Tumugtog kame sa mayric's kanina, pagdating namen may bandang tumutugtog, para silang kamikazee eh, i don't know if this is the real name of the band, "concrete sam" daw. yung drumset ng mayrics binaklas ng drummer, ok lang di ba kasi may gamit sya eh, gusto nya lumabas tunog nya. Pagtapos ba naman tumugtog, di binalik yung gamit ng mayric's. Yung next band "The Johnny's", mas magaling pa at mas matagal na sa kanila, hinihintay yung drummer na ibalik nya sa dating set up yung drum set ng mayrics, ang ginawa ba naman after tumugtog, uwi agad, parang walang nangyari. Eto pa masaklap, twice ng ginawa, hello? rockstar ka ba? di ka pa nga sikat ganyan ka na. Ang nangyari, yung drummer ng The Johnny's hinihintay na bumalik yung drummer para ayusin yung set-up, Kaso ni anino nilang lahat after tumugtog nawala eh. yung The Johnny's tumugtog ng walang Tom-toms yung drummer sa sobrang badtrip. Buti na lang yung sumunod na band yung side project ni Montie ng Mayonnaise nagsipag yung drummer na ibalik yung toms. take note, babae pa yung drummer, maganda pa. Kame last band pero we felt what the drummer of The Johnny's felt. Buti na lang mabait yung band na yun. So, my point para sa lahat ng drummer dito, lalo na yung drummer na yun na sana nagla-log-in dito sa philmusic, kung ba2klasin mo yung ng drumset, be polite to the next band, yung binaklas nyo, ibalik nyo bago kayo umuwi. Pare-pareho lang tayo musikero. RESPECT lang, kung wala kang RESPETO or di ka marunong nun, wag ka na magbanda kasi marami kang masasagasaan. Sabi nga nila sa mga movie rentals, "be kind, rewind." you get the point?!