TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Music Forums => Gospel and Praise => Topic started by: guitarpraise on August 07, 2013, 01:58:41 AM

Title: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: guitarpraise on August 07, 2013, 01:58:41 AM
I'd like to hear your opinions brothers  :)
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: UNIVERSAL_MODERATOR on August 07, 2013, 03:18:25 AM
syempre hindi.... Worker ka... dapat hindi ka kakitaan ng mga dahilan para gayahin ng member nyo...    bakit? eto kasi magiging common na problema sa huli... pag ang myembro sinaway mo dahil  nakakaramdam kang maiimpluwensyahan nila mas bata... ang siguradong ikakatwiran nalang nila sayo.. EH BAKIT si GANITO si GANUN? bakit di yun ang una mong sitahin bakit kami?

magagalit pa kamo yan pag sinaway mo.... sila sinita mo tapos yung tinuturo nilang worker hindi?  sa huli kahit Tama gagawin mong pagSaway  wala kanarin kapangyarihan kasi mas dominatong yung magiging kalaban mo...  alam mo naman ang TAO lumalakas ang loob gumagawa ng masama habang dumadami kakampi at marami sasalo sa kanya...

Galacia 5: 1-26
19: Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;
20: pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,
21: pagkainggit, a paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito..

pansinin nyo yung "at iba pang katulad nito", kung yang YOSI naimbento na sa panahon ni Kristo Tiyak na tiyak isasama nya yan... lahat ng binanggit mula verse: 19 onward puro tungkol sa kasamaan yan..... eh yung bisyo "sigarilyo" tungkol parin ba kasamaan?  Syempre   masama nga sa katawan diba?  kaya nga yung gaya nito mas MALAWAK yun common sense lang kelangan para maintindihan yun....
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: shkc on August 07, 2013, 04:50:35 AM
syempre HINDI...

kelangan pa bang i-explain?
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: guitarpraise on August 07, 2013, 05:05:54 AM
syempre HINDI...

kelangan pa bang i-explain?

Yan din naman ang stand ko, pero I'd like to hear the inputs of others as well. Meron kasi akong officemate na kasabay kong grumaduate sa Bible School. We work in a call center so normal na makakita ng mga taong nagyoyosi, and sad to say kasama siya dun. Di pa ako nakakapagyosi (and wala akong balak ever hehe). Pero yun nga until now nagyoyosi pa rin siya. Turn off talaga, the fact na babae pa siya. Halos di ko na nga siya pinapansin eh. Kasi nadidismaya talaga ko. Ang depensa naman niya at ng iba ko pang kilala na ganyan din ang sitwasyon eh they are still in a 'working progress'. Yes I do understand na habang tao tayo magkakasala at magkakasala tayo, but this doesn't give us the license to abuse His grace, di ba? Hayy.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: shkc on August 07, 2013, 05:44:03 AM

Siguro, if you know her pastor much better sabihin dun... para sila na mag usap..
hindi kasi magandang patotoo yung nagyoyosi ka tapos nasa ministry ka...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: ejecruz on August 07, 2013, 01:45:56 PM
Our body itself is the vessel of the Holy Spirit, Holy Spirit is the representation of Jesus in our present time, so we have to treat and keep our body holy. Smoking itself will not do any good and its not a good testimony to others.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: UNIVERSAL_MODERATOR on August 07, 2013, 05:01:39 PM
nako maraming ganyan akong nadadaanan kahit mga matatagal na worker na sa Church nila...  at sila pa ata pinaka maimpluwensyang religion dito sa pilipinas....  tuwing break o di naman kaya pag labasan kita mo agad daming nakatambay sa tapat ng church nila... pag bumuga pa ng yosi pinapabilog pa....   

minsan nasabihan ko ganyan ba talaga mga member sa inyo? yung isa sumagot sabi mga bago lang kasi yan eh.... LOLS
nagsinungaling pa samantalang  mas kabisado ko mga muka ng bago at matatagal na sa kanila...halatang kahit sa kabalbalan handang saluhin ka member nya... mas gusto yung kinukonsente... diko nalang dinebate.. kasi kilala ko kilatis ng mga yun... babalugbugin ka dun basta magiging kalaban ka ng samahan nila... kahit  mga sikat na media dito sa pinas controlado nila...kahit malaking tao kapa sa gobyerno, malacanang, congressman, mayor... pag tinawagan ka dapat yun ang mangyari...

Hindi lahat ng Religion ngayon katiwa tiwala... tama sabi ni Kristo 2000yrs AGO...

