hulika

Author Topic: ANTI- GIG PRODUCTION  (Read 12057 times)

Offline pedaldeaf3

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: ANTI- GIG PRODUCTION
« Reply #50 on: November 10, 2010, 11:33:13 AM »
Alam ko may thread dito sa PM ng mga BAD prod...
AND BELIEVE ME... IT'S A VERY VERY LONG LIST...  :x
AND MAY UPDATES PA!!! Ayaw paawat nung iba...  :oops:
Sana may makahanap and i-post sa lahat ng instrument threads...
Para di mabiktima lahat ng mucisians dito sa PM...
God is the mighty "RAK" of my salvation "EN" he want's me to "ROL" forward & follow him...

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: ANTI- GIG PRODUCTION
« Reply #51 on: November 18, 2010, 03:26:25 AM »
wala na yung notoscum.org
free webhosting lang ata yun. sharespace.

Offline ecoyski

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: ANTI- GIG PRODUCTION
« Reply #52 on: November 23, 2010, 04:56:08 AM »
Ang mahirap kasi sa mga nagpapa-prod wala silang official list ng mga banda at ng oras ng slot nila na nakadisplay. Kaya kapag suki nila yung bandang tutugtog, singit lang ng singit kesyo dahil sa papasok pa sila sa school kinabukasan. Ang masaklap minsan hinde na kinakausap yung bandang masisingitan, basta bigla na lang paakyatin.

May dinaluhan kaming gig dati kasi all-genre daw. Sige punta kami. Start daw ng prod eh 7:30 PM kaso 9 na ata nagsimula eh. Mga kulang kulang 30 lang naman ang pinagpilitan nyang ipagsiksik na banda. Hinde kami aware dun dahil wala naman syang notice na tinext kung sinu sinung banda ang tutugtog.

Syempre slot namin 9:30 ata, kung hinde ako nagkakamali. Late kami ng 30 mins ata dahil umuulan at mahirap magbitbit ng gamit. So given na nausog kami, so ok lang sa amin.

Sige tugtog yung mga banda, tinatanung namin yung organizer kung pangilan kami, "pangatlo daw after ng nasa stage". Mag-3AM na babagsak na yung kasama ko at umuusok na ako sa inis. Umalis na kami ng walang sabi sabi kahit may bayad pa yung mga tickets.

Paanu...
- Nagpasingit ng mga dabarkads na kabanda
- Nasa tamang slot naman yung banda pero por dyos mio halos 20 minutes bago magumpisa dahil sa kakatono (wala na nga silang tuner nakaOn pa ang distortion habang nagtotono. Yung isa nagpapasikat sa stage mabuti sana kung ang linis ng ginagawa nya), grounded yung mga kable at kung anu-ano pa. Guest band daw nila yun!!! Ampota, nagtono na sila ng halos 20 minutes tapos sablay pa rin yung pagkakatono nila. Madugo sa tenga! Habang etung mga tao para aliw na aliw pa.
- Walang malinaw na koordinasyon

After some time, tinext yung kabanda ko na contact ng organizer. Sama daw kami next time. So di nya namomonitor kung sino ang nasa stage at kung sino ang wala. Talk about management.

To cut short. Pag may ganyang invites...

Open SMS > Options > Delete SMS

Offline ricekanin

  • Regular Member
  • ***
Re: ANTI- GIG PRODUCTION
« Reply #53 on: December 01, 2010, 07:24:38 PM »
me naatendan na ko battle of the bands di pde makasali ang bandang walang dalang 10 manunuod na tig 150php ata yung bayad.. tapos yung nanalo eh yung kakilala nila... gusto ko sana sabihin name kaya lang wag na malamang kilala niyo ee.. hahahaha.... 

Offline xelalien

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: ANTI- GIG PRODUCTION
« Reply #54 on: December 17, 2010, 10:37:05 AM »
me naatendan na ko battle of the bands di pde makasali ang bandang walang dalang 10 manunuod na tig 150php ata yung bayad.. tapos yung nanalo eh yung kakilala nila... gusto ko sana sabihin name kaya lang wag na malamang kilala niyo ee.. hahahaha.... 

matagal na ang ganyang modus. marami lang talaga ang naloloko ng mga ganito.


Offline ricekanin

  • Regular Member
  • ***
Re: ANTI- GIG PRODUCTION
« Reply #55 on: December 17, 2010, 01:19:27 PM »
takte summerscream nga ata title ng bob na yun tapos ang mga kanta sobrang layo sa thema... dapat title na lang nun summer ice cream.. para pang bata ang mga tugtugan....

Offline pedaldeaf3

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: ANTI- GIG PRODUCTION
« Reply #56 on: January 10, 2011, 12:35:38 PM »
takte summerscream nga ata title ng bob na yun tapos ang mga kanta sobrang layo sa thema... dapat title na lang nun summer ice cream.. para pang bata ang mga tugtugan....

Haha...
Pwede ding "Modus of the Bands"
Or "Summer Scam"
God is the mighty "RAK" of my salvation "EN" he want's me to "ROL" forward & follow him...