basta yung classifieds buhay! Bwahahaha
-
I missed the pissing contest way back :-D :-D
The popcorn threads like the good old discussion by deltaslim and firemodel55, the is an original guitar matters than local etc.. hehe
Pero ok lang, basta yung classifieds buhay! Bwahahaha
And this of course! :razz:
-
The popcorn threads like the good old discussion by deltaslim and firemodel55, the is an original guitar matters than local etc.. hehe
yep! andami nila dati naalala ko, dami ko rin natutunan sa mga yun.. mejo feisty din ako nung mga panahon na yun with my limited knowledge, I could say that I learned immensely from those threads..
>:D >:D
-
Yep and of course facebook.
Di lang si GC kundi sa buong PM talagang kumonti ang tao, yung mga actives ngayon, sila-sila nalang din makikita mo sa ibang thread.
Everyone is on the Facebook page groups related to PhilMusic.
Buong PM humina. Kahit samen sa Pinoydrums. Iba rin talaga nagawa ng madaling access sa FB.
On the brighter side, well for me I guess, is nalaman ko kung sino talaga mga solido pa rin dito sa PM. Mas masaya dito kesa sa FB oy!
-
AGT at RATS ang puntahan nyo mga paps! medyo kaunti na talaga kasi tambay dito sa philmusic at GC
kung gusto nyong maaliw, punta sa AGT at RATS :lol: :lol:

Ikaw bida dun e :lol:
Pero seriously dahil sa FB. Though pag serious stuff ang kelangan ko matutunan o mabasa I always go back here sa PM. Pero jan sa AGT at RATS ala sira ang momentum of seriousness

hahaha maingay lang ako dun, parang sementeryo na din kasi dun minsan :lol: :lol:
-
I guess you guys are right. The new generation of guitarists have all they need in FB kaya I guess new members registering here have declined. Even yung classifieds sa FB mas madaming activity.
-
^Para saakin, mas okay pa rin ang transaction dito sa classified kumpara sa facebook na mga buy and sell maliban sa mga page nitong Philmusic...

mas maganda pa rin mga items dito sa classifieds. mas systematic pa maghanap. sobrang smorgasbord yung posts sa FB classifieds eh.

I agree.
-
^Para saakin, mas okay pa rin ang transaction dito sa classified kumpara sa facebook na mga buy and sell maliban sa mga page nitong Philmusic...
True kasi dito alam kong legit at kumpara sa FB na andaming bogus sellers.
-
may mga nagbabalik-loob pa din naman... :wave:
-
Forum community in general is dying. Not just guitar central or Philmusic
Sent from my D6633 using Tapatalk
-
Pag nakikipagtransact ako sa fb classifieds i always ask for their pm name, mas kampante pa din ako kadeal ang mga may pm id.hehe
Sent from my SM-J710GN using Tapatalk

agree...
it really add some credibility to transact with kung familiar ang name dito sa philmusic....

Pano pag nag hanap lang sya ng random PM id, with high ranking status, pero last login mga 2015 pa.
Pano kayo mag ccross check?
-
In my case kadalasan chinecheck ko din ung fs post sa pm classifieds to confirm, at of course bg check lng sa fb profile mismo.
Sent from my SM-J710GN using Tapatalk
-
I agree.
ang hasel lang sa philmusic, walang sariling bandwidth for pics upload. hahaha kailangan pa tuloy umasa sa photobucket/image hosting sites.
-
lately, bihira naman ako ma GAS attack.... :-D
pero sa FB, madali nman ma-identify ung mga veteran PM sellers/members... kahit papaano, community talaga tyo dito, so kahit 2-3 years na last log-in dito sa PM... somehow, familiar pa din tyo sa mga old timers...
kahit naman dito sa PM, medyo hesitant tyo maki-pag deal sa mga newbie... (just in my case...)
-
Medyo magulo nga ang classifieds sa FB at madaming hindi mapagkakatiwalaan. Di katulad dito sa PM. Pero umoonti na nga lang ang user natin dito. Di katulad noon, daming seller sarap magtingin tingin ng mga gears. Hehe

yeah i agree. dati ilang oras lang natabunan na yung post mo, ngaun kahit ilang araw na minsan na 1st page pa din :-o

Oo nga eh. Ngayon first page na lang. yung mga may today's reply. :(
-
Probably some members are just in a hiatus from logging in at philmusic.
-
parang naging supporters na ni mr. Carlo Valle yung iba, not so sure though
-
Sinubukan ko dati magbenta sa FB (friend's account), ang pinag-iba ng classifieds dito at classifieds sa FB?
Sa FB
-mas madaming fake na binebenta as real
-mas malala mang lowball ang mga tao dun na akala nila kaya ka nagbebenta eh wala ka nang makain at papatusin yung pera nila na half nung price mo.
-mas sunod-sunod ang text inquiry pag dun ka nagpost pero kadalasan joy reservers, low ballers, and may mga tanong na nasagot na sa ad.
Advantage ng pagbenta dito sa PM
-well researched ang mga buyer most of the time, so kadalasan ng tanong eh more on the deal nalang and not the item.
-
^^^
Totoo, mas reputable ang mga tao dito.
-
Naaalala ko pa noon nung nag Join ako sa PhilMusic (October 2010, wait, SIX Years na pala ako!) naimbitahan lang ako ng friend ko kasi nga daw trusted ang mga tao sa Classfields, tapos nakakatuwa pa may mga discussions pa na makapagdadagdag kaalaman per category of musician. Nakakamiss yung mga taong ang bilis magreply, o kaya sobrang daming binebenta sa classfields na puro Posted Today[\b]

