Last sunday afternoon, nanggaling ako sa Raon. Naghahanap ako ng drumset for my project kit na hindi masyadong mahal. Napansin ko na yung drums ng Fernando, GTX, at Global parehong-pareho lang pati yung hardware nila. Ang pagkakaiba lang ng Fernando, Remo daw yung heads n'ya (Original Remo ba talaga sila) The rest parehong-pareho talaga. Ang pagkaka-iba lang ay yung brand name. Ang tanong ko lang mga Sir, parepareho ba talaga sila? Tsaka bakit mas mura ang mga drumset ng Fernando na binebenta sa Raon as compared sa mga music stores ng JB sa mga mall? Can the experts here at this thread give me some advice in buying Fernando Drums? Ano ba yung dapat kong tingnan sa Kahoy, Heads, tsaka Hardware ng Fernando drums na dapat kong i-consider before buying the kit?