Matagal na kong nagkakahon, around 2003 pa. I'm still looking for the 108 MOnkeys brand na 1st edition na dating binebenta sa JB. Nabili ko yun for 3,500. Ok yun, ganda ng tunog, lakas ng snare at makapal yung kahoy. Yun pa rin ginagamit ko sa mga acoustic gigs namin. Meron din ako binili sa raon, 1300 lang. Ginagamit namin pangrecording kasi mas balanse yung bass nya, medyo tumutunog yung strings. Pero kapag live, yung 108 Monkeys gamit ko.
Sana makita ko ulit yung gumagawa ng 108 monkeys. Astig yun eh. Hanggang ngayon buhay pa rin yung sakin. Yun yung first edition yata, walang kaartehan sa design. Plain lang, natural lahat ng kulay, walang pick ups, wala rin libreng case. Haha.
Pero sa mga gigs, depende pa rin sa nagtitimpla. Minsan sobrang kabog, wala na snare. Pinapagawa ko lang na mataas ng konti yung treble basta walang feedback, average yung low, tapos average volume para may room for dynamics. Hehe.
Share ko lang, eto yung mga tunog ng ginagamit kong kahon. Pagpasensyahan nyo na po dahil wasted yung mga videos namin at kadalasan walang ensayo.
108Monkeys na may microphone:
http://www.youtube.com/watch?v=evOFPz6dMLk108 Monkeys kapag wala:
http://www.youtube.com/watch?v=d7KDJh_pSm8Medyo loose ang screws nito kasi mas ok kapag may mic.
Eto yung binili ko sa Raon kapag may mic:
http://www.youtube.com/watch?v=8wsSuza4N7oEto kapag walang mic:
http://www.youtube.com/watch?v=Fo42lIzIYiETight screws nito kasi sobrang nipis na ng tunog nito. Mas mahina din ang tunog nito kaysa dun sa 108 Monkeys. In short, mas nakakapagod gamitin.
Again, wag nyo na pansinin yung mga laman ng videos, yung tunog na lang. hahah.