Mateo 24:
4: At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
5: Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

marami ang magsisiparito sa aking pangalan=katumbas nyan mga Leader ng Religion ngayon na Biblia rin ang ginagamit
maging MAAMONG TUPA ka lang, laging SMILING FACE tapos unting basa ng mga verses... yan makakahatak kna nyan...
Ako ang Cristo=Meron naman ilang religious Leader dito sa Pinas na pag tinanong mo, Sya narin ang nagpapakilalang "KRISTO" or "Son of God"

halata mo agad yung mga Lapastangang Leader sa panahon ngayon... kaya pag tagapakinig kalang... at di ka marunong mag imbestiga... at di kapa matanong....  at ayaw patanong ng Leader mo... gusto nya sya lang palagi nagsasalita sa stage... unting basa-basa ng verses tapos kwento kwento na...  hmmmm ALAM NA...

Wala namang sumablay sa hula na sinasabi sa Biblia eh.. at Eto na nga yung panahon kung saan marami ng nagsusulputang Religion... Malakas kasi pagkakitaan yan..

 :-o
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: jepbueno on August 07, 2013, 05:13:37 PM
Mga sir, why is it that it's as if masamang manigarilyo? Except sa dahil doon sa nakasulat sa verses stated above.

No offence meant, just a question po.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: UNIVERSAL_MODERATOR on August 07, 2013, 05:34:53 PM
Quote
Mga sir, why is it that it's as if masamang manigarilyo? Except sa dahil doon sa nakasulat sa verses stated above.

No offence meant, just a question po.

Except sa naka sulat sa Verse?
yung ina advertise sa TV...  Warning: Cigarette smoking is dangerous to your health.

siguro naman yung Scientfic Explanation eh obvious na...sinisira nya katawan mo...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: Brewstein15 on August 07, 2013, 06:12:35 PM
Siguro mali...Pero sariling choice na yun.Sila naman mawawalan kung saka-sakaling magkasakit sila eh.

Pero condemning others because they smoke?Mali pa rin kasi everybody's qualified to serve God,even the dirtiest sinners...

Nasa servant na kung babaguhin nya yung ganung habit.Siguro naman gagawa si Lord ng way or situation(ex.Disease) para marealize nyang mali ang smoking.(life changing experience,hehe...)

"He does not calls the qualified,he qualifies the called."

so meaning kahit madumi ka,qualified kang magserve.It doesn't mean na smoker ka,bawal ka na magserve.

ewan ko kung OT to:may nakita akong prayer group sa church namin na may "yosi break" during spiritual seminar nila.Hehe...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: UNIVERSAL_MODERATOR on August 07, 2013, 06:55:28 PM
Quote
Pero condemning others because they smoke?Mali pa rin kasi everybody's qualified to serve God,even the dirtiest sinners
wala naman akong hinahatulan...  Binasa ko lang yung nasusulat.... Ayan kasi dapat ang batayan ng bawat nagrereligion ang Biblia... maililigaw kasi ang tao kapag ang pagbabatayan  nya eh yung "PALAGAY lang nya.. at PALAGAY lang ng iba"

Magkaiba kasi yung masama sa Dios vs Masama sa Tao...
meron OK sa palagay ng Tao na di naman sinasang ayunan ang Dios...

Quote
so meaning kahit madumi ka,qualified kang magserve.It doesn't mean na smoker ka,bawal ka na magserve
wala naman nagbabawal mag serve:    counted ang reasoning mo.... kapag
1:dati kang addict, murderer, thief, babaero  ......etc  tapos nakapag isip isip kang magbago
2:kung nasa loob ka na ng church tapos nakakapag yosi kapa kasi nga BAGO kapalang at hindi naman talaga madali matanggal yan..

take Note: sa loob ng CHURCH jan pinapraktis ang PAG-BABANAL...  anything na masama na ginagawa mo noon dapat unti unti mawala...

ibang usapan yung "magkamali ka" ex: napaMura ka dahil nabigla ka....o iba pang katulad nyan... yan yung tipo na pagkakamali na di naman tinuturing na kasalanan: nagawa kasi yan dahil sa kabiglaanan.... pero yung sasadyain mo na... ibibilang na ng DIOS na kasalanan yan...

ang member kasi di morin masisi, yung bagay na hindi nila naiintindihan dimo nman pwedeng iatang na kasalanan agad... kaya nga kadalasan lalo na sa panahon ni Kristo mga Leader at malalaking Tao binabarag at dinidebate nya... kasi yun ang makapag liligaw eh...
hanggang sa kakapuna nya at kakasita nya sa malalaking paniniwala at malalakin tao sa panahon nya... yun narin ang dahilan kung bakit pinag planuhan siyang patayin.... ang eksena parang ganito (pag ikaw walang naman pinag aralan tapos Pangangaralan mo mga tipong Mayor, Congressman.... yung EGO nila ang papatay sayo.... kita mo mga pipitsugin journalist satin... pag kumanta sa radio di na inaabot ng isang linggo)
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: Brewstein15 on August 07, 2013, 08:14:00 PM
@sir UNIVERSAL_MODERATOR: I'm not contradicting what you have said.Sa katunayan,puro good points yung nakita ko sa post mo.

