medyo ot.
sino nakaka alam dyan pano mag resize ng photo sa photoshop.. kasi ganito.. meron akong 100 pics,puro 2k x 2k ang size... dko ma upload sa friendster eh! nakalimutan kona kung pano gawin un maramihang mag resize ng pics!nakakatamad kasi isahan gawin! lam mona! kung sino nakaintindi ng sinabi ko! paki sagot mga sir. hehehehe! sowee malabo ako mag explain! salamat!
ganito simple lang yan.. gagawa ka ng actions mo sa photoshop... ito steps...
1. open 1 pic
2. open mo actions panel (alt+F9)
3. create new action (yung button dun sa lower right sa may trash can ng actions panel)
4. rename mo to 'resize' then click mo 'record' then gagawin niyan rerecord niya ung gagawin mong setup sa pic na naka open...
5. resize mo yung picture to your liking...
6. click mo yung stop button sa actions panel...
7. open mo lahat ng pics na reresize mo...
8. then ngayon pag opened na lahat punta ka sa File--> Automate --> Batch
may ma oopen na window... piliin mo sa taas sa Play category ung kanina mong ginawang action which is 'resize' then sa Source na box piliin mo "opened files'
9. tapos click mo ok...
then antayin mo nalang matapos lahat ng pics ma resize then you're done... save mo nalang to your like... hope this helps...