The Good:May gusto ako bilhing Ibanez. After tumawag/pumunta sa ilang branches ng audiophile, lahat walang stock at walang clear na sagot kung kailan magkakaroon. So next option, dumayo na sa mas malalayong branches. Isang weekend, nagkataong nasa MOA kami ni GF, sumilip ako sa Audiophile. Meron sila nung hinahanap ko, kaso 1 nalang at yun pang ayokong kulay (pasensya, choosy eh. haha). May isang kuyang longhair na salesperson sa audiophile ang kumuha ng number ko. Papaorder daw siya nung hinahanap ko, makukuha ko daw within a week.
Dun sa week ng paghihintay, naisip ko bumili nadin ng practice amp. Nagsearch ako sa net, tapos kinukulit sa text si kuyang longhair sa audiophile, kung may stock, kung magkano. Minsan nga iniisip ko baka masyado na nakukulitan, baka sungitan na ko pagpickup ko. haha
After 1 week, nakuha ko na yung gitara at amp. Sinasagot pa lahat ng tanong ko habang nagtetesting, walang bahid ng sungit. Salamat kuyang longhair! (di ko nalaman pangalan. haha). Very accommodating sa customers.
The Bad:Sa JB Glorietta. May salesperson na naggigitara. Ganto na mukha niya habang naggigitara:
haha. siguro dahil may mga customers na pinapanood na siya.
Natuwa ako sa tone nya. May tinanong lang ako tungkol sa amp (orange na tube amp gamit nya noon). Biglang naging ganto mukha:
, sabay sagot ng masungit na "oo"