Hehe. Oo nga eh, dito ako natuto sa mga gears. way back 2007 kaya sumali ako dito para bumili ng Zoom 707. Hahaha. tapos ayun na. sunod sunod na ang dami ko ng nalaman. :D

Posible kaya ang kampanya para mainvite ulit pabalik yung mga forumer dito?
-
I think the increasing accessibility of information over the Internet has something to do with it. Mas maraming andito noon dahil napag-uusapan yung mga topics. Ngayon, igu-Google lang nila, andiyan na yung information. No need to wait for thread replies.
Tama.. Isa pa maraming nang babara dito, pag nag tanong ka babarahin ka lang na "i google mo kase"
-
nagjoin ako dito 2013. ang dami pa active non. mga bangayan dahil sa gears, mga comparison ng kung ano ano, basa basa ng info sa guitar central, namiss ko na din si fretboard, si sonicassault, tsaka si firemodel55 at ang Hiyaw, (kahit di ko sila kilala personally)
sa totoo lang, ang boring sa fb maghanap ng sagot sa mga tanong mo about sa gears e. ang dami kasi dun nagmamarunong lang. dito, may evidence ang mga sagot e. ngayon ang mga tambay sa anything goes well na lang. wala na gaano discussion about gears na gustong gusto ko kasi mahina din ako pagdating sa electronics e. wala na din ung nagbibigay ng mga free lessons. sinave ko na nga lang ung URL nung mga dating lessons e incase na kelangan ko ule.
mga kausap ko dito konti na lang. si sir Marzi, si Dungol king (Redlights), ung taga imus din na si Jan mayer at Boxedking, si mozart na may koleksyon ng mga chicks, si rick na ipapasyal kame sa camsur pagdating ng panahon. si musicianurse na suki ng "what made you pissed off today." tsaka si sardonyx na taga San Jose Del monte tomato ketchup.
sana madagdagan pa tayo! gusto ko abutin pa to ng mga anak natin. :wave: :wave:
-
nagjoin ako dito 2013. ang dami pa active non. mga bangayan dahil sa gears, mga comparison ng kung ano ano, basa basa ng info sa guitar central, namiss ko na din si fret, si sonicassault, tsaka si firemodel, (kahit di ko sila kilala personally)

Nung binasa ko yung baba, akala ko nakikinig ako ng Valedictory Speech. :lol:
Up natin para mabalik yung dati, not just here sa GC, kundi for the whole PM
-
AGT at RATS ang puntahan nyo mga paps! medyo kaunti na talaga kasi tambay dito sa philmusic at GC
kung gusto nyong maaliw, punta sa AGT at RATS :lol: :lol:
Tama. Tignan niyo dun kung pano mangdunggol si papi red.
-
^Baka kasi yung iba nag tuloy tuloy na ang bakasyon lalo nung lumala na yung pag bitaw bitaw nitong website, baka tinamad na din bumisita kasi halos di ka maka log in nung maya't maya nag dadown... Baka kailangan lang sila sabihan na buhay na ulit ang philmusic...
Namiss ko tuloy si tatang na lagi naming tinotroll noon, nakalimutan ko pangalan, yung nag cover ng I'm alright ni Neil Zaza... :lol:
-
Sinubukan ko dati magbenta sa FB (friend's account), ang pinag-iba ng classifieds dito at classifieds sa FB?
Sa FB
-mas madaming fake na binebenta as real
-mas malala mang lowball ang mga tao dun na akala nila kaya ka nagbebenta eh wala ka nang makain at papatusin yung pera nila na half nung price mo.
-mas sunod-sunod ang text inquiry pag dun ka nagpost pero kadalasan joy reservers, low ballers, and may mga tanong na nasagot na sa ad.
Advantage ng pagbenta dito sa PM
-well researched ang mga buyer most of the time, so kadalasan ng tanong eh more on the deal nalang and not the item.
Langyya ilang beses ako naka enkwentro ng mga ganyan paps! Nakakapikon! Kung makatawad kulang na lang ibigay mo na eh. :eek:
Pansin ko lang rin isa pa, mas madameng estudyante nandon sa FB na tipong halos hingin na lang yung mga for sale items eh.
nagjoin ako dito 2013. ang dami pa active non. mga bangayan dahil sa gears, mga comparison ng kung ano ano, basa basa ng info sa guitar central, namiss ko na din si fret, si sonicassault, tsaka si firemodel, (kahit di ko sila kilala personally)
sa totoo lang, ang boring sa fb maghanap ng sagot sa mga tanong mo about sa gears e. ang dami kasi dun nagmamarunong lang. dito, may evidence ang mga sagot e. ngayon ang mga tambay sa anything goes well na lang. wala na gaano discussion about gears na gustong gusto ko kasi mahina din ako pagdating sa electronics e. wala na din ung nagbibigay ng mga free lessons. sinave ko na nga lang ung URL nung mga dating lessons e incase na kelangan ko ule.
mga kausap ko dito konti na lang. si sir Marzi, si Dungol king (Redlights), ung taga imus din na si Jan mayer at Boxedking, si mozart na may koleksyon ng mga chicks, si rick na ipapasyal kame sa camsur pagdating ng panahon. si musicianurse na suki ng "what made you pissed off today." tsaka si sardonyx na taga San Jose Del monte tomato ketchup.
sana madagdagan pa tayo! gusto ko abutin pa to ng mga anak natin. :wave: :wave:
Bat ako nasama dito?! Hahaha! Oo taenna ang dame kasing dame kasing kups sa LRT. Hirap rin talaga di patulan pag garapalan na eh.

