pcb etching 101
by kuyaneo
ito yung way na nakasanayan ko. maami pagn ibang ways dyan na mas mahal or mas mura
mga kialangan:
1. print out ng ready to transfer na board. pdf file usually yun. pag ipriprint niyo ay ilagay niyo na none sa page scaling option.
pina acetate ko sa powdered copy machine
2. sharpie. etch resistant pen to. ang nasa picture lang ay yung fine point. mas maganda kung lahat ng sizes meron kayo.
3. pen drill / drill press(not on the picture) ito ang gagamitin para pambutas ng pcb
4. laquer thinnner / acetone(not on the pic) pang linis ng pcb.
5. copper clad board a.k.a pcb
6. ferric chloride. ito ginagamit ko since readily available na. you can also use HCL. siguraduhing naksara ng mabuti dahil pwedeng mangalawang ang mga metal objects na nasa paligid nito.
7. scotch brite / sandpaper.
8. etching tray. make sure na plastic siya.
9. iron
steps:
1. linisin ang pcb gamit ang sandpaper o kaya scotch brite with dishwashing soap. pakintabinn niyo lang pero wag todo sa pagliha dahil mauubos ang copper. patuyuin.
2. ipreheat ang plantsa/iron ilagay sa no. 3 setting.
3. make sure na hindi niyo nahawakan ang part ng board na may copper. ipatong ang acetate, di din dapat nahawakan yung side na itratransfer(toner side).
5. after ipatong pwede niyong patungan ng papel yung acetate saka iplantsa or pwedeng direct. padaanan ng plantsa ng mga 3 beses or hanggang kumapit na yung toner sa pcb.
6. palamigin. after matransfer may mga parts na manipis lang ang pagkakapit ng toner or kulang pa. dito ngayon papasok ang sharpie. padaanan ng sharpie ang mga lugar na iyon.
7. ngayon ihanda ang ferric chloride. (magsuot ng rubber gloves dahil pag kumapit ito sa balat ay magiging color orange kayo). ipatong sa etching tray ang pcb(pwedeng nalagare na sa katamtamang sukat ang pcb). ilagay ang ferric chloride sa tray.
8. mag hintay. kung mainit ang panahon mas mabilis mag etch.
9. pag natapos na ang pag etch, haabang may suot na rubber gloves, kunin ang pcb at hugasan at patuyuin.
10. pwede pang gamitin ang ferric chloride na inyong nabili kung di pa siya green pero siyempre mas matagal mag eetch ang pcb dahil gamit na. wag itapon ang ferric chloride sa sink dahil possibleng mag corrode ang lababo niyo. pwede niyong lagyan ng gma nagkakalawang na na metal ang ferric chloride hanggang matuyo or sa toilet niyo.
11. pag katapos malinis ng pcb. kumuha ng basahan or tissue at lagyan ng thinner. ipunan sa pcb para matanggal ang toner.
12. ang kulang na lang ay butasan ito. pwede kayong gumamit ng pen drill na available sa hobby stores, alexan at deeco. may kasama na itong drill bit na pang pcb. pwede ding gumamit ng drill press na mas maraming use tulad ng apg butas ng encloseure.
13. ayan tapos na!.
hope nakatulong sa inyong gusto mag start sa pag gagawa ng mga sariling effects. di ko na talaga nilagyan ng pics yung mga process pero gets niyo naman sana to. reply na lang pag may tanong.