Fatty Liver usually starts sa 40y/o and above. Below that are just mild fatty liver. Gawa na rin siguro sa nakasanayan nateng mga pinoy na mahihilig tayo sa matatabang pagkaen. Pero, case to case basis pa rin. May ibang mas bata, may fatty liver na agad. Pero wag mag alala, nagagamot yan. Tamang diet at tubig pati ehersisyo. Halos walang sintomas yan, maliban na lang kung malala na. Pwedeng maging Hepatitis(pamamaga ng atay) o Liver Cirrhosis(nasisira na yung atay).
Gallstones usually pag maalat ang pagkaen tas hindi ka matubig na tao tas nagdadagdag ka pa ng maggi savor o vetsin o magic sarap o asin. Namumuo yan sa loob ng Gallbladder, tipong nagki-crystalize. Hanggang sa lumaki at bumara. Pag bumara yan, napakasakit niyan. Konting galaw lang, aray ka na. Isa pa sa mga dahilan, mataas na cholesterol at fatty liver na rin. Mas common yan sa babae, konting cases lang sa lalake.
Remedyo sa lahat ng bagay pangkalusugan, PROPER DIET. Hindi nawawala yan. Sabi nga ng isang doctor na kakilala ko, "Isipin mo lang lagi na lahat ng kinakaen mo ay lason." Minsan okay sa katawan, madalas hindi.
Sa Gallstones, surgery ang usual na treatment. Dudurugin sa loob ng Gallbladder tas tsaka ifaflush palabas ng katawan mo. Iba naman, laparoscopic surgery, bubutasan ka tas dudukutin palabas mga bato.
Sa Fatty Liver, madalas nadadaan lang sa gamot. Di naman kailangan ng surgery. Proper diet at exercise lang talaga. Iwasan maging diabetic at iwasan ang alcohol.