What I'm trying to say is,nasa servant na kung magbabago sya.Kung talagang dinadaluyan sya ng pagpapala ni Lord spiritually,emotionally,physically at mentally,kusang loob na bibitaw sya sa anumang pwedeng makasama sa kanya.
It's not us or preachers or pastors or priests ang makakapagbago sa tao.
Sarili nya lang ang may kayang gawin yun.(yun ay kung magta-take charge sya sa actions nya)

lahat naman tayong mga believers ginagawa natin ang lahat para maging kaaya-aya sa ating Diyos eh.
Bottomline is,mali ang manigarilyo.Pwede nating sabihan sila,pero hindi tayo ang makakapagpabago sa kanila.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: UNIVERSAL_MODERATOR on August 07, 2013, 08:22:19 PM
Quote
Bottomline is,mali ang manigarilyo.Pwede nating sabihan sila,pero hindi tayo ang makakapagpabago sa kanila
CORRECT.... atleast mas malinaw.... at alam nyo po yung sinasabi nyo...

kaya naman ako nag qoute galing sayo... iniisip ko lang baka may makabasa, na ibang IDEA ang pumasok sa isip nya..
di kaparehas ng sayo... atleast sayo malinaw na...

 :)
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: kimpoy19 on August 07, 2013, 09:15:36 PM
Ano pa ang dahilan ng pagpapabago ng buhay sa atin ni Hesus kung patuloy natin sisirain yung CREATION niya? We must be the reflector of Jesus Christ and also WE must love and take care of His temple (our body).
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: kimpoy19 on August 07, 2013, 09:21:18 PM
Assess and check theirselves if his life is praising the Lord.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: guitarpraise on August 07, 2013, 10:07:37 PM
Nice insights from everyone. Keep them coming!
I have one more question regarding the topic. Yung ibang culture ba okay lang sa kanila ang manigarilyo? Sa Pinas kasi malaking issue yan diba? May kaibigan kasi ako na nagsabi sakin na si CS Lewis humihithit daw ng tabako habang gumagawa ng preaching. Di ko lang alam kung totoo..
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: ARTificial on August 07, 2013, 10:53:53 PM
kung bisyo mo ang paninigarilyo nung hindi ka pa "christian" at nagpa binyag ka na, ibig sabihin tatalikuran mo na lahat at bagong buhay na ulit.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: redjaztin on August 08, 2013, 11:52:46 AM
While we were yet sinners Jesus died for us. Pwede tayong maligtas kahit na tayo ay makasalanan (adik, mamatay, rapist etc). BUT....we cannot TRULY serve God while sinning. Kasalanan ba ang paninigarilyo? YES! Yan naka-post na sa taas. Ang pagsira ng katawan ay kasalanan sa Diyos. Itanong kay Dok kung bakit nakakasira ng katawan. Kahit si google masasagot yan.

Then he said to them all: “Whoever wants to be my disciple must deny themselves and take up their cross daily and follow me.  - Luke 9:23
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: sanchai on August 08, 2013, 12:38:56 PM

ewan ko kung OT to:may nakita akong prayer group sa church namin na may "yosi break" during spiritual seminar nila.Hehe...

no offense... ibang klaseng prayer group yan ah :-)
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: El Mariachi on August 08, 2013, 12:45:19 PM
Hindi ok. The whole worship team must or should be role models inside the church. sabi nga ni Mr. John Wesley:

"What one generation tolerates, the next generation will embrace.”

The next generation must embrace the good/fresh part not the spoiled part. Good discipline is important inside the church. An individual without Discipline will NEVER PROGRESS and will NOT bear fruit. If ever they progress,it's a DECEPTION and is doom for destruction while true discipline is continuous and never ending
(DISCIPLine = DISCIPLeship).

