Hi,
Dati rin akong regular dito before. Dami kong natutunan dito talaga. Wala akong naging drum teacher noong nagsisimula ako kungdi ang Tenga, ang Youtube, at ang PinoyDrums. Lahat rin ng Drumclinics halos dito ako na uupdate.
Lahat din ng Improvements ko dito ko inaalam. pag sa FB kasi, ang daming bagong topic.. lagi tumataas, ang bilis ng interaction so learning ground talaga rito.
Member din ako ng drumgroups sa FB. di na ako magpapangalan, pero pangit nga yung awayan at kampihan factor na ganun. Para sa akin magkakapatiran tayo sa musika eh.. Yung ibang bagay okay naman. Marami rin akong nameet na magagaling at kilalang drummers ng dahil sa FB groups so ayus lang.
Philmu.. nakabuo ako ng banda ko rito na tumugtog pa sa TV. Nameet ko rin ang ibang malulupit na tambolista pati na si Global Mod na si Riff through here.
On a personal note. To be fair kasi, bihira na lang talaga ako mag net kaya whether FB group yan or Philmu.. di na halos masyado.. Mabuhay ang Philmu. Buhayin nga ang Pinoy Drums.