walang trend ngayon ang pinoy music.... wala kasing "leader."
nuong 70s: juan de la cruz band at iba pang rock bands, pinoy folk movement, at birth ng opm; 80s: tuloy yung opm, apo hiking dami gigs sa up, the dawn and others; 90s: eraserheads, true faith, river maya, wolfgang, yano, color it red, francis m atbp.; sa 2000, mga descendants ni "john mayer" gaya ni wag na lang, mga na inspire ni whitney houston at mariah carey na dapat sana nuong 80s o 90s pa nauso kaya lang medyo late pinanganak pero swerte kasi inabot ng you tube...ayaw kaya nila ma inspire ke aretha franklin na voted as no. 1 greatest singer of all time ng rolling stone magazine; reunion ng mga banda ng 90s o di kaya merger ng mga musikero from different bands; second wind ni bamboo, martin n and gary v...nagtayo na din ng bagong banda yung iba na me dating banda, at syempre yung emo bands (mga inpluwensya ng coldplay) hit yan sa 2000.
pagkalipas ng halos 40 years, maliit lang talaga mundo ng pinoy music.
Matatapos na ang decade at hintay pa din tayo kung sino ang unang makakakita ng "island" gaya ng sabi ni Lennon nuon. Sino kaya uli ang magbubukas ng pintuan sa panahon ng music piracy?