"For the moment all discipline seems painful rather than pleasant, but later it yields the peaceful fruit of righteousness to those who have been trained by it."
-Hebrews 12:11
 
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: wilfy819 on August 08, 2013, 11:28:48 PM
Hindi.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: pie-key on August 09, 2013, 10:37:24 AM
No!
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: NTM on August 09, 2013, 12:23:07 PM
As a CHURCH Worker, or I must say as a CHRISTIAN......... HINDI!!! No explanations needed!  <_<
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: rayq78 on August 10, 2013, 12:46:26 PM
Answer is pretty simple.. FALSE CONVERTS
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: kimpoy19 on August 10, 2013, 01:06:26 PM
Answer is pretty simple.. FALSE CONVERTS

yeah... they must live in spirit and in truth.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: rayq78 on August 10, 2013, 03:05:36 PM
yeah... they must live in spirit and in truth.
ang habol lang nyan mga yan is maka gig. obviously...and it is the church leaders responsibility if they will allow musicians like these..
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: rocker4ever on August 10, 2013, 03:22:19 PM
me kilala ako taga PM pero dko na banggitin kasi okay naman sya kaso ginawa nya work yung pagtugtog...after ng praise and worship yosi na sya...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: kimpoy19 on August 10, 2013, 03:32:36 PM
Kadalsan sa Music Team na walang music pastors and hindi gaano nababantayan ng pastors nakakapasok yung mga ganong bagay. Kung minsan naman eh magaling at talagang mahusay kaya hirap maialis sa team.

That's the truth in this world.

Uhm, what are your suggestions para masaayos yung mga ganitong bagay?
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: Rageworx on August 10, 2013, 03:43:04 PM
Sad but true...

ang habol lang nyan mga yan is maka gig. obviously...and it is the church leaders responsibility if they will allow musicians like these..
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: guitarpraise on August 10, 2013, 04:31:30 PM
Tapos nakakalungkot pa pag sinabi nila na nagmamalinis daw tayong mga hindi nagyoyosi. Haaay  :-(
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: rayq78 on August 10, 2013, 04:50:19 PM
Kadalsan sa Music Team na walang music pastors and hindi gaano nababantayan ng pastors nakakapasok yung mga ganong bagay. Kung minsan naman eh magaling at talagang mahusay kaya hirap maialis sa team.

That's the truth in this world.

Uhm, what are your suggestions para masaayos yung mga ganitong bagay?
Simple lang din ang sagot dyan... pastors are too busy with their ministry to the point that they are too reluctant with these issues. Their blood(yosi musicians) are at their(pastors) hands. Bottom line is it is the duty of the head pastor. He must know all things that happens inside the ministry.

BTW to all true Christians...please watch and support. www.evolutionVsGod.com
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: pie-key on August 10, 2013, 04:51:02 PM
Kadalsan sa Music Team na walang music pastors and hindi gaano nababantayan ng pastors nakakapasok yung mga ganong bagay. Kung minsan naman eh magaling at talagang mahusay kaya hirap maialis sa team.

That's the truth in this world.

Uhm, what are your suggestions para masaayos yung mga ganitong bagay?

actually hindi naman issue dapat yan. dapat continously may training kayo for beginners who would want to join your P&W team,
ang kagandahan nito, you shared your talent, and secondly may back-up guitarist na sila,

now panu si kuya yosi kadiri, pastors should not tolerate this, dapat on track lahat, ang sakin lang few worshipers are sometimes given
a punishment. tipong ok provation period ka muna, and explain why. yung sa paraan na magkakaintindihan kayo, and dapat given a warning. and when its too much then act on it na.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: UNIVERSAL_MODERATOR on August 11, 2013, 08:49:27 AM
Quote
Simple lang din ang sagot dyan... pastors are too busy with their ministry to the point that they are too reluctant with these issues

Totoo yan, hindi na kasi talaga madaling ma monitor yan.. eto solution jan, naalala ko tuloy si Moises... eto kwento..  medyo mahaba pero magkakaroon kayo  ng Idea kung pano..

Exodus 18:
13:At nangyari kinabukasan, na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan: at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon.
14:At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan, ay nagsabi, Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan? bakit nauupo kang magisa, at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon?
15:At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan, Sapagka't ang bayan ay lumalapit sa akin, upang sumangguni sa Dios.
16:Pagka sila'y may usap ay lumapit sa akin; at aking hinahatulang isa't isa, at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios, at ang kaniyang mga kautusan

Imagine mag-isa kalang sa bawat problema, mabibigat na usapin, at magpapalala ng tama at mali sa palatuntunan ng Dios...kaya eto pinagawa sa kanya

21:Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:
22:At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, at magpapasan silang katulong mo.

Hindi madali kahit nakaupo ka sa buong maghapon, tapos napapalibutan ng kalating milyon para lang sagutin isa-isa mga hinaing ng bayan... kahit sino mahihirapan iatang kapag sya lang sasalo ng lahat, dapat ganyan din gawin ng pastor nyo para di mapabayaan yung members nyo. kasi talagang mapapabayaan ang church pag mag isa lang sya magiging hero.. halatang MangMang at di nagbabasa Pastor nyo pag di alam yan..walang paki-alam kung mapabayaan kayo..  lokohan na yan...

Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: glassisblack on August 11, 2013, 09:49:52 PM
no talaga sa vices.. diba.. mahirap lumakad ng tuwid para sa Panginoon.

ang magtiis kay Cristo ay maghahari kasama si Cristo. :)

Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: iAmSorry08 on August 12, 2013, 02:15:58 PM
sa akin, Hindi Ok. Why? kasi masisira yung Testimony mo sa ibang tao and Another thing is tayo ay kawangis ng Diyos. Opinion ko lang po  :-)
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: norvin_mangunay on August 12, 2013, 08:28:51 PM
While we were yet sinners Jesus died for us. Pwede tayong maligtas kahit na tayo ay makasalanan (adik, mamatay, rapist etc). BUT....we cannot TRULY serve God while sinning. Kasalanan ba ang paninigarilyo? YES! Yan naka-post na sa taas. Ang pagsira ng katawan ay kasalanan sa Diyos. Itanong kay Dok kung bakit nakakasira ng katawan. Kahit si google masasagot yan.

Then he said to them all: “Whoever wants to be my disciple must deny themselves and take up their cross daily and follow me.  - Luke 9:23

+1  :razz:
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: rayq78 on August 12, 2013, 08:59:54 PM
You must be born again to inherit the Kingdom of God. (John 3) -
Ipinanganak na bang muli ang nag yoyosi pa din? Therefore, its the same person.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: rocker4ever on August 13, 2013, 06:25:33 AM
para sa akin kahit gaano pa sya kagaling kung di nya kayang isuko lahat....
mas okay pang bumalik ang praise and worship sa minus one...katulad dati...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: badfinger on August 13, 2013, 10:28:13 AM
Hindi talaga dapat. Christian musician or not. Regardless of religion. Masama sa katawan yan e.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: duhneeka on August 29, 2013, 01:39:17 PM
As a CHURCH Worker, or I must say as a CHRISTIAN......... HINDI!!! No explanations needed!  <_<

AMEN>!!! hahaha. Tsk tsk. Obviously, isa MALAKING KALOKOHAN ang tanong nato :")) Peace.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: stinkshaft on August 30, 2013, 10:10:17 PM
While we were yet sinners Jesus died for us. Pwede tayong maligtas kahit na tayo ay makasalanan (adik, mamatay, rapist etc). BUT....we cannot TRULY serve God while sinning. Kasalanan ba ang paninigarilyo? YES! Yan naka-post na sa taas. Ang pagsira ng katawan ay kasalanan sa Diyos. Itanong kay Dok kung bakit nakakasira ng katawan. Kahit si google masasagot yan.

Then he said to them all: “Whoever wants to be my disciple must deny themselves and take up their cross daily and follow me.  - Luke 9:23

Just for thinking mga kapatid, kung ang yosi ay nakasisira sa katawan at un kay kasalanan, di bat ang pagkain ng junk foods at paginom ng softdrinks ay pagsira din sa katawan?
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: KUBETA on August 31, 2013, 12:55:47 AM
Quote
Just for thinking mga kapatid, kung ang yosi ay nakasisira sa katawan at un kay kasalanan, di bat ang pagkain ng junk foods at paginom ng softdrinks ay pagsira din sa katawan?

Scientifically speaking nakaka sira sya ng katawan TAMA... pero dipa sya maituturing na bisyo na pag-nakasanayan mo mahirap ng tanggalin.. magkaiba kasi sila ng level eh...

mahirap ma-adik sa softdrinks maka isang litro ka, mauuhaw kana, TUBIG na agad hahanapin ng dila mo...nakakasawa sya agad dahil matamis... parehas din sa junk-foods madaling maka-umay... pero yung bisyo gaya ng YOSI ibang Level ang tama nyan...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: stinkshaft on August 31, 2013, 07:02:01 AM
Scientifically speaking nakaka sira sya ng katawan TAMA... pero dipa sya maituturing na bisyo na pag-nakasanayan mo mahirap ng tanggalin.. magkaiba kasi sila ng level eh...

mahirap ma-adik sa softdrinks maka isang litro ka, mauuhaw kana, TUBIG na agad hahanapin ng dila mo...nakakasawa sya agad dahil matamis... parehas din sa junk-foods madaling maka-umay... pero yung bisyo gaya ng YOSI ibang Level ang tama nyan...

