about dun sa mga ARTISTA na "umeepal" kapag may banda sa NOON TIME VARIETY SHOWS (buti na lang yung mga bandang nag-gue-guest sa WOWOWEE hindi na masyadong ineepalan...)...
nakakwentuhan ko si SIR JUGS ng ITCHYWORMS sa backstage ng UP BAHAY NG ALUMNI (our band fronted for them) tungkol dun... sabi nya may reason pala kung bakit may ineepal na artista kapag may banda. yung mga artista (pls. do correct me if i'm wrong) pala eh hawak nung mga MAJOR SPONSORS ng show... kumbaga, mas magiging "interesting" daw sa mga masa kung may artista kasi nga para maraming makakita sa mga COMMERCIALS nila sa timeslot na yun....
reality bites pero kelangan din namang KUMITA nung mga SPONSORS para nga naman matuloy yung SHOW. sila nga naman yung LIFEBLOOD ng programa kaya nagkaganun....
pero luckily, yung ibang mga variety shows medyo binabawas-bawasan na yung mga sistemang ganun... pero kung patuloy pa rin nilang gagawin yun, PLEASE LANG, sana MARURUNONG KUMANTA naman ang ILAGAY NYO.... hehe!!