tol sign yan na bumili ka na daw ng oto!. Sabi ni Lord. :-P :-P
-
^ Meron naman paps. Problema lang walang parking sa opisina sa Taft, baha pag umulan, trapik mula QC hanggang Manila, taas ng krudo. Mas mabilis rin naman din kasi LRT. Simple lang naman sana maganda mangyari sa LRT eh, may sistema ang tao/pasahero. Kaso wala eh. Nagiging katawatawa pa sa kanila pag may nasisiksik sila. Kala mo mga bata eh.
Anyway OT na to!
The best GC at Philmusic as a whole kesa FB! Woohoo! :mrgreen:
-
Edit: Ooops! Wrong thread. :-D
-
:) Solid Philmusician here!
^^^
Totoo, mas reputable ang mga tao dito.
-
nagjoin ako dito 2013. ang dami pa active non. mga bangayan dahil sa gears, mga comparison ng kung ano ano, basa basa ng info sa guitar central, namiss ko na din si fretboard, si sonicassault, tsaka si firemodel55 at ang Hiyaw, (kahit di ko sila kilala personally)
sa totoo lang, ang boring sa fb maghanap ng sagot sa mga tanong mo about sa gears e. ang dami kasi dun nagmamarunong lang. dito, may evidence ang mga sagot e. ngayon ang mga tambay sa anything goes well na lang. wala na gaano discussion about gears na gustong gusto ko kasi mahina din ako pagdating sa electronics e. wala na din ung nagbibigay ng mga free lessons. sinave ko na nga lang ung URL nung mga dating lessons e incase na kelangan ko ule.
mga kausap ko dito konti na lang. si sir Marzi, si Dungol king (Redlights), ung taga imus din na si Jan mayer at Boxedking, si mozart na may koleksyon ng mga chicks, si rick na ipapasyal kame sa camsur pagdating ng panahon. si musicianurse na suki ng "what made you pissed off today." tsaka si sardonyx na taga San Jose Del monte tomato ketchup.
sana madagdagan pa tayo! gusto ko abutin pa to ng mga anak natin. :wave: :wave:
Taga Laguna ako paps pero yung business partner ko kasi taga Imus. Hahaha sarap din talaga dito sa AGT at RATS parang online tambayan na ng mga PM members.
BTW, bakit parang di na ata active si paps sonic?
-
^ Meron naman paps. Problema lang walang parking sa opisina sa Taft, baha pag umulan, trapik mula QC hanggang Manila, taas ng krudo. Mas mabilis rin naman din kasi LRT. Simple lang naman sana maganda mangyari sa LRT eh, may sistema ang tao/pasahero. Kaso wala eh. Nagiging katawatawa pa sa kanila pag may nasisiksik sila. Kala mo mga bata eh.
Anyway OT na to!
The best GC at Philmusic as a whole kesa FB! Woohoo! :mrgreen:
BTT: mas masaya parin nga dito lalo na sa inquiry ng gears! :mrgreen:
-
Taga Laguna ako paps pero yung business partner ko kasi taga Imus. Hahaha sarap din talaga dito sa AGT at RATS parang online tambayan na ng mga PM members.
BTW, bakit parang di na ata active si paps sonic?
di ko nga din alam e. Huling kita ko ng mga reply non, ung thread ng Hobbies ng batang 90's
-
Taga Laguna ako paps pero yung business partner ko kasi taga Imus. Hahaha sarap din talaga dito sa AGT at RATS parang online tambayan na ng mga PM members.
BTW, bakit parang di na ata active si paps sonic?
Nakablock na PM sa office nya.
-
Yung iba siguro naka log in, pero di na masyado nagpopost.
Namimiss ko dito yung "Free Stuff na Thread" nakakuha ako practice amp, :-D
-
Nakablock na PM sa office nya.
ay gnun? sayang naman... :cry:
-
Nakablock na PM sa office nya.
Anak ng. Hasel! Hahahaha btw, napansin ko lang na binalik mo na yung old icon/dp mo dito sa profile mo sa PM :-D

memories kasi yan ng argue nila ni "Hiyaw" guy before. :lol: :lol: :lol: :lol:

The guy hates the brand. :-D
-
The guy hates the brand. :-D
hahaha baka active pa yun dito. madali ako HAHAHAHAHA. :lol: :lol:
-
Isa reng epic na thread dito yung paano makuha yung tone ni Franco. Nung una informative page 2 dun na nagsimula ang katatawanan :lol:
-
Active pa sila Barbie at Perf dito noon. Si sir Jim Morrero pinupuntahan ko nalang sa Lazer para maka chikahan haha.
-
Blame it all on free FB <_<
-
nakakamiss na talaga yung mga dtmateo threads. daming classic reads ditto sa GC =))
-
.... those were 'd days...
-
Yung Mga Guitar Central EB...
Nakapunta ako nun nasa Erod cor Timog ba un? yung malapit sa gasolinahan?
Napanood ko in action yung mga gods dito. Sila Sir Jazzhombie, Sir Jobet, kung di ako nagkakamali andun din si Sir Joric.
-
nakakamiss na talaga yung mga dtmateo threads. daming classic reads ditto sa GC =))
I dont know pero his thread has some appeal to me, whenever people reacts, natatawa ako or it puts a smile on my face, i always remember something funny . Its like my favorite comedy lines, hahaha and hindi ako maka move on sa saxophone, whenever i hear saxophne natatawa o nangingiti ako. hahaha

