hulika

Author Topic: Nasisiraan ng ULO  (Read 3465 times)

Offline officebiker

  • Forum Fanatic
  • ****
Nasisiraan ng ULO
« on: April 15, 2011, 04:00:55 AM »
Naranasan nyo na ba yung nasa simbahan o School o sa Office, tahimik na tahimik tapos naisip nyo sumigaw kaya ako ng malakas or sapakin ko kaya bigla itong pari o teacher o speakerr? Madalas ako magkaganun pero di ko naman natutuloy kase nakakahiya nga. Pero lagi ako nakakaisip ng ganun lalo pag nasa room maraming tao pero tahimik at may nagdidiscuss... pumapasok sa isip ko, magsisigaw kaya ako ng kung ano ano lang tumakbo sa ibabaw ng mesa at sikuhin sa muka yung nagsasalita sa harap  :-D
If you feel offended, post your grievances using a phone made by a 10 year old in China.

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #1 on: April 15, 2011, 04:53:42 AM »
ako naman kapag nasa mataas na building lagi ko naiisip: ano kaya mangyayari kung tumalon ako?

weird compulsion...

Offline death666

  • Senior Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #2 on: April 15, 2011, 05:20:28 AM »

weird :?  try mo mag pa consult. Dont get offended sa sinabi ko, kasi may kakilala akong muntik matuluyan, sa ganyan din ngsimula, not exactly the same sa situation mo pero may mga time na sinasabi nya sa akin na andami nya naiisip gawin. Buti na lang naagapan sya, kundi mental bagsak nya.

Hala, malapit ka na.. hehehe joke..
Peace Bro.... :-P
Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.
--CONFUCIUS

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #3 on: April 15, 2011, 06:13:23 AM »
iba naman ako sa kakilala mo. ayoko sa mental, mabaho dun at may galis ang mga pasyente.

Offline officebiker

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #4 on: April 15, 2011, 06:17:56 AM »
weird :?  try mo mag pa consult. Dont get offended sa sinabi ko, kasi may kakilala akong muntik matuluyan, sa ganyan din ngsimula, not exactly the same sa situation mo pero may mga time na sinasabi nya sa akin na andami nya naiisip gawin. Buti na lang naagapan sya, kundi mental bagsak nya.

Hala, malapit ka na.. hehehe joke..
Peace Bro.... :-P

haha, ok lang bro, ok naman payo mo pero , palagay ko hindi ako matutuluyan kase matanda na ko, matagal na ko nagkakaganun pero hanggang ganun lang naman, siguro sobrang nabo-bore lang ako pag mga ganun eksena, baka hyper lang hehe
If you feel offended, post your grievances using a phone made by a 10 year old in China.


Offline c1ark3nt

  • Regular Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #5 on: April 15, 2011, 08:05:24 AM »
Naranasan nyo na ba yung nasa simbahan o School o sa Office, tahimik na tahimik tapos naisip nyo sumigaw kaya ako ng malakas or sapakin ko kaya bigla itong pari o teacher o speakerr? Madalas ako magkaganun pero di ko naman natutuloy kase nakakahiya nga. Pero lagi ako nakakaisip ng ganun lalo pag nasa room maraming tao pero tahimik at may nagdidiscuss... pumapasok sa isip ko, magsisigaw kaya ako ng kung ano ano lang tumakbo sa ibabaw ng mesa at sikuhin sa muka yung nagsasalita sa harap  :-D

Hi Bro... check mo yung situation nung oras na naisip mo yun... possible kaya na galit ka dahil sa ibang bagay/nangyari? possible din kaya na yung speaker na tinutukoy mo e hindi pareho ang ideas nyo? o yung classmate mo na ayaw mag-share ng sagot sa assignment? o di kaya yung officemate mo na walang ginawa kundi mag-ikot at maki-chismis sa iba pang officemates nyo samantalang ikaw ay tuloy tuloy ang trabaho?