We can't presume this. Kung nag lelevel tayo ng vices (bad to our health) isn't it contrasting that all sin are sin against God no matter how big or small? I'm against smoking but we need to treat them just as Jesus would.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: KUBETA on August 31, 2013, 09:41:28 PM
Quote
We can't presume this. Kung nag lelevel tayo ng vices (bad to our health) isn't it contrasting that all sin are sin against God no matter how big or small? I'm against smoking but we need to treat them just as Jesus would

parehas may masama epekto kaso sabi ko nga yung level ng BISYO iba... pag sinabing BISYO yan yun bagay na di madaling iwanan kahit isumpa mo... ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa it takes atleast 6months na di ka dapat tumikim ng Yosi para tuluyang mawala yung pag nanasa ng lalamunan ng tao sa sigarilyo... di yan nawawala basta-basta.... at yan ang tinatawag na BISYO..

Ngayon...kung ang katwiran mo naman eh, ang Sofdrinks, JunkFoods eh kasalanan din sa Dios dahil kasi nakakasira ng katawan...sa palagay ko hindi pa PASOK ang reasoning na yan...BAKIT?  edi HALOS lahat nalang ng pagkain ng tao magiging kasalanan sa DIOS... bakit dmo narin idamay ang Ice-Cream na pag nasobrahan ka masama sa katawan, Honey ganun din, eh yung pagkain ng Karne? diba msama rin sa katawan ang laging karne?... kahit nga simpleng prutas lang gaya ng pakwan pagdi tama pagkain mo maghihilab nalang tyan mo, edi masama rin? sama mo narin pati canGoods na may mga preservatives na masama rin sa katawan..pati mga ibat-ibang instant gaya ng noodles.... my ingredients na pag-lagi nalang ganun kinakain ng tao eh nakakasama...  hindi ba ganun ang kauuwian nyan sa huli...?

di nman kasalanan at masama kung titikim ka ng Softdrinks JunkFoods pa minsan-minsan pag may celebration, birthdays, events or minsan sa isang linggo...etc...  pero kung gagawin mo ng Bisyo mayat-maya... jan na magiging tama reasoning mo...
madali naman kasi Controllin ang pagkain at pag-inum nyan kasi di naman yan kaparehas ng BISYO...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: AkoSiOann on September 02, 2013, 10:51:02 AM
tinatanong pa ba yan?
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: alamat on September 03, 2013, 09:13:46 AM
NO WAY
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: y_a_m_a_h_a on September 19, 2013, 06:30:22 PM
Pasintabi lang po.  :-D

Ang pagkain ay hindi po bisyo. It is a necessity. Regardless
Kung healthy o hindi, pagkain pa rin yan. Depende sa content ng
Pagkain kaya dun malalaman kung ito ay makabubuti o hindi
Sa ating katawang panglupa.

Ang sigarilyo ay hindi pagkain.

If we are talking here of vices, i think we cannot compare
Foods vs. cigarettes. There is no apple to apple comparison
Since junk food is still a food and cigarette is not.

My stand here is say no to yosi, YES TO GOD! :-)

As workers, especially us, musicians, we must be holy for our
GOD is holy. :-)

Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: El Mariachi on September 19, 2013, 07:57:22 PM
in addition, what about church musicians/workers having Tattoos and Piercings?  Is it ART, an EXPRESSION or simply called a VICE? hmmmm. :?

Ok pa sana para saken LONG HAIR at DREDZZZZ sa church.. pero kung tatzz at peerzzz na with matching BAD ATTITUDE/MORALS.. no no no...

For me:
Leviticus 19:28 - "Ye shall not make any cuttings in your flesh for the dead, nor print any marks upon you: I am the LORD"

Pa delete nalang po kung misleading sa thread. pero may correlation naman.  :-D

Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: mezzomaestro on September 20, 2013, 12:22:52 AM
sorry bro, you really need to stop it. :(

may kilala akong ganyan eh, Christian sya and nasa praise and worship team nila. classmate ko sya sa Solfege and naaawa lang ako kasi halatang nagyoyosi sya dahil hindi nya marecite ang notes ng maayos.  :oops:
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: zwischenzug on September 20, 2013, 12:35:37 PM
This is a resounding NO!
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: KUBETA on September 21, 2013, 09:00:11 AM
Quote
in addition, what about church musicians/workers having Tattoos and Piercings?  Is it ART, an EXPRESSION or simply called a VICE? hmmmm.
Quote
For me:
Leviticus 19:28 - "Ye shall not make any cuttings in your flesh for the dead, nor print any marks upon you: I am the LORD"

Nice one... You nailed it.. pero Liwanagin ko na baka kasi magdamdam yung iba... BAWAL or Hindi sinasang ayunan ng Dios yang mag dedecide kapang magpa-TATTOO pag napabilang kna sa church ...  PERO di natin pwede idamay yung mga taong may TATTOO na noong maanib sila sa Church...  kaya di dapat tayo againts sa lahat...  baka kasi may ibang tumutugtog sa church nila na may tattoo na bago pa sila mapunta doon... 

