kunwari daw mga magkakapatid kami na iniwan ng mga magulang namin. naka tent kami ng lumang banig tapos pagkagising may magluluto ng almusal - magpapakulo lang tubig sa lumang lata ng sardinas. tapos titimplahan ng kape na pale colored na dahil wala na daw mabiling kape - binuhos na lang yung konting tubig sa jar para matimpla yung mga namuong kape sa gilid gilid. pagsasaluhan namin yun.
tapos aalis yung pinaka matanda sa group, magsasaka daw sya. yung mga kasama kong naiwan gagawa ng paraan para maka delihensya ng pagkain. yung isang kapatid ko kunwari nalulong daw sa rugby. yung sumunod sa panganay nag trabahong magbobote, ni hindi mapuno yung sako ng kalakal kasi isa lang daw kamay nya hirap sya ilagay yung mga bote sa sako.
ako naggagamas ng damo para may kitain at pandagdag sa pangkain. ako din bantay dun sa bunso namin na imbalido at sinto sinto. one time, tinakbo ko yung isang jar ng cherry balls sa tindahan sa tapat ng barong barong namin para lang may mai-ulam kami sa tanghalian, kaso nahuli ako nung tindero dahil pagtawid lang naman nakatayo yung silong namin e.