hulika

Author Topic: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA  (Read 10818 times)

Offline Shred_22

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #25 on: February 23, 2011, 10:38:31 PM »
Umasta lamang ayun sa ganda.classic example ng taong hindi umasta ayun sa ganda?wag na tayong lumayo ang example ay wala iba kundi our very own mr.phyrigian/saxtone/paolo martinez anung nangyari sa kanya?kaya kung ayaw nyo magaya sa kanya umasta lamang ayun sa ganda.

Classic example ng TNL mr.phyrigian pa din MMA fighter na walang abs.pero ngayon nasa gym na sya nag papa abs daw so hes not a member of TNL anymore

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #26 on: February 24, 2011, 02:47:47 AM »

Offline Boxedking

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #27 on: February 25, 2011, 01:26:03 AM »
www.soundclick.com/viruprison | www.soundcloud.com/lei-guitarist

Don't let the gearhead kill the musician in you. Philmusic s/b PhilGEAR

Offline pedaldeaf3

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #28 on: February 25, 2011, 02:50:13 AM »
Nice share... Bookmarked na to!!!

Nami-miss ko yung youtube uploads ng "Word Of The Lord"
God is the mighty "RAK" of my salvation "EN" he want's me to "ROL" forward & follow him...

Offline 90%off

  • Regular Member
  • ***
Re: Ang Tunay na Lalake, Walang Abs: By Lourd de Veyra
« Reply #29 on: March 09, 2011, 12:36:40 AM »
Ang Tunay na Lalake, Walang Abs

Ayon sa kumpare at idol kong si Norman Wilwayco at lahat ng kasapi sa mala-alamat na TNL blog , ito ang ilan sa katangian ng mga tunay na lalake: 1.) Ang tunay na lalake,  ay hindi nag-te-text back, maliban na lang kung pasahan mo ng load. Ang tunay na lalake, walang abs. 2.) Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. 3.) Ang tunay na lalake ay laging may t@e sa brief.

Mag-focus tayo sa pangalawa.

“Ang tunay na lalake ay walang abs.” Of course, pag sinabi kong “abs,” ibig sabihin ay abdominal muscles—yung mga mala-pandesal na umbok-umbok sa tiyan, gaya ng nakikita sa mga billboard ng Bench. Hindi naman puwedeng walang abs ang tao—otherwise, may malaki kang butas sa tiyan (Saan mo naman ilalagay yung mga pinagkakain mong hamburger at pansit, di ba? Pagtitinginan ka ng tao pag naglalakad ka sa mall.  Si Gabe Mercado lang ang puwedeng gumawa nun. Okey ka ba, tiyan?).  Ang tinutukoy natin dito ay yung kumikintab at nagtitigasang tumpok-tumpok ng mga masel. Sa linggwahe ng mga miyembro ng Bhaddingky Soliman Foundation—a.k.a berde ang anino, ka-Federacion, o plain and simply, bhadding—“illegal logging.”

Natatawa lang ako pag kumakain kami sa restaurant ng mga kaibigan ko at sasabihin nilang hindi sila magkakanin. Ayaw lang nilang sabihin out loud pero ang subtext ay gusto nilang magpaliit ng tiyan. “Iwas carbs” sa lingwahe ng mga nage-ehersisyo at nagda-diet. Hindi ko alam ang motibasyon ng mga mokong na ito. Huli kong pagkakaalam, ang trabaho nila ay hindi naman pagmo-model ng salawal na gawa ng Bench.

So bakit sila nagpapaliit ng tiyan? Bakit sila nag-enroll sa gym? Bakit ayaw na nilang magkanin? Hindi naman krimen ang pagkakaroon ng abs at karapatan ng bawat tao na mag-desisyon kung ano ang isasaksak nila sa lalamunan nila. Pero medyo nakakatawa na.

Hindi siyempre maipagkakaila ang epekto ng mass media sa pag-iisip ng tao—kahit sino pa man, kahit ano pa ang trabaho mo, mayaman o mahirap, lalake o babae, tomboy o b@kla, may ipin man o wala. Dahil ang subtext, ang puno’t dulo ng mga naglalakihang billboards sa Edsa at mga sandamakmak na slimming products sa telebisyon ay iisa lang: sex. Health? Puwede rin, dahil may nagsasabi na ang laki o liit ng tiyan daw ay repleksyon ng estado ng kalusugan. Pero higit sa lahat, sex. Lumilikha ito ng pananaw na pag maganda ang ab muscles, dadami ang iyong tsiks.

