^
yun na nga eh.. motor na nga yun eh napakaliit ng area na pwede sakupin kesa sa kotse hindi pa magawang ayusin?
ang siste kasi nating mga pinoy eh wala tayong pakielam sa iba pagdating sa kalsada, parating yung favor dapat nasa satin parati..
for example isang two way neighborhood road tapos may karinderya sa gilid, walang parking lot dun kasi bangketa/sidewalk.. ano gagawin nung mga kakain na taxi driver, jeepney o motor? dun magpapark sa tapat ng karinderya (kasi ayaw ng lumayo or maghanap ng pwedeng paradahan) hanggang sa dadami na sila dun hanggang kakainin na nung mga sasakyan nila yung lane tapos ang mangyayari mag-gi-give-and take na yung mga dumadaan para di maipit.. kumbaga kung sinong mauna makausad sa free lane yung nasa blocked lane kailangang mag give way muna..
pero eto ang malupit.. pag yung nasa blocked lane eh pinilit pa rin unahan ka kahit na obvious na magkakaipitan kayo sa free lane at kahit pinitikan mo na sya ng ilaw eh pinilit pa rin..
ang mangyayari magkakangusuan kayo sa free lane.. tapos yung mga kasunod nyo nakadikit na rin sa likuran nyo hanggang sa likod nila meron na ring sasakyan and so on and so forth.. hindi na kayo makakaatras nyan at magtititigan nalang kayo nung pulpol na kaharap mo na parang sinisisi ka pa kasi di mo sya pinagbigyan kaya naipit kayo.. kahit na obvious namang nauna ka sa free lane.
ang nakakatawa pa yung mga kumakain sa karinderyang mga driver nung mga nakabalandrang taxi, jeep at motor eh pinapanood lang kayo at ngingisi ngisi pa.. parang sinasabi nila "magtiis kayo, di kayo marunong magbigayan eh".
so ang mangyayari may isa sa aming mga naipit na motorista ngayon ang kailangang lumabas para paatrasin yung nasa dulo ng both lanes para magkalusutan kami.. tapos ang malupit nun walang mga g@g0ng tao sa paligid ang may lakas na loob na pagsabihan man lang yung mga ungas na may ari ng mga nakabalandrang sasakyan..
yan ang pulpol na ugali ng marami satin.. aaminin ko, kahit naman ako kung bibili lang ako sa isang shop malapit sa daan eh nakakahassle nga naman na lalayo pa ako para magpark lang.. mas gusto ko dun na ako agad magpapark para "mas madali".. sariling convenience ko kasi ang una kong maiisip eh.
kaya dapat meron mahigpit na batas ang ipatupad sating lahat na mga motorista para matanggal yung ugali na yun.. ako handa naman akong sumunod eh, ang ayoko lang pag ako lang ang sumusunod tapos nakikita kong maraming palkups ang hindi.. tapos hindi sila hinuhuli.. ehdi gagawin ko nalang din, ganun lang din naman pala eh.
our society is one whole mess.. and I must admit I am one of them sometimes, cant help it.. lugi naman ako kung parati nalang ako ang magsasakripisyo tapos lahat ng nasa paligid ko hindi.. hindi ako santo, napapagod din akong maging mabait na motorista dahil kung ubod ng palkups ang mga nasa paligid ko mas nagiging palkups ako.
maraming katulad ko sigurado na may capacity na sumunod sa batas trapiko.. pero marami ding katulad ko na umabot sa puntong nasusuka na sa ugali ng mga motorista sa paligid na hindi marunong magpahalaga sa mga motorista sa paligid nila.. so ano ang sagot dito?
kung mahigpit ang pagpapatupad ng batas trapiko at nakikita natin na hinuhuli at pinaparusahan yung mga palkups sa daan eh di sana MASARAP SUMUNOD AT MAGING MABAIT SA KALSADA diba? kasi kahit na merong palkups na mag-cut sa harap natin at mag swerve sa susunod eh di tayo mate-tempt na habulin yun kasi alam nating may hahabol na sa kanyang mobile patrol para hulihin sya.