yung saxophone talga sobrang natatawa ako pag naaalala ko =))
-
na alala ko pa yung mga "popcorn " threads...
- emogeek saga
- the scalarizer
-
yung saxophone talga sobrang natatawa ako pag naaalala ko =))
UY LURKER AKO SA THREAD NA 'TO!! WHAHAHAHAHAH
-
at pagnakakainitan sa popcorn thread., ipapasok na ang HOTDOG analogy. :-P
#IMHOU #AMMK
-
:) Solid Philmusician here!
Yeahhh! :D
-
Mukang dami na nga mas active sa FB.
Dami na din music-related groups sa FB.
Relatively, mas mabilis magpost sa fb compared here, especially pag may pictures.
Pero mas informative pa din mga threads dito compared sa FB.
-
na miss ko si firemodel55..
mukha nga nasa fb na lahat..
ngayon meron sa fb si carlo valle :-)
-
Same sentiments, Skybox. But I find myself being more of a lurker nowadays. Less GAS too since I'm not that updated with most of the current gear being released.
-
Mukang dami na nga mas active sa FB.
Dami na din music-related groups sa FB.
Relatively, mas mabilis magpost sa fb compared here, especially pag may pictures.
Pero mas informative pa din mga threads dito compared sa FB.
Mismo! :mrgreen:
-
Paulit ulit nalang kasi yung mga topics dito sa Guitar Central
-
http://talk.philmusic.com/index.php?topic=291689.0

HAHAHAHA Classic!
-
fb groups like GTP et al.
i dont like clutter in fb groups. all points cited above are valid. upping the thread. :)
-
http://talk.philmusic.com/index.php?topic=291689.0
ang sakit sa ulo hahaha. :lol: :lol:
-
Yup yan nga yung sinasabi ko na thread na maayos ang simula tapos biglang naging WTF :lol:
-
Mas classic yung link ni ysei kaso sa AGT yun hahaha, andami sinirang confidence nun eh hahaha
-
active pa ba sya? o nag deactivate dahil sa troll? :lol: :lol:
-
Nothing new na din kasi sa topics. tsaka minsan nalang ma-gas. hahaha!
Although yung ibang forums thriving pa rin. I always enjoy sevenstring.org at TGP. madami din kasi sila mga tone tests. karamihan din nasa FB, pinagtatalunan pa rin ang tones vs fingers vs pana ng indian. :cry:
-
mga tumanda na tayo at bihira na lang makabisita dito sa PM forums hahaha. Tito mode.

Agree. Although I must admit, during the years that i didn't visit Philmu, nawala ang GAS ko haha.
-
^ Skybox = SAU??? :?
-
^ Skybox = SAU??? :?
Oi pre! Long time!
-
walanjo! haha!!! ikaw pala yan! tong si ichakanabin at juan porn-toy este portnoy! hahah!!! ^-^

Korek! Nakaka miss lang yung late 2000's super active ng GC. May awards, may t-shirts.. Those were the days. I'm praying for a resurgence here in GC. Philmu > FB Groups IMHO.
-
Daming ibang jologz sa FB groups.
OT:
Ngayon ko lang napansin Philmusicus Addictus na pala ako haha :lol:

si marzi at r_chino ang goals eh. SUPREMUS! =))
-
teka, di ba na-badtrip din ang ibang GC members sa moderator?

KJ hits daw eh hahaha
-
nun nagkaroon ng isyu sa moderator eh doon nagsimula pumunta sa facebook ang mga tao.
-
si marzi at r_chino ang goals eh. SUPREMUS! =))
HAHAHA oo nga eh! Pano ba ranking niyan? Or pinarequest nila sa mods?
-
teka, di ba na-badtrip din ang ibang GC members sa moderator?
Halos lahat naman ng iba't ibang groups may reklamo sa mga mods eh. Any orgs, kahit di music related.
-
HAHAHA oo nga eh! Pano ba ranking niyan? Or pinarequest nila sa mods?
10k posts yan papi. yung addictus natin 1k posts lang HAHAHAHA

10k posts punyeta!! :lol: :lol: :lol: :lol:
-
^ isang dekada pa palilipasin naten pala neto! :lol:
-
10k posts yan papi. yung addictus natin 1k posts lang HAHAHAHA
Malapit na pala ako maging SUPREMUS eh! 8,199posts to go WOOOOHHHOOOOOO!!! :-P
-
inugat na si pareng marzi dito kaya supremo na yan :lol: :lol:

