sino senyo mga na-hassle sa pagbili ng pc or pc parts? yung sobrang tagal kayo pinaghintay tapos pagbigay sa inyo nung binibili ninyo ay maling part pa?
ang badtrip kahapon...i was at pc options gilmore branch to buy my pc...so i got a 26k budget(sabi ko sa isang thread up to 30k budget ko, may mga dumating na kelangan ko bayaran kaya nauwi ako 26k)...so yun, my plan is to buy parts tapos assemble sa bahay...super loaded ng shop naknamputsa! and to think na 4pm kami dumating at sunday pa,di ba dapat alang tao?...bakit nga ba hindi ko naisip na day-off ng mga tao nun?
so punta ako sa counter at tinignan ang price list nila...i made comparisons sa price ng ibang shops, nakita ko mas mura sa kanila yung ibang part pero yung iba ay hindi...so i chose the parts na bibilhin ko lang dun...tapos order..
after 1.5 hours of waiting , the guy who was supposed to bring my parts came and told me na 3 out of 6 parts na binili ko wala na silang stock at pumili na lang daw ako ng ibang product with same specs...ganito po ang nangyari:
processor
mobo
memory
hdd
vid card
flat screen monitor
sabi ko ok na, nagbigay ako ng alternatives na sigurado naman akong meron na sila dahil sabi nya nga eh....after 30 mins bumalik sya para sabihing meron pala sila nung vid card na kelangan ko at pati na din daw yung hdd at yung monitor at maling processor pa ang naibigay...feeling ko nauubos na oras ko sa paghihintay kaya sinabay ko na din yung iba(case, avr, etc)
naghintay pa ulit ako ng 30 mins at nauubos na yata ang baga ko kakayosi sa labas...so pagkatapos ng isa pang 30 mins ay dumating na sya dala ang mga kelangan ko...litong-lito na ako at nagmamadali na kaya sabi ko paki compute na kung magkano at babayaran ko na...
so 15 mins later ayun na bayaran na...bayad ako...pinakita isa isa sa akin yung mga binili ko at nilagyan ng stickers...so ayun nagbayad na ako at lumabas...tinulungan pa ako nung guard sabay sabi nya na "sir, madami pala kayong binili..dapat dito na lang kayo sa kabilang tindahan namin bumili nyan, walang tao dito eh" sabay turo dun sa kabilang pinto na wala ngang tao dahil aakalain mo ay ibang tindahan nga...alangyang buhay yun oh!
pag uwi lalo pa akong na-urat dahil nung nakita ko yung monitor ko, hindi sya flat crt! check ko yung receipt at nakalagay dun na ang part na nilagay nila at crt monitor lang...tsk tsk...200 pesos lang ang difference ng 17" flat crt nila sa 17" crt eh...ang linaw linaw pa ng sulat ko at ang lalaki ng mga sulat ko para hindi nila mabasa yung word na "FLAT" dun sa "17" flact crt monitor"...
san ba ako nagkamali?