Yung pinsan ko member ng Buy and sell groups sa FB so nakisuyo ako kasi may pinakita siya sakin item na kelangan ko and may nagbebenta dun. So nangyari ang deal, at dahil sanay ako sa PM deals binigyan ko lang "quick look" and naghiwalay na kami, pagtingin ko sa bahay kulang ng "parts" yung item, tinext ko yung seller, sagot niya "as is yan sir kung ano nakita niyo sa picture yun lang" pucha sinend ko yung sinave kong pic ng ad niya na kumpleto, no reply na siya wtf.
May isa din pinabenta ko naman, tumawad ng 500 yung buyer, binigay ko na, pagmeetup namin tumatawad pa uli ng 200 kasi pang Gas daw ng motor niya, pinapakita pa sakin wallet niya na wala nang laman. Sinabi ko "brad di ko na problema gas mo". Kinuha padin niya yung item pero panay ang bulong habang nagbabayad.
Eto last pinakamalupet, bibili ako ng item sa kanya, pucha akala mo syota every 3 minutes nag checheck kung nasan na ako. Hindi exxagerated yun ha, talagang grabe sa pagcheck, eh nag dadrive ako di ako makareply, pagdating ko sa meetup place pagtingin ko ang dami ko text received. Tapos tinext ko kung nasan na siya , ang reply "umuwi nako sir di ka kasi nagrereply" WTF?!
Sana mabalik uli na active yung PM classifieds, nakakamiss makipagdeal ng walang hassle eh.