binata pa ata si papa marzi nung sumali siya dito hahahaha

Nyahahahaha pag pamilyado na kaya ako, buhay parin ang PM? Hmmm :?
-
Been a member since 2006, studiyante pa lang ako noon at wala pa kaming internet sa bahay. Nagrerent lang ako sa computer shop at wala akong ibang ginagawa noon kundi mag-abang ng mga swabeng deals sa classifieds at mag-basa ng mga thread dito sa GC. Those were the days. :)
-
binata pa ata si papa marzi nung sumali siya dito hahahaha
HAHAHAHAHAHAHAHAHA. pics Sir Marzi nung binata days pa. :lol: :lol:
-
I think that it's a natural progression sa mga groups/fora. From mailing lists + IRC to web forum > FB group. Mas preferred ko pa rin ang web forum dahil ng threaded views and search functions. Even the mailing list have good search functions (via archives).
-
I quit Facebook because of the bad signal to noise ratio. Using forums makes it easier for me to track the topics I'm interested in and get depth in that knowledge area (as opposed to breadth across different areas as in FB) without the Duterte nonsense that's peddled on FB by his paid trolls these days.
Sent from my SM-N910C using Tapatalk
-
Yung iba nagkaproblema sa account nila and they don't know how to fix it para maka login
-
marami sa mga veterans nag migrate, busy etc..
pero i guess the PM forum nowadays is less interesting. nakaka miss tuloy yung "oasgomez/firemodel55" at "scalarizers" bwahahhaa..
-
nag scatter off na kasi sa mga apps, fb etc.. di na siya concentrated into one place.. the classifieds here are still tops though..easy, less BS deals ...
-
marami sa mga veterans nag migrate, busy etc..
pero i guess the PM forum nowadays is less interesting. nakaka miss tuloy yung "oasgomez/firemodel55" at "scalarizers" bwahahhaa..
Nabasa ko isa dito
-
I think, to take Philmusic to the next stage..dapat maging reverb ng pinas to..since..madaming may alam about how respectable the classifieds are here

Kaso kumokonti na din nagpopost ng items sa classifieds. Dati everyday matatabunan na post mo, ngayon hindi na.
-
mas madami na yata nagpopost ng ad sa fb
-
^Andami na sa fb, minsan kahit fake hindi na sinisita...
-
convenience din...mas mabilis pag mga apps...nakasanayannalang natin tumambay dito..pero unti unti nadin siguro maphase out yung ganitong setup
-
Dati pagmulat palang ng mata ko, bookmark ng Philmusic agad binubuksan ko. Ngayon, FB na and Music Related groups.
Cguro mas interactive ang FB. Mas madaling mag usap at mas madaming kausap. Kita mo pa agad kung sino yung kausap mo
-
"as long as it's alive"
:)
anyone care to inform me what happened since the start of 2016? :)
-
I'm still here everyday.
-
yeah me too..out of habit and checking out the latest news and issues..hehe
-
Priceless yung mga FS ad sa FB na may description na "pure rockers" lol!
-
Nagtaka din nga ako.
pero noon kasi ang mga subgroups nagcoconverge sa Philmusic
Yung mga subgroups na yun nagtayo tayo na ng kanikanilang grupo sa facebook
tapos yung iba busy na, iba na hobby or nagfocus sa ibang linya, nag law school etc etc
-
dito pa din ako pero very limited na sumilip. mas rare pa ang mag post
-
Ilang Beses nako nagpalit ng Opisina at ilang beses na din ako nablock ng IT guy
Sa PM lang ako natuto na hindi pala ikaw ang pinakamagaling at wag kang magmagaling. Back up your facts first.
Sa mga unang pagtatalo mula music related hanggang sa grammar at politics.
Sa mga nakakatawang posts na nagpakamot sa ulo ko at nagpahagalpak!
Sa mga nakasalamuha ko rito sa PM kahit na minsan di tayo agree sa mga issue sa buhay.
Mas makabuluhan pa kayo sa kahit na anong website na napuntahan ko.
Kanila na yung FB (actually di ako makapagdeal sa FB kasi nandidiri ako sa majority ng for sale posts at dahil inaassume ko na mandurugas lahat dun) pero ito lang masasabi ko, Walanakamingyelo.
Sana mabuhay uli ang sigla ng Forums at ng PM! I suggest yung mga moderators kung may oras kayo o kung anuman magorganize uli tayo ng EB o Tone Party or whatnot para naman mabuhay ang community ng FB. Iba pa din kasi ang talakayan dito eh

Ditto!
May certain common mentality yun mga nasa FB na hindi ko masakyan. Tapos qwerty na ang keyboard pero text/jeje speak pa rin.

sobra. di ko magawang bumili ng item sa kahit anong FB Group (Except GTP classifieds hahaha panay taga PM din andun eh). feeling ko lahat ng nasa FB group eh overpriced na mga PC Park items =))

Siguro meron kasing standard dito sa PM na kapag dito ka umiskor eh dapat maayos kang kausap otherwise wala nang maniniwala sayo lalu na't majority ng mga musikero noon ay members. Tignan mo lahat ng nang iscam dito sa PM di na nakaulit. Saka matalas ang mga mata ng tiga kilatis dito sa PM alam mong reliable kasi sila rin yung nakikita mo sa maayos na discussion about gears and whatnot.
Saka namimiss ko na rin ang tanungan portion ni boss turi hehe
-
error 404 kasi. ddos ung server
-
my theory:
limited lang kasi ang pwede mong ma-access na gear locally kaya kung ano meron ka, malamang meron din ako...so wala nang mapagusapan na bago. some of us, sa international threads na pumupunta for information on new guitar related stuff.
and syempre, facebook. lahat na nandun. getting in touch with friends, online shopping, hobby groups etc. etc.
-
Fm55 prin ang bumuhay ng GC noon. Kung babalik ba sya sasaya kayo? HAHAHAHA
Sent from my iPhone using Tapatalk

hanggang ngayon naman andun parin siya, although tamed down na siya ngayon, and mejo naiintindihan ko na rin yung point niya. wrong delivery lang talaga lagi. but he knows stuff.