Nangyayari din sakin yan. Hehe. Kaya minsan pag ni-review ko yung situation, meron iba pang other situation na naging "gatong" sa iniisip ko at that time... Nakakatuwa lang minsan kasi pag inisip mo na yung mga possible na mangyari pagkatapos mo gawin yung "masamang balak".

Try to de-stress... baka makatulong...
  :-)

Offline kelen

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #6 on: April 15, 2011, 11:59:39 AM »
may mga ganyang thoughts kasi tayo paminsan. natural yan

Offline officebiker

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #7 on: April 15, 2011, 09:17:27 PM »
Hi Bro... check mo yung situation nung oras na naisip mo yun... possible kaya na galit ka dahil sa ibang bagay/nangyari? possible din kaya na yung speaker na tinutukoy mo e hindi pareho ang ideas nyo? o yung classmate mo na ayaw mag-share ng sagot sa assignment? o di kaya yung officemate mo na walang ginawa kundi mag-ikot at maki-chismis sa iba pang officemates nyo samantalang ikaw ay tuloy tuloy ang trabaho?

Nangyayari din sakin yan. Hehe. Kaya minsan pag ni-review ko yung situation, meron iba pang other situation na naging "gatong" sa iniisip ko at that time... Nakakatuwa lang minsan kasi pag inisip mo na yung mga possible na mangyari pagkatapos mo gawin yung "masamang balak".

Try to de-stress... baka makatulong...
  :-)
good point bro, cguro nga... hindi naman sa galit ako, parang alienated lang dun sa place at sa nangyayare, sasagi lang sya sa isip ko for a moment tapos mawawala na. tapos matatawa ko sa sarili ko...damn kung ginawa ko yun nakakahiya , cguro sobrang bored lang talaga hehe
If you feel offended, post your grievances using a phone made by a 10 year old in China.

Offline death666

  • Senior Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #8 on: April 16, 2011, 03:30:44 AM »

eh yung end of the world kaya naiisip nyo, minsan naiisip ko yun eh, lalo pag puyat ako. hehehe :lol:
Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.
--CONFUCIUS

Offline edmund

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #9 on: April 16, 2011, 11:00:08 AM »
may mga ganyang thoughts kasi tayo paminsan. natural yan


yep its normal --actually ako nung nasa middle school, sinpa ko pa nga teacher ko-yung naman kase galit ako.langhiya two weeks ako di pinapasok,plus sermon pa sa parents ko

kaya bago mo gawin mag isip ka muna mabuti hehehe

normal lang yan bro  :wink:

Offline gsrx14

  • Senior Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #10 on: April 16, 2011, 12:00:12 PM »
the feeling na simpleng bagay lang pero ang laking factor. yun bang pag may kulang lang sa isang bagay, kahit hindi importante, iritang irita ka na tsaka di mapakali.

I admit ganun ako kahit ngayon  :lol:

Offline jazzlikeme

  • Senior Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #11 on: April 16, 2011, 02:00:02 PM »
ako naman kapag nasa mataas na building lagi ko naiisip: ano kaya mangyayari kung tumalon ako?

weird compulsion...
ako din eto na iisip ko? amf! hahaha
Great Deal's = lord4dark, ryan666, kokokcrunch, les_paul_rhey, ripantnow, gitarista77, rock4ever, Avatarsaint, omat, omen, foroutman, PoW,kazer08,johnrevilo@yahoo.com many more's

rhoadz_metal19@yahoo.com

Offline samuelfianza

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #12 on: April 16, 2011, 05:18:26 PM »
Madalas akong ganito.

Nung umaatend pa ako sa church, sa harap ako nakaupo kasi ako ang nagooperate nung Lyrics sa Powerpoint, pag Magsasalita na ung pastor at tahimik na, iniisip ko: Pano kaya pag pumunta ako sa harap at agawin ko yung Mic at kung ano-anong sabihin ko hahaha :lol:

minsan pag walang tao tumatawa nalang ako ng malakas kahit na walang dahilan :lol:.
Minsan napapaisip ako na baka totoong may sira na ulo ko. pero pag maraming tao Normal naman ako. :lol:

