I think masyado kasing ginaya ni Eala ang NBA, kung ano ang rules at style dun, yun din gagawin niya. E kaso yung ibang ginaya e was done in bad taste... Nakakaasar lang panuorin... Pilit na pilit ang pagiging "Astig". IMO
Tsaka iba talaga yung mga panahon ni Samboy Lim at Allan Caidic, sarap manuod... Nasa scorer's table pa lang, palakpakan na mga tao. Kasi bigay todo maglaro, ngayon pera pera na lang. Walang pakialam kung matalo, ang mahalaga sumusweldo....
Ngayon lahat gusto maging all around player e. Iilan na lang yung mga shooters talaga (si Ritualo na lang, ang kilala ko, tagal na kong nawalan ng gana sa PBA), kaya nakakasawa tuloy panuorin.
Ang daming Fil-Ams! Naknang! Halos lahat Fil Ams na... karamihan naman bano! Kaya nawawalan ng gana tuloy yung mga ibang players na Pinoy... Ang daming nag retire ng maaga at nag analyst/broadcaster na lang dahil di na sila makakuha ng teams...
Bakit kasi pumayag ang PBA na bilhin ng San Miguel ang franchise ng Concepcion at Ayala? Monopoly na... Tsaka lahat ng malalakas maglaro nasa SMB (Magnolia) at Ginebra... Halatang halata na pinalakas yung team na may maraming fans. Tsk tsk...
Isa lang solusyon diyan... Ibalik si Jawo at gawing Comissioner! I really don't like Jawo lalo na nung Ginebra pa siya, pero tingin ko may magagawa siyang paraan para mabuhay uli PBA...
Tsaka pala... Tanggalin na mga Fil-Ams! hehe