Marami din ako natutunan dun pero di ako masyado sa tone chase e. More on budget wise and ease of use ako so stock knowledge lang para incase na kelangan atleast meron.
Si Deltalism? San na?
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
Ditto!
May certain common mentality yun mga nasa FB na hindi ko masakyan. Tapos qwerty na ang keyboard pero text/jeje speak pa rin.
hahaha sooo true, hands down ako sa Philmusic deals.. community padin in a way..pag kausap ko partner ko sa pinas na magshihip, sinasabi ko "OK to, taga Phlimusic siya "..pag may kadeal...
-
Yung pinsan ko member ng Buy and sell groups sa FB so nakisuyo ako kasi may pinakita siya sakin item na kelangan ko and may nagbebenta dun. So nangyari ang deal, at dahil sanay ako sa PM deals binigyan ko lang "quick look" and naghiwalay na kami, pagtingin ko sa bahay kulang ng "parts" yung item, tinext ko yung seller, sagot niya "as is yan sir kung ano nakita niyo sa picture yun lang" pucha sinend ko yung sinave kong pic ng ad niya na kumpleto, no reply na siya wtf.
May isa din pinabenta ko naman, tumawad ng 500 yung buyer, binigay ko na, pagmeetup namin tumatawad pa uli ng 200 kasi pang Gas daw ng motor niya, pinapakita pa sakin wallet niya na wala nang laman. Sinabi ko "brad di ko na problema gas mo". Kinuha padin niya yung item pero panay ang bulong habang nagbabayad.
Eto last pinakamalupet, bibili ako ng item sa kanya, pucha akala mo syota every 3 minutes nag checheck kung nasan na ako. Hindi exxagerated yun ha, talagang grabe sa pagcheck, eh nag dadrive ako di ako makareply, pagdating ko sa meetup place pagtingin ko ang dami ko text received. Tapos tinext ko kung nasan na siya , ang reply "umuwi nako sir di ka kasi nagrereply" WTF?!
Sana mabalik uli na active yung PM classifieds, nakakamiss makipagdeal ng walang hassle eh.
-
Dito pa rin ako sa PM bumibili at nagbebenta, sa point na ito I still couldn't bring myself to trust the sellers sa FB (except yung seller na galing din sa PM) dahil sa mga hindi magandang incidents na nababasa ko. Pero I'm thinking na I can buy gears here in PM and sell thru FB kung kelangan.
-
Yung pinsan ko member ng Buy and sell groups sa FB so nakisuyo ako kasi may pinakita siya sakin item na kelangan ko and may nagbebenta dun. So nangyari ang deal, at dahil sanay ako sa PM deals binigyan ko lang "quick look" and naghiwalay na kami, pagtingin ko sa bahay kulang ng "parts" yung item, tinext ko yung seller, sagot niya "as is yan sir kung ano nakita niyo sa picture yun lang" pucha sinend ko yung sinave kong pic ng ad niya na kumpleto, no reply na siya wtf.
May isa din pinabenta ko naman, tumawad ng 500 yung buyer, binigay ko na, pagmeetup namin tumatawad pa uli ng 200 kasi pang Gas daw ng motor niya, pinapakita pa sakin wallet niya na wala nang laman. Sinabi ko "brad di ko na problema gas mo". Kinuha padin niya yung item pero panay ang bulong habang nagbabayad.
Eto last pinakamalupet, bibili ako ng item sa kanya, pucha akala mo syota every 3 minutes nag checheck kung nasan na ako. Hindi exxagerated yun ha, talagang grabe sa pagcheck, eh nag dadrive ako di ako makareply, pagdating ko sa meetup place pagtingin ko ang dami ko text received. Tapos tinext ko kung nasan na siya , ang reply "umuwi nako sir di ka kasi nagrereply" WTF?!
Sana mabalik uli na active yung PM classifieds, nakakamiss makipagdeal ng walang hassle eh.
sooo true!!! hahaha sa PM sa experience ko maayos at swabe...
here tip: kung seller ka, always deal at your convenience... #1 rule para makaiwas sa bad deals, it cuts the bad buyers by 90%...
mostly mga Sigurado lang at DESIDIDO at may pera ang Gagawa ng paraan to meet you at your specified meet up or will abide by sellers means of payment and shipping. (it also shows na mas sigurado at maasahan din yung Seller)
wag na wag lang ang buyer ang magdidictate sa iyo paano mangyayari yung deal.
for me pinaka annoying sa kwento mo yung...tumatawad pa after ninyo magsara sa usapan...the worse kind mga ganyan...
-
so eto na nga dahil humantong na din sa buy and sell ung usapan. :lol:
nakadeal ko kanina lang si tister_marco. Sir salamat sa patience. Bwakanang inang traffic 6pm na usapan naging 8pm dahil sakin. Grabe ung traffic hahaha.
P.S. Pogi si sir Marco sa personal <3 :lol: :lol:

Pwede mo kwento sa RATS yan brad kung nacoconfuse ka, wala naman kaso dun. :lol: :-P

Hahahaha! Tatanggapin ka namin Nico, kahit ano ka pa. :lol:

