Haha. Gumawa ako ng mga sarili kong cellphone scandals.
Natuwa ako sa doublepeds e hehehe... yun ang focus ko ngayon. Nagagawa ko peds sa ngayon e mabilis na single strokes at saka yung triplets na mabilis ni Pat Torpey (RRLRRLRRL). Inaaral ko yung heel-toe sa left foot para makapag-LLRLLR naman at saka LLRRLLRR.
Sablay pa kasi alanganin pa ang hat/ride beat ko pag nag-doublepeds na e. Kailangan mas tight ang strokes para sumabay sa bass. Kaya muscle memory ang kailangan dito.
Pagkatapos nito aaralin ko sparse playing ng doublepeds a la Saosin/Bullet for my Valentine.
Sinubukan ko rin i-document ang evenness at speed ng doubles at paradiddles ko sa kamay.
Not bad!
Tuloy-tuloy itong practice ko. Ok din pala ang walang trabaho.