Around 2008, ugali ko na iwanan sa first floor ng bahay ang dalawang gitara para hindi makaistorbo sa mga natutulog sa taas. Isang umaga, mga 9 am, nagising kami na may nagdi- distrungka ng bintana/pintuan sa likod-bahay. Tawag ako sa 911.
Long story short, nakuha ang dalawang gitara. Buti at na-triggered ang home security alarm system at nagtakbuhan bago pa man makapasok nang todo sa loob ng bahay. Nahuli agad yung mga perps sa kasunod na city. Naibalik ang mga gitara. May mga dings/scratches na malalalim dahil nung hinugot nila sa bintana na winasak na puro basag na salamin.
Pero mas importante na walang nangyari sa amin, lalo na sa mag-ina ko. Pero ilang taon bago nabawasan ang psychological effect nang pangyayaring yun.