Tamad ako, so hindi ako mahilig mag exercise o mag strict diet shiz. So eto yung naging technique ko nung na-lose ko yung 15 lbs ko na excess weight.
The Tamad/Kuripot Guide to Losing (a little) Weight
Step 1: Learn to know if you are really hungry or not.
One of the biggest factors in weight gain is over eating. Sanay lang minsan yung katawan natin na pag may craving or walang ginagawa, naghahanap ng mangunguya. Ganun ako. So I trained myself to know when my body actually needs food, or when I'm just looking for something to chew on. Technique: pag ginutom, inom ng malamig na tubig. Nakakarefresh kasi ang malamig na tubig, di tulad ng lukewarm water, nakakagutom. Wait five to ten minutes, tapos usually marerealize mo, uhaw lang pala ang katawan mo. Sometimes kasi when we crave, we wrongly train our bodies to look for hydration in solid foods instead of drinks. So pag nagutom, drink a glass of cold water and wait. It could be all you need.
Step 2: Restrict your serving size. And timing.
Di katulad ng ibang diet na counted ang calories, tapos scheduled ang meals depende sa angulo ng sikat ng araw sa Stonehenge, at restricted ang food types, ang gagawin mo lang eh kainin yung lagi mong kinakain nang sakto lang. Ibig sabihin, wala munang extra rice, walang upsize, walang add-on. Sa food court, dun ka lang sa 1 meat+1veggie 1 rice and free sabaw. Sa Jollibee, isang B1 lang, no questions asked. Sa bahay 1 cup na rice lang at saktong ulam lang. Tapos pag meryenda, try mo isang pirasong kahit ano lang ang kainin mo tapos tubig. Isang stick ng banana q, isang slice ng pizza, whatever, basta isa lang. Ang goal mo dito ay i-train yung sikmura mo na lumiit yung capacity sa isang period ng kainan. Nung 7 lbs na ang na-lose ko hindi ko na nga kaya umubos ng isang plato ng spaghetti sa restaurant. Also, try to time your meals, spaced evenly apart. Para 1) hindi ulit mag expand yung capacity ng tiyan mo at 2) para ma-train mo yung body mo na hindi magutom masyado as in Step 1.
Step 3: Make better food choices.
Try substituting better foods. Simple, pero medyo mahirap. Ako ang substitution ko, for lunch, tuna at dalawang mansanas lang, for two months. Medyo bitin, but it gets me going until merienda time. Try red rice. Mahal, oo, pero sa totoo lang wala pang one cup ang kailangan mo sa isang normal na meal, so bawi naman sa pera at calories. Ang dessert at merienda fruits. Ang breakfast wala munang fried, tinapay na masarap at kape, ayos yan. At kung anuman ang mga artificial at naka foil o garapon na kinakain mo, try o palitan ng makikita mo lang sa palengke. Magluto ka ng sariling ulam sa sabado o linggo, marami, tapos ilagay mo sa mga maliit na plastic o microwaveable container tapos initin at baunin.
Step 4: KAPE.
Coffee is a stimulant, and I find that it works well in keeping my metabolism up. Wag mo isipin na pampapayat ang kape, pero isipin mo na pang-alalay sya sa katawan mo na i-burn ang calories na kinakain mo. Don't put too much sugar, and if possible, no creamer. Limit to 5 cups a day, kasi 100 calories na yun!
Step 5: Splurge once a week!!
Sa tingin ko necessary ang may cheat day talaga. Pag wala kang cheat day, nagccrave yung katawan mo ng mga nutrients ng mga pagkain na pinagkakait mo sa sarili mo. At pag matagal mong hindi nakain yung mga bagay na yun, ayun na, balik ka na sa dati. Keyword: balance. It's good to be bad sometimes. Sometimes lang.
Step 6: Resistance Training/Weights
Oo na sinabi ko na hindi ako mahilig mag exercise, but hear me out. Syempre, goal ang mag lose ng weight. Pero factor din na sa looks, may bearing din pag maganda yung pagkatone mg muscles mo. PLUS kahit marami kang extra fats, iba pa rin yung hugis pag may masel, whether lalaki or babae. Parang MMA fighter lang na sa heavyweight division, mataba sa gilid-gilid pero athletic pa rin ang dating. Kung "the essentials" lang, para sa akin: squats, pushups (regular and clip wings), crunches, bicep curls, plank. Ang goal nito ay hindi weight loss talaga, although nakakatulong din kasi more muscle = more fat burners, pero para ma-augment yung weight loss mo ng improvement ng looks mo. Crunches proven yan na hindi nakakaliit ng tiyan, pero pag toned yan, iba pa rin ang dating kahit muffin top. Also, both men and women benefit from toned arms, ang fit tingnan. Kahit ten reps lang each, 30 second plank every morning and evening, ok na yan!