Kaya gusto sumabay sayo brad! :lol:
Joke lang nico!
-
hahahaha taena nadale nyo ako don. sarap ng tulog ko di na ako nakabawe! :lol: :lol:
-
Kaya gusto sumabay sayo brad! :lol:
HAHAHAHAHAHAHA PAPA NICO KAYA PALA GANUN NALANG HAPLOS MO AH =))
-
sooo true!!! hahaha sa PM sa experience ko maayos at swabe...
here tip: kung seller ka, always deal at your convenience... #1 rule para makaiwas sa bad deals, it cuts the bad buyers by 90%...
mostly mga Sigurado lang at DESIDIDO at may pera ang Gagawa ng paraan to meet you at your specified meet up or will abide by sellers means of payment and shipping. (it also shows na mas sigurado at maasahan din yung Seller)
wag na wag lang ang buyer ang magdidictate sa iyo paano mangyayari yung deal.
for me pinaka annoying sa kwento mo yung...tumatawad pa after ninyo magsara sa usapan...the worse kind mga ganyan...
Sobrang tama tong statement na to and I think this should be added to the rules and regulations. I think unwritten rule ito sa PM for the longest time. Kaya na-culture shock ako sa FB na buyer yung nagdidikta ng meetup time and place. Di ko talaga kinaya. Di din ako pumayag. Kung di mo gusto terms ng seller maghanap ka ng ibang mabibilhan haha.
-
Hahahahaha!
Yes most people on FB, sellers buyers all of them, are a bunch of cunts that's why I quit FB

hahaha sila din magdidikta sa iyo pati PRESYO!
Distortion Pedal
3500
QC
___
"ser, kunin ko yan 500, sa Muntinlupa city hall meet up ser, 10pm pa pago ako pumasok ng night shift"...
hahaha..

Yes! True to life yan! Ang kakapal ng mukha.
-
Nadale nga ako nyan one time sa FB. Taena di ko alam kung matatawa ako o maiinis ako e. Sumikat ako ng 4 na araw sa page ng PM sa fb dahil dun. Mas napabilis tuloy pagkakabenta ng items ko. HAHAHAHA
Anyway...
Taena nadale tlga ako ni Cel at Boxedking. HAHAHAHA :lol:
-
Malamang nasa RBreezy page ang karamihan.
-
Nico paki kwento na sa RATS yung Titser_Marco experience mo pls?

+1
-
^Gusto ko din yan marinig... :)
-
Pakers hahahaha tigilan nyo ako
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
Pakers hahahaha tigilan nyo ako
Sent from my iPhone using Tapatalk
sige na, wala naman iba makakaalam
-
Borta ba? hahahahaha loko lang
-
I miss this place. I'm back!
-
i miss yung era 2009 to 2013, yung halos in less than a minute may nare-receive akong notification sa email ko na mga responses sa mga threads na sinubscribe ko, yung halos wala na ako magawang trabaho kakabasa maghapon, dami active dito sa Philmu nung mga times na yun, madami ding events and gigs courtesy of some members, and yung mga legendary threads. And right, yung Ads hindi lang five pages yung naa-update per day, actually naging routine yata ang PM ng karamihang members. What happen nga ba hehehe? sayang hindi na naabutan nung mga bagong members yung mga time na yun...
-
i miss yung era 2009 to 2013, yung halos in less than a minute may nare-receive akong notification sa email ko na mga responses sa mga threads na sinubscribe ko, yung halos wala na ako magawang trabaho kakabasa maghapon, dami active dito sa Philmu nung mga times na yun, madami ding events and gigs courtesy of some members, and yung mga legendary threads. And right, yung Ads hindi lang five pages yung naa-update per day, actually naging routine yata ang PM ng karamihang members.
Heto din yung time na active na active ako dito sa PM. Gone are the good old days :-\
-
Fm55 prin ang bumuhay ng GC noon. Kung babalik ba sya sasaya kayo? HAHAHAHA
Sent from my iPhone using Tapatalk
Bending duel with kawayan strat :-D
-
Bending duel with kawayan strat :-D
OMG! Popcorn threads! :lol:
-
maski yata mga mod wala na dito :lol:
-
it started during those days na palaging down ang PM.
Sent from my iPhone using Tapatalk Pro
-
Yeah I've been reporting errant posts pero di na umaaksyon mga Mod. Happy to volunteer to be a mod and keep this place tidy for those of us who still like to hang around here.
Sent from my SM-N910C using Tapatalk
-
Yeah I've been reporting errant posts pero di na umaaksyon mga Mod. Happy to volunteer to be a mod and keep this place tidy for those of us who still like to hang around here.
Sent from my SM-N910C using Tapatalk
Ayos yan sir.
-
Been gone too long, can't remember how to post photos. Can't even remember my photobucket PW.
:-P

Go go go!

That would be nice! :mrgreen:
-
philmusic.com has until 2023 for the domain name to expire.
Kung hindi na handover, then good bye
But I reckon this site will go down before that if the hosting wasnt handed over as well

shet! ibig sabihin end of an era na?
-
philmusic.com has until 2023 for the domain name to expire.
Kung hindi na handover, then good bye
But I reckon this site will go down before that if the hosting wasnt handed over as well
Less than 6years to go :-\
-
By 2023 baka hologram tech na ang uso at the rate we are going. Baka laos na touch screens haha.
-
2023 Philmusic Countdown...
:cry:
-
2023 Philmusic Countdown...
:cry:
Mami-miss ko yung mga necro bumping skills mo gandy :cry:
-
Domain Name: PHILMUSIC.COM
Registrar: TUCOWS DOMAINS INC.
Sponsoring Registrar IANA ID: 69
Whois Server: whois.tucows.com
Referral URL: http://www.tucowsdomains.com
Name Server: NS1.HOVER.COM
Name Server: NS2.HOVER.COM
Name Server: NS3.HOVER.COM
Status: clientTransferProhibited https://www.icann.org/epp#clientTransferProhibited
Status: clientUpdateProhibited https://www.icann.org/epp#clientUpdateProhibited
Updated Date: 08-aug-2015
Creation Date: 14-dec-1996
Expiration Date: 13-dec-2023
>>> Last update of whois database: Wed, 23 Mar 2016 23:14:32 GMT <<<

