Hi guys. Ano ba marecommend nyo na eq pedal na magamit sa effects loop ng pod hd? Boss ge 7 o mxr 6 band eq? Mas mura kasi mxr at tight budget sa dadating na bonus. Hehehe
Tumutugtog din ako sa church. Kaso currently, 3 blocks ang nagagamit sa chain ko para final tone shaping. Vetta c9mp para uniform yung signal na dumadating sa console (direct to pa kasi), Mid focus eq para matanggal ang fizz, tapos parametric eq na around 700-800hz boost para rinig ako sa house mix.
Ngayon gusto ko sana ng dedicated eq pedal para bawas ng effect block sa chain. Balak ko kasi rin kumuha ng line6 m9 para dun ko nalang ilagay yung dotted eighth and quarter note ddelay at reverb, kaso kapag may budget na.
Saka request, pwede ko ba marinig sample ng mga patches na gawa nyo?
Mabuhay!