Siyempre, ang tunay na lalaki, mahilig rin sa sex, mahilig sa tsiks.

Ang mga ito para sa akin ang ehemplo ng mga tunay na lalake:


Ano ang pagkakapare-pareho nitong mga pangalang ito? Bukod sa binago nila ang takbo ng kasaysayan, lahat sila ay walang abs.

Masyadong busy ang tunay na lalake sa pakikipagdigma sa larangan ng buhay para mag-abdominal exercises. Ang tunay na lalake kadalasa’y walang panahon sa gym dahil okupado ang katawan at isip nila sa paglikha--- paglikha ng mga siyantipikong teorya, mga obrang makasining, mga prinsipyong pang-rebolusyon para mabago ang lipunan. Wala silang oras para sa pang-araw-araw na 100 sets ng crunches, 45 minutes ng cardio, at dalawang oras ng pagtitig sa kanilang katawan sa salamin.

Puwera na lang kung ang iyong kabuhayan package ay may kinalaman sa pagkakaroon ng maskuladong sikmura. Suwerte ka na lang pag ganoon: binabayaran ka para maging seksi (Pero di ba ganun din ang job description ng mga dalagitang nagtatrabaho sa Quezon Avenue?) Siyanga pala, yung mga construction workers at kargador sa pier, magaganda rin ang mga abs. Pero suwerte nga ba talaga sila?

Siguro. Sino ang may ayaw ng Hummer, mansion, at libo-libong nagsisigawang mga tagahanga? Ang mga artistang yun, milyon-milyon nga ang kinikita sa mga endorsements, pero ano naman ang kapalit? Araw-araw na almusal-tanghalian-hapunan ng kamote at nilagang itlog lang? Kangkong at tokwa? Meryenda na Sky Flakes at tubig?  Ang saya, no?

So nagtagumpay ba ang aking mga kaibigan sa kanilang misyon na magpaseksi at magkaroon ng abs? Ewan. Huli kong pagkakaalam, wala pa rin silang mga tsiks. Hindi pa rin sila kinukuhang maging Bench underwear endorsers o para mag-pose bilang Cosmo Hunks. Kaya, mga 'tol, mag-kanin na lang ulit kayo. Andaming nagugutom sa mundo, abs pa rin ang problema niyo.

 

*Inspirasyon halaw mula sa "Hay! Men: Ang Blog ng mga Tunay na Lalake"






Binabasa ko din ang Haymen.

Pero sa tingin ko. Ang malaking tiyan ng lalaki ay masagwa at nakakabawas ng kakayanan ng lalaki na gampanan ang mga responsibilidad at kailangan niyang gawin sa buhay.

Hindi naman talaga kailangan ng abs, pero mas lalong hindi kailangan ng malaking tiyan.



Offline xelalien

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #30 on: March 11, 2011, 01:39:33 PM »
dapat basahin ito ng mga nagpapaka-vain sa FB. kaso mukhang di tatablan ng kahihiyan eh

Offline mikki_blinkme

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #31 on: March 12, 2011, 03:17:56 PM »
dapat basahin ito ng mga nagpapaka-vain sa FB. kaso mukhang di tatablan ng kahihiyan eh

pinost ko to sa FB ko. daming nagalit sakin mga nag gygym na tropa... natatawa ako kasi sabi ko di naman ako nagsulat nyan e si Lourd so bakit kaya sila magagalit sakin?  :lol:

Offline moony044

  • Senior Member
  • ***
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #32 on: March 14, 2011, 02:12:59 PM »
pinost ko to sa FB ko. daming nagalit sakin mga nag gygym na tropa... natatawa ako kasi sabi ko di naman ako nagsulat nyan e si Lourd so bakit kaya sila magagalit sakin?  :lol:

defensive man...being overly defensive! LOL

Offline mic-o-mics

  • Senior Member
  • ***
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #33 on: May 06, 2011, 07:54:54 PM »
Ang Tunay na Lalake, Walang Abs...

Agree ako dito, hindi dahil sa wala akong abs. Hehe. Pansin ko lang daming macho akong nakikita sa mga daanan, minsan mas macho pa sa mga papa nila. No offense meant, just an observation.
« Last Edit: May 06, 2011, 07:57:48 PM by mic-o-mics »