di ko na ganong chineck kasi unang tingen palang napansin ko na na frustrate na ko sinabi ko agad na di ko tatanggapin yan ng ganyan.
Yung "mags" "tailight" at "rear bumper" hindi inayos, nakalagay sa LOA na "remarks" for inspection pa kung may damage talaga since maliit lang tama at di kita sa picture na sinend ko sa insurance.. tinawagan ko casa kung ok na yung mga remarks ok na daw nagawa na daw. pag check ko kahapon di ginalaw biglang sabi sir di inapprove ng insurance sabi ko anong hindi eh ilang beses ko sayo kinonfirm sa tawag sabi mo gawa na. tapos pag tagal umamin sya na "sir di naman nakipag coordinate insurance samin di kami tinawagan about dyan sa remarks, saka yung gumagawa dapat ang mag follow up nyan eh wala naman sinabi sakin so kala ko ok na" ka frustrate diba. so ngayon sabi i follow up nya nalang daw ulit.
sabi ko i car wash at engine wash bago irelease. pucha parang binasa lang ng tubig yung exterior dahil sa ibang part may alikabok padin galing sa pagawaan. at ang matindi yung interior loob ng oto sobrang dumi puro buhangin yun matting, langis etc as in di nilinis yung loob, pati yung engine under the hood di rin nilinis. yung exterior lang pero parang binasa lang ng tubig kasi sa mga gilid gilid puro dumi padin.
Pinaka na frustrate ako yung itong nasa circle na red di ko alam tawag.. pinalitan yung ganyan ko. ang pinalit luma ang layo ng kulay sa kabila kupas, bukod dun puro gasgas at basag at crack eh ayan oh ang kinis kinis nung sakin. nilalaban pa sakin na may damage na daw talaga yun, nung pinakita ko before pic. di na nag salita oo daw icoordinate nya nalang sa gumawa na ibalik or palitan bago. ang sinasabi nya pa "kasama daw sa damage ng bangga ko yun" oh sabihin natin na kasama nga (pero hindi talaga eh) edi dapat pinalitan din nila yun since dapat lahat ng damage gawin nila.
tapos palit salamin to diba yung goma na naka box sa blue ang pangit ng gawa. bitin yung goma di sakto yung mga dulo dulo wala ng goma bitin.
bukod pa dun naka chrome yung oto ko pag tingen ko puro crack na yung mga chrome eh dinala ko yun buo lahat yun. tapos yung tailight sa right side parang may crack or mantya ng glue or what dati wala naman yun, pati sa hood may malaking mantya ng pandikit, tapos may nakikita kong mga bagong scratches here and there. nakaka frustrate talaga
tagal kong hinintay ok na daw tapos pag tingen ko ganyan lang. tagal ko naghintay kahapon nung nilabas na na dis appoint lang ako umabsent pa ko sa work para lang mapuntahan kahapon.
regarding dun sa main damages yung 2 windows, fender at front bumper ok na eh. pero di ko nacheck kung pantay pintura or kung makinis or kung masilya lang or kung pinalitan talaga. kasi sobrang na frustrate na ko dami ko ng nakitang mali kaya di ko na nagawa na icheck pa. sinabi ko nalang na ayusin at di ko tatanggapin ng ganyan yan. tapos yun umalis na ko sa sobrang frustrate.
di ko din nacheck yung mga makina kung baka mamaya pinalitan din ng pyesa
pero yung battery di naman pinalitan since may tanda ko yun eh.