Naalala ko noon nung nagbodega kami (Kailangang ayusin yung mga papel sa storage namin kasi may hahanapin) i think 3 weeks siyang tumagal, may kasama ako na kapag bababa na kami sa bodega, iinom muna ng cobra, ang tindi nun, puyat pero parang hyper na hyper, mas hyper pa sa bagong gising. Buhat kasi yung ginagawa namin, as in tons of paper (Sa BIR, tambak ang papel)
2nd week, bandang hapon, dumadaing siya, masakit daw yung lower portion ng tiyan niya, parang mainit din daw yung pakiramdam sa loob. Tinanong namin nung isang officemate ko kung anong kinain niya bago magbuhat, ang sabi niya tinapay daw tsaka nag Cobra 2 bottles. Nung di na niya talaga kaya, dinala namin sa Clinic, ayun, napag alaman na may Gastritis siya.
Sabi ko pa naman nun aba mukhang nakapagbibigay talaga ng lakas yun ah, pero nung nakita kong nakaratay kaibigan ko, nag-doubt nako