Quote
Ok pa sana para saken LONG HAIR at DREDZZZZ sa church.. pero kung tatzz at peerzzz na with matching BAD ATTITUDE/MORALS
nabasa mo na ba to Bro.?

I Corinto11:14
Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

Dito lang tayo magkaka iba ng paniniwala bro... Yung Leviticus , libong taon pa yun bago dumating ang Kristo... sa panahon ni Kristo eto isa rin sa mga hindi nya sinasang ayunan basta kabilang kana sa Iglesia nila... kahit anong klaseng longHair kahit mapa Dredzz pa... kaya nasabi ko tuloy sa ibang post ko... na Mismong si Kristo di naman LongHair kagaya ng common Image na gawa-gawa ng ibang religion, isipin mo yang pinakain sating itsura ni kristo LONGHAIR mula pa sa kalolohan natin, eh kalokohan lang pala...  kung yan batas na yan pinapasunod ni Kristo sa Samahan nila.. malabo naman na siya pa sasalungat sa utos nya...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: El Mariachi on September 21, 2013, 10:27:49 AM
Nice one... You nailed it.. pero Liwanagin ko na baka kasi magdamdam yung iba... BAWAL or Hindi sinasang ayunan ng Dios yang mag dedecide kapang magpa-TATTOO pag napabilang kna sa church ...  PERO di natin pwede idamay yung mga taong may TATTOO na noong maanib sila sa Church...  kaya di dapat tayo againts sa lahat...  baka kasi may ibang tumutugtog sa church nila na may tattoo na bago pa sila mapunta doon... 

nabasa mo na ba to Bro.?

I Corinto11:14
Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

Dito lang tayo magkaka iba ng paniniwala bro... Yung Leviticus , libong taon pa yun bago dumating ang Kristo... sa panahon ni Kristo eto isa rin sa mga hindi nya sinasang ayunan basta kabilang kana sa Iglesia nila... kahit anong klaseng longHair kahit mapa Dredzz pa... kaya nasabi ko tuloy sa ibang post ko... na Mismong si Kristo di naman LongHair kagaya ng common Image na gawa-gawa ng ibang religion, isipin mo yang pinakain sating itsura ni kristo LONGHAIR mula pa sa kalolohan natin, eh kalokohan lang pala...  kung yan batas na yan pinapasunod ni Kristo sa Samahan nila.. malabo naman na siya pa sasalungat sa utos nya...

thanks for the enlightenment bro. nasa TRUE REPENTING HEART pa rin babagsak lahat, regardless kung may tattoo/piercng o wala  .. pero sa una palang, pilitin na nateng maging karapatdapat na MUSIKERO ng ating Panginoon.. Ang pangit naman kasi tingnan kung kelan naging Praise & worship team, eh dun nagpa-tattoo at nagpa-pierce.... ginawang porma at pagka-astig ang pagtugtog sa simbahan.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: KUBETA on September 23, 2013, 03:15:40 AM
Quote
thanks for the enlightenment bro. nasa TRUE REPENTING HEART pa rin babagsak lahat, regardless kung may tattoo/piercng o wala  .. pero sa una palang, pilitin na nateng maging karapatdapat na MUSIKERO ng ating Panginoon.. Ang pangit naman kasi tingnan kung kelan naging Praise & worship team, eh dun nagpa-tattoo at nagpa-pierce.... ginawang porma at pagka-astig ang pagtugtog sa simbahan.

TAMA: kahit wala tayong kakayahang bumasa ng puso ng tao, madali naman makita at maintindihan ang galaw, lakad, pamumuhay ng tao  if he's influenced by GOD...    influenced na kasi ng Music yang mga nakikita at napapansin mo.. yung nasa church na tapos sasadyain pang magpa-tattoo , magpa-palagay ng piercing... ang ikakatwiran pa nila minsan eh hindi naman daw masama kasi "it's an ART daw" /  or "to express yourself lang daw"... katwiran ng mga ayaw pasakop yan at gusto pagbigyan yung hilig nila...  minsan nga kung sino pa yung mga converted Rock ICONS na my tattoos and piercing dun pa sila nabibilib, yun pa ang gusto nilang gayahin, yun pa ang gusto nilang paniwalaan...  na kung susukatin mo... walang din namang nalalaman sa mga alituntunin, mga bawal, at mga batas ng DIOS... pero sila pa nagiging kapani paniwala minsan sa iba kapag nagsasalita... sikat kc eh... ayun ang dinadakila minsan ng marami yung mga SIKAT na tao...   kaya yang mga ganyan na napapansin mo na para magpa porma lang...  influenced na ng MUSIC yan dina influenced ng DIOS yan...  kahit ano pang true repenting heart gawin nyan at pagkatapos my peircing parin, at magpapa dagdag parin ng tattoo at naka dredz pa... eh niloloko nya nalang sarili nya... ang batas ay batas... hindi ginawa ng DIOS yan para isnabin lang... kaparehas lang din yan ng, kahit anong taos puso pagsisisi mo tapos hindi mo matigilan pag-yoyosi mo eh niloloko nya lang sarili nya...

