since nandito na si Mr Perf mismo sa forum, sana masagot nya ang tanong sa thread na ito
Aling tanong? Balls?
Ang musical preference ng isang tao, e, kahit ano pang sabihin ng kung sino man, di pa rin mababago. Ang makakapagbago lang ay ang tao yun mismo.
Linawin na lang natin yung definition:
BALLS = round or roundish body or mass: as a : a spherical or ovoid body used in a game or sport
BALLS = laki, gigil at dating ng tunog
Yung mga opening chords ng kahit anong AC/DC na kanta, yung intro ng "Sad but True" ng Metallica, yung tunog ng Les Paul ni Gary Moore sa "Still Got the Blues", yung 3rd fret 6th string G na iva-vibrato mo habang naka humbucking bridge pickup ka na nakasaksak sa Marshall full-stack, yung putok ng mga kanyon sa Tchaikovsky 1812 Overture, open E chord na rasgueado sa isang magandang flamenco guitar, yung mga mabibilis scala ni Paco De Lucia sa flamenco, yung tunog ng low A string ng Jose Ramirez 10 string ko pag sinaltik ko ng thumb.....etc...etc...etc...
BALLS = tapang
Pagtugtog live sa isang stage harap ng ilang libong katao; pagtugtog sa harap ng isang iniidolo; pagtugtog ng napakahirap na pyesa/kanta na wala pang ibang nag-aattempt tugtugin; pagsuot ng super higpit na spandex na bakat bakat ang mga yagbols para kitang-kita ng madla; ngaratan ang mga bouncer sa Pulp concert sabay sugod; ngaratan ang mga nasa moshpit sa Pulp concert sabay talon sa gitna; mag-stage dive ng patalikod; tumugtog ng isang buong concert na walang distortion-walang efx-walang ka-banda na sasalo ng mga sabit at walang singer na magpapatawa sa gitna ng mga pyesa; pag-alis sa kinasanayan nang "comfort zone" at tumahak ng bago at di kilalang teritoryo upang maka-diskubre ng bagong musika, bagong tunog, bagong audience....etc...etc...etc...
Anyway, ang sa akin... lahat ng tao entitled sa kanyang sariling pananaw at kaya ko tanggapin yun.
"If you are nothing to somebody, then you are something to everybody"...John Quincy Adams