kindly recommend ano okay gamitin processor & motherboard combo (both amd & intel within the same price range), gusto ko sana bumili ng amd kaso ng makita ko mas lower power consumption ng intel, parang gusto ko kumuha ng i3 or i5 (problem lang sa intel ang mahal ng procs nila), pagdating naman sa amd andami choices di ko alam ano piliin (trinity, llano, etc), medyo nagtitipid ako ngayon (most likely medyo tipirin ko yun iba parts, except the proc, mobo, psu) but gusto ko sana yun maganda yun upgrade options
isa pa pala, yun psu, ilan watts okay na bilhin? difference ng 650-700 watts & 800 watts pataas madyo malaki jump in price, yun 700 watts hovers sa 3k average, yun mga 800 watts nasa 4k pataas, is it advisable to spend that 1k extra para sa 100 upwards extra wattage? (medyo nadadala na ako bumili ng mura na psu, yung last ko kasi desktop nasira dahil sa psu)
For price range references, kindly refer to this thread,
http://talk.philmusic.com/index.php?topic=276332.0.
Sa motherboard, preference mo nalang ang maghuhusga duon. May mga certain factors ka lang naman na titignan like socket type ng processor na binili mo, things that will come integrated on the motherboard like the built-in audio, video, LAN. Kung gusto mo may USB 3.0 socket. Max RAM na kaya i-take ng board, max clockspeed ng ram, or kung ilang RAM slots, dalawa ang common, pero may ilan ding di-apat ang ram slot (pang hardcore).
Maganda kung processor muna ang titignan mo, tapos from there, step by step mo nang buuin ang PC. The higher the processing power, the faster it will complete some work (not all), like rendering, game loading time etc etc. Dati, ang dual core na may clockspeed na 3.0ghz, enough na yun, pero ngayon, malabo. I suggest na mag quadcore ka na. Ngayon, may mga naglalabasan nang murang APU (integrated na ang graphics chip sa processor). So, kung mag APU ka, pwedeng di ka na bumili ng video card. Choice mo na nga lang kung ay going for the intel way, or amd way. May kanya kanya naman silang pro's and con's, so research ka muna. Kindly refer to this thread para sa AMD or Intel scenario. hehe
http://talk.philmusic.com/index.php?topic=236860.0Tapos RAM, kung alam mong bigatin sa memory usage ang mga apps na gagamitin mo, syempre mag invest ka rin sa mataas na ram, 4GB at least siguro.
Yung sa PSU, safe na ang 600 watts sa mga rig na wala namang malalaking videocards, malalaking heatsink fans, or madaming aux fans. Masama kung underpowered nga lang, sabi nga nila, dibale nang sobra, wag lang kulang. Saka may factor parin jan yung mga sockets. Kung ilang SATA sockets, kung may pin PCI socket(ginagamit para sa malalaking video cards na may malaking fan).