Offline Revenge of The Syph

  • Regular Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #13 on: April 17, 2011, 03:46:52 AM »
normal lang yan, hindi normal pag inakto mo, o meron ka ng sociopathic tendency pag inakto mo

Offline jeffyonzon_025

  • Veteran Member
  • ****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #14 on: April 17, 2011, 11:29:03 AM »
Naranasan nyo na ba yung nasa simbahan o School o sa Office, tahimik na tahimik tapos naisip nyo sumigaw kaya ako ng malakas or sapakin ko kaya bigla itong pari o teacher o speakerr? Madalas ako magkaganun pero di ko naman natutuloy kase nakakahiya nga. Pero lagi ako nakakaisip ng ganun lalo pag nasa room maraming tao pero tahimik at may nagdidiscuss... pumapasok sa isip ko, magsisigaw kaya ako ng kung ano ano lang tumakbo sa ibabaw ng mesa at sikuhin sa muka yung nagsasalita sa harap  :-D
haha .hindi ka pa naman nasisiraan kasi.. hindi mo pa naman tinuluyan sikuhin yung tao.
Array

Offline officebiker

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #15 on: April 17, 2011, 11:38:33 AM »
salamat, di pala ko nag iisa, at least hindi naman natin tinutuloy, talagang malikot lang pag iisip
If you feel offended, post your grievances using a phone made by a 10 year old in China.

Offline jeffyonzon_025

  • Veteran Member
  • ****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #16 on: April 17, 2011, 02:26:16 PM »
^syempre minsan talaga maiisip mo yung mga bagay na di pangkaraniwang ginagawa.. ako pag napapagalitan ng teacher .talagang gusto kong butasin yung mukha niya. hehe pero syempre hanggang katuwaan nalang sa isip natin yun.
Array

Offline manrey

  • Senior Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #17 on: April 20, 2011, 06:39:27 AM »
trace nyo muna yung mga matatandang kamaganak  nyo kung may lahi kayong depression.
ako kasi sa father side meron kami 3, tapos yung bungsong kapatid niya nabaliw kasi iniwanan nang asawa, law pa naman yung kinukuha noon, nasayang lang e. tiyahen nya ganun din at tsaka yung isa inborn.
yung bayaw ko kapatid niya saktong sa sanbeda pa school sa recto na depressed, ayun inaway yung professor niya.
dati pa yun nung bata siya ganun na daw siya sabi nang bayaw ko, mahal nang gamot at rehab niyan nasa 120k a month.
yung mga medyo naprapraning, o papunta palang yang yung mga taong nabobord sa buhay.
pero lahat nang tao meron talagang trippings.
isang solusyon para makaiwas sa pagkapraning - READ BOOKS kahit ano.
kung medyo sumasabit sabit kana tapos wala kanang hiya at medyo naiinis na saiyo at iniiwasan kana nang tao - isa na yung punto.
ako swerte naman ako pero yung magiging anak ko baka medyo may tama o kaya disable o special.
lagi akong nagsisimba na mga 5 years straight at hiling ko sana wag akong bigyan nang problema na diko kayang solusyunan.

Offline c1ark3nt

  • Regular Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #18 on: April 20, 2011, 08:44:29 AM »
isang solusyon para makaiwas sa pagkapraning - READ BOOKS kahit ano.

nakita ko lang sa isang blog... hope this helps us understand bibliotherapy...
http://www.recoverlifefromdepression.com/self-guided-healing/reading-depression-therapy

Offline Ayban

  • Senior Member
  • ***
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #19 on: April 21, 2011, 08:03:16 PM »
ok lang yan, minsan may papasok at papasok na kalokohan talaga sa isip ng isang tao kumbaga parang compensatory mechanism lang pag malungkot o kaya stress ang tao imo.

Offline spadettie

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nasisiraan ng ULO
« Reply #20 on: April 26, 2011, 08:02:52 AM »
normal lang ata yan, naiisip ko din minsan yan eh lalu na pag tahimik at lahat seryosong nakikinig, naiisip kong sapakin ko kaya bigla yung nagsasalita hahahaha