Mga sir patulong naman, pinaupgrade ko guitar ko at modify, ginawa kong HSH config, ngayon nagagamit ko na, pero nagtataka ako, nung unang araw na ginamit ko siya may hum pa rin kahit humbucker na yung bridge (DiMarzio FRED) at neck (DiMarzio Pro Track) pickups. Pero etong mga nagdaang araw naman, napansin ko parang humina onti yung hum, siguro hindi lang maayos yung pagkasalansang ng mga cables ko. Pero ang tanong ko pa rin, usual pa rin bang mag hum ang humbucker? Yung volume ng amp ko (Stagg 40 GA R, solid state na 40W) nasa 3 lang, tapos Boss DS-2, yung dist naka-max, yung level at tone nasa 11 o'clock. Kumpara naman nung unang pagkakuha ko, mas malakas yung hum kaysa ngayon na humina na, tsaka nung unang kuha ko nagha-hum pa rin kahit yung volume knob ng gitara naka 0 na. Medyo usual pa ba to mga sir? Patulong naman po, salamat.