Have you guys experienced this?
Backing tracks, electric guitar with effects, and recorder yung setup ko. Ako yung vocalist at the same time, lead guitarist. Yung backing tracks ko ginagawa ko. Hindi naman ako pro, in fact, libangan lang namin yung tumugtog. Pero sinisikap kong maging malinis yung output na maipo-produce ko.
So, ito na yun. One evening, my ninong asked me to play for his visitors. Tumugon naman ako, for free. Ninong ko naman yun at madalas din ako makahingi ng favors sa kanila. Same setup. Nagustuhan ng mga bisita niya kasi bago sa pandinig nila yung setup ko. Yung line-up ng songs ko, 50's - latest songs pero favorite ko ang Beatles, Bon Jovi, Eagles, saka Bryan Adams. May 60 tracks ata yung tinugtog ko dun for 3 hours straight.
After some time, yung anak ni ninong sinabi sa akin na isa daw sa mga bisita nila noong tumugtog ako eh gusto ako arkilahin sa birthday party. Sabi ko, may pasok kasi ako sa school ng Monday 7 am klase ko. Sunday kasi yung party. Sabi ko, pwede ako tumugtog ng hanggang 7 pm. Tinanong ako kung magkano raw ang singil ko. Sabi ko eh 600 pesos para sa 4 hours straight na tugtugan. Kung gusto ng full band may kokontakin akong mga kaibigan ko ang presyuhan, 500 pesos per member tatlong oras na tugtog. Sabi sa akin sasabihan na lang ako. May ilang araw na wala pa ding update. Sabi ng dad ko huwag ko na raw kulitin yung tao. Ang tingin ko, namamahalan sa presyo. Tapos nagtext sa kin kahapon yung anak ni ninong cancel daw yung tugtog. Uupa na lang ng videoke.
Ano sa tingin nyo? Tama hinuha ko di ba? Mas makakamura sila sa videoke kaysa umupa ng musikero kaya dun pa lang sa sinabing uupa na lang ng videoke alam ko na agad. Sa akin naman wala namang problema kung ayaw nila kasi mahal yung singil ko sa serbisyo ko pero hindi kasi pwedeng mas mababa dun eh. Pagod, pamasahe, preparasyon, at kung minsan nasisiraan pa ng gamit eh. Yung kaibigan ko na beteranong musician sa abroad 500 pinakamababang singil nya sa loob ng 3 hours na tugtog same setup ng sa kin kapag local gigs. May vocalist pa sya bale 1k silang dalawa. Saka di ko naman focus 100% yung music, medyo focus ako sa studies. Kung may gusto umupa sa akin at handang magbayad eh di thank you. Pero di naman pwedeng little or none at all yung payment sa serbisyo ko. Hindi man ako professional pinipilit kong magtunog pro para walang masabi yung mga makikinig ng output ko.
Wala lang. Gusto ko lang i-share. Sa tingin ko kasi kung yung mga walang alam sa buhay musikero sasabihan ako ng ANG MAHAL MO KASI MANINGIL. Pero kayo ba bilang mga musikero, ano ba dapat ang maging batayan sa presyuhan ng gig? Passion ko ang pagtugtog pero kung gusto nila malibang tapos hindi makatarungan yung offer, why would I play for them? Sabihin na nilang may yabang itong sinasabi ko pero kayo ba papayag na magpapagod at mamamasahe kayo tapos lugi o kaya TY lang bayad?