Ang pinagka iba natin sa mga gitarista ay di tayo swapang sa kaalaman natin sa pagtambol. Hanggang ngayon, pag nagkikita kami ng mga kaibigan kong drummers, excited sila maki bahagi ng kaalaman nila sa iyo. At excited din silang maka alam ng bagong technique galing sa iyo.
Ang sakit ng newbie na drummer ay ang katamaran nya mag research. Tulad nga nang nabanggit ninyo, sobrang sarado ang isip ng newbie sa isang uri ng tugtog. Yung iba naman, sobrang taas na ng lipad at di na maka absorb ng tuwid na payo mula sa mga beterano.
Aaminin ko na ang dami kong palpak na pag uugali nung nagsisimula ako. Matigas din ang ulo ko noon.
Nag bago ang pananaw ko sa pagtugtog nang pahiyain ako ng isang beteranong gitarista habang nag ja jam kami. After the jam session, bumanat ang gitarista nang ganito... "hetong si Paco, mahusay ito tumugtog ng rock! Maladkit pumalo!" Syempre... palakpak tenga ako! Sabay sundo't ulit sa lahat ng mga beterano na nasa studio... "...pero wala syang kasing BWAKAW!"
Andoon ako habang sinasabihan nya ko. 17 years old ako nito. Dream come true na maka jam itong mga "legends" na ito. Finally, bumanat ulit si "guitar hero"... nakatingin sa akin.... "alam mo Paco, parang basketball ang jamming! kung ikaw ang point guard at nagdadala ng bola at nakita mong open sa loob ang team mate mo, dapat ipasa mo ang bola! Hwag kang BWAKAW!" Sabay dagdag... "ganon din sa pag tugtog. Pag narinig mong guitar adlib na... pumoste ka. At kapag kumakanta na, pumailalim ka. Kapag climax na, bumanat ka!"
Gusto kong umiyak noon pero pinili kong lunukin ang pride ko. I learned.
Kay Mar Dizon at Benjie "bagets" Mendez ko naman napulot ang ugaling pag re research. Sabi ko dati... idol ko sila. Sabi ni Bagets "idol ko si Colaiuta, bakit di mo i-research kung paano sya tumugtog." From that moment on, tuwing may mapapanood ako or maririnig akong drummer, inaalam ko kung sino ang influence nya. Papakinggan ko ang influence nung drummer na iyon para pag na absorb ko ang influence nya, ibang mutation naman ang execution na magagawa ko. Iwas "cloning" kung baga.
Again, ang isa sa pinaka importante na na stress na din sa thread na ito ay ang pagsasanay sa metronome. Hindi mahirap sumabay sa metronome! Mindset lang yan. Bakit ang gitarista, bahista, keyboardista, bokalista at kung sino sino pa... bakit sila nakaka sabay sa iyo? Ano ang meron sila na WALA tayo? WALA! Naka ulgalian lang nilang sumabay sa atin. So, kung iisipin natin na kailangan nating sumabay sa isang metronome, kailangan lang natin itong pakinggan at sabayan.
WAKAS...