The Musician Forums > The Blowing Section

Recorder

(1/3) > >>

wildcardxp:
Mga sir wala akong makitang thread about recorders (maybe kasi mukhang laruan lang hehe). Six years na akong tumutugtog ng recorder (mas matagal kaysa gitara at drums) at sa loob ng six years yung MAPED na plastic recorder lang ang ginagamit ko everytime na tumutugtog kami ng mga ka-jam ko. Mayroon din pala ako dating bamboo flute kaso madali syang nasira. Sa buong buhay ko bamboo recorder lang ang "KAHOY" na recorder na nagamit ko.

Yung MAPED ko kasi pumipiyok na. May nabasa akong article online about wood recorders. Sabi mas maganda ang tunog ng mga wood recorders kaysa sa mga plastics. Nung nag-check ako one time sa JB Music SMF plastics lang nakita ko. Nauwi din tuloy ako sa pagbili ng FERNANDO na plastic recorder for Php. 150 kaso hindi ko nagustuhan ang tunog kaya pinamigay ko na lang sa kaibigan ko sya ngayon yung gumagamit.

Balak ko kasing bumili ng recorder na kahoy. So ito mga tanong ko:

1. Nakakalas din ba yun gaya ng mga plastic recorders? If ever hindi, paano ko sya lilinisin?
2. Umaabot ba yun hanggang 3rd octave C? Kasi 2nd octave G hirap na yung plastic recorder ko.
3. Key of G ang ginagamit ko kasi standard tuning lang lagi ang gitara ko. May mahahanap ba akong key of G na wood recorder?
4. Anong magandang brand? Saan makakabili? Magkano ang price range?
5. Curious lang din pala kung meron bang brass recorder?

Salamat sa mga sasagot ng mga katanungan ko.  :)

littletrumpet:
Nakakalas din po yung wooden recorder, same lang yung octaves ng plastic at wooden recorders, meron din po palang bass na wooden recorder....sa brand naman maganda yung mollenhauer kaso wala nun dito sa pinas, sa yamaha may tinda silang wooden recorder na made of maple, mga 5,000 + pesos yung price, soprano recorder po yun, though im not sure kung ganun parin price...hope it helps..;-)

littletrumpet:
Wala rin pong brass recorder..

littletrumpet:
Mollenhauer top of the line nila mga rosewood  ata yung kahoy mga 10000k above ata yung price..top of the line na yun

wildcardxp:

--- Quote from: littletrumpet on June 22, 2015, 08:08:59 PM ---Nakakalas din po yung wooden recorder, same lang yung octaves ng plastic at wooden recorders, meron din po palang bass na wooden recorder....sa brand naman maganda yung mollenhauer kaso wala nun dito sa pinas, sa yamaha may tinda silang wooden recorder na made of maple, mga 5,000 + pesos yung price, soprano recorder po yun, though im not sure kung ganun parin price...hope it helps..;-)

--- End quote ---

Sa YUPANGCO ba sir may YAMAHA na wooden recorder? Salamat pala sir sa pagreply.

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version