May nadaanan akong motorcycle accident kaninang pauwi malapit dito sa amin. Halos sumuot sa ilalim ng mini dump truck yung rider. Patay.
Ang scenario, papasok na sa pupuntahang kalye yung truck. Mukhang nabulaga yung rider na mabilis ang takbo sa rightmost lane at hindi inabot ng preno, o kaya pinilit habulin at lumusot kaso hindi umabot. Sa tingin ko, eto yung klase ng rider na ayaw magbigay at gusto palagi mauna.