:-( :cry:
-
Count down to extinction anyone? :oops:
-
Dec 13 parang Mayan calendar ah haha :lol:
-
Been gone too long, can't remember how to post photos. Can't even remember my photobucket PW.
:-P
Just use imgur sir!
Nasa GTP na mga tao dito hahaha
-
Domain Name: PHILMUSIC.COM
Registrar: TUCOWS DOMAINS INC.
Sponsoring Registrar IANA ID: 69
Whois Server: whois.tucows.com
Referral URL: http://www.tucowsdomains.com
Name Server: NS1.HOVER.COM
Name Server: NS2.HOVER.COM
Name Server: NS3.HOVER.COM
Status: clientTransferProhibited https://www.icann.org/epp#clientTransferProhibited
Status: clientUpdateProhibited https://www.icann.org/epp#clientUpdateProhibited
Updated Date: 08-aug-2015
Creation Date: 14-dec-1996
Expiration Date: 13-dec-2023
>>> Last update of whois database: Wed, 23 Mar 2016 23:14:32 GMT <<<
san na ako maglulurk pag nangyari to :cry:
-
Just use imgur sir!
Nasa GTP na mga tao dito hahaha
Eman! ano ung GTP?
-
Eman! ano ung GTP?
Gear Talk Pilipinas on FB
-
Just use imgur sir!
Nasa GTP na mga tao dito hahaha
o di kaya gumawa ng isang group sa FB, nag invite ng mga musikero, naging self-proclaimed moderator.

daming ganyan =))
-
tiny pic na gamit ko recently to upload pics..haha langhiyang photobucket nagloloko na on my side
-
I'm planning something. Just need to get the other guys on board.
Stay tuned, guys :)

Yown! :mrgreen:
-
I'm planning something. Just need to get the other guys on board.
Stay tuned, guys :)
Ayos!!!!

YES! :mrgreen:
-
I'm planning something. Just need to get the other guys on board.
Stay tuned, guys :)
awesome!! wooot!!!
-
I'm planning something. Just need to get the other guys on board.
Stay tuned, guys :)
Yes sir!!
-
:-D

uy! :wink:
-
I'm planning something. Just need to get the other guys on board.
Stay tuned, guys :)
Will it be accessible to Facebook-less people like myself?

I hope so too.
-
Will it be accessible to Facebook-less people like myself?
+1. I really hope so.
-
Do you smell what the Rock is cookin'? :-D
-
I'm planning something. Just need to get the other guys on board.
Stay tuned, guys :)
you made me smile baby, you made me smile hahaha!!!
-
Salamat pa ri sa GC at sa PM. The old folks sparked musical curiosity. Helped a lot with tips and tircks of the trade.
-
I'm planning something. Just need to get the other guys on board.
Stay tuned, guys :)
Uy anong balita!!???
-
tiny pic na gamit ko recently to upload pics..haha langhiyang photobucket nagloloko na on my side
Hey bro ako din di na ako makapag upload sa Photobucket. Pag sa Chrime nakakapag login pa ako pero sa Photobucket app ayaw na mag login. Tapos sa browser di na makapag-upload. Ganito rin experience mo bro?

oo dre ayaw nga ng photobucket noon pa. puro na lang ads tpos lagi nanghihingi ng update ng adobe flash kahit nka google chrome naman ako.
sa imgur.com okay. :wave:

Shux I thought it was just me. Hassle naman sana ayusin na nila.
-
Hey bro ako din di na ako makapag upload sa Photobucket. Pag sa Chrime nakakapag login pa ako pero sa Photobucket app ayaw na mag login. Tapos sa browser di na makapag-upload. Ganito rin experience mo bro?
abandoned account na yung photobucket.. :cry:
-
I went into law school therapy/rehab
Yeah I wish that were a joke, but it's not :-)
-
Gumawa na lang ako bago photobucket account. Ok na ngayon. :-D
-
I went into law school therapy/rehab
Yeah I wish that were a joke, but it's not :-)
Good to have you back. Hope all is well.
-
namiss ko to. hehe.
-
^^^ The Boys are Back in Town!!!
-
^^^ The Boys are Back in Town!!!
We have to thank FM55 for bringing Guitar Central back to life.

On FB, Al Librero, Nathan Manansala, Joric and ...ohh I forgot who else seemed to signify an intention to return :-D.
Seriously tho, fb is far more convenient. And addicting. Just sayin.
-
Woah!!! dito ko lang nalaman na may expiry pala ang PM.
Lurker lang ako nung college, dami kasing matututunan tsaka nakakainggit yung mga nagpopost ng mga gears nila at ang sarap tignan ng mga items for sale...then nung nagkawork na nagdecide ako magsign up, ang kulit kasi ng mga kulitan sa RATS at AGT.haha
Hindi ko naman intention magbenta ng mga items, hanggang window shopping lang ako, pa browse browse sa mga for sale at for trade..haha
Pero yun nga, lately matumal na nga nagpoposts at active dito sa PM.
Yung previous account ko nga nagkaproblema pa. But still, gumawa pa ako ng new account (sa tulong na din ng isang member dito) knowing na halos iilan na lang ang active dito.
Nakakalungkot naman. Sana magboom ulit ang Philmu.