Hassle yan bro lalo na kung mga high end na yung mga Splash mo.
Short story, nag imbita ako ng mga kapwa drummers dito sa bahay non para mag saya sa drums. Kumpleto ako sa stands at grabbers that time para bawat Cymbals may respective places. May sariling Cymbal Grabber Arm yung mga Splash ko, pinagtataka ko yung isa biglang nilipat! Tinanggal yung Grabber, binaliktad sa ibabaw ng Crash! Ang ending throughout the Shedding, Basag Wasak Punit ang Splash ko! Ano pa isang nangyari? Hindi pinalitan o Binayaran. Wala eh! "Thank you na lang". Magkano mga Splash? 4k to 6k? Marame ka nang mabibili pa sana sa 6k. Pero wala, ipon pa ulet pampalit.
Sa case naman nila Benny Grebb, Steve Smith, at Vic Mercado, mga endorser sila eh. Mawasak man nila, madali lang nilang mapapalitan.