may iba pa umaangal kasi sa Religion maraming daw bawal at maraming lumilimita sa kanila... eh Ganun talaga... para lang yan nung nag-aaral pa sila na di  naman sila pwede pumasok pag di sila susunod sa batas ng School na pinapasukan nila...  na may sinusunod na uniform, may sinusunod na gupit, may sinusunod na oras ng pasok, minsan nga kahit sapatos dpat pare-parehas balat na sinusunod... yan ang tinatawag na pag-papasakop...   eh kung sa School na pinag aralan nila natanggap nila batas na yan na hindi naman lahat naging mabuti at matinong tao pagkatapos mag aral.... tapos pagdating sa mga batas ng DIOS na mag papabuti sa tao saka naman sila umaangal...  ah pwede ko ng sabihin may bahid parin ng kademonyohan pa umi-implewensya sa kanila.. mga halimbawa nyan mga nasa loob na ng church na ayaw parin pasakop ng buo...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: rschua on September 23, 2013, 08:38:46 PM
Siguro mali...Pero sariling choice na yun.Sila naman mawawalan kung saka-sakaling magkasakit sila eh.

Pero condemning others because they smoke?Mali pa rin kasi everybody's qualified to serve God,even the dirtiest sinners...

Nasa servant na kung babaguhin nya yung ganung habit.Siguro naman gagawa si Lord ng way or situation(ex.Disease) para marealize nyang mali ang smoking.(life changing experience,hehe...)

"He does not calls the qualified,he qualifies the called."

so meaning kahit madumi ka,qualified kang magserve.It doesn't mean na smoker ka,bawal ka na magserve.

ewan ko kung OT to:may nakita akong prayer group sa church namin na may "yosi break" during spiritual seminar nila.Hehe...

Sir OT lang din and no offense, question ko lang saan Church kayo? I'm just curious na  meron pala na nage-exist na meron YOSI break sa prayer group? Thanks in advance.
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: charlesdavidlim on September 30, 2013, 01:40:51 AM
okay lang po ba uminom? pero hindi naman po maglalasing? paano kapag hindi nalalasing?
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: KUBETA on September 30, 2013, 03:13:53 AM
Quote
okay lang po ba uminom? pero hindi naman po maglalasing? paano kapag hindi nalalasing?

pwedeng pwede yan malaya ka naman kung hindi naman talaga buo ang intensyon mo sa pag-sunod... pero dapat makuha mo yung logic sa sinasabi ng Biblia... ipina paiwas nga sa Alak mga naglalasing eh... kahit nga yung TIKIM lang dimo pwede idahilan, kasi sa Tikim-Tikim nagpapasimula ang lahat hanggang sa lumaki,  di kaya ang gusto mo sabihin sa tanong mo eh...
saka ka palang ba nagkakasala kapag ganap na LASING ka na? , hindi naman mahirap sagutin yan...

Ngayon baka naman ikatwiran ng iba eh... kasi sa Biblia may mababasa daw na may uminom ng alak
1st: Hindi yan yung kagaya ng alak ngayun na matindi kung sumipa gaya ng RedHorse  na napakataas ng percentage ng Alcohol.. na talagang sinadyang gawin para maka praning sa utak... pag tinablan na, may ibat iba tama... may iba nagiging madrama, may iba nagiging madaldal, may iba naghahamon ng away.. may iba nagiging malakas ang trip at pag gawa ng kagaguhan... at marami pa...
2nd: May Alak naman gawa sa prutas, like Wine inihahalo panga sa pagkain minsan, hindi pa maituturing na masama yan kc nasa 6% lang ang alcohol nila...
3rd: kung may nag adviced man noon na uminom ng alak dahil may ulcer, inutusan yun para mapabuti yung may sakit, hindi yun inadviced para mag enjoy at maglasing...
Title: Re: Church Musicians/Workers na nagyoyosi, okay lang o hindi?
Post by: masterjericho on October 07, 2013, 09:14:34 PM
siguro ang dapat itanong mo bago mo gawin ang isang bagay ay.... (tulad ng pag sigarilyo, pag inom ng alak atbp).

Will I glorify You Lord with what I will do now?