nababawasan ng mutes ang sound pero not totally... depende din sa tolerance nung mga kasama sa bahay.. kasi ako kahit na practice pad ang gamit ko, hindi na-to-tolerate nung mga kasama ko sa bahay... so at times i end up practicing somewhere na kulob, malayo or walang tao (sa may bakuran, sa ibabaw ng bubong, etc...)..
ang ginagamit ko ngayon ay practice pads (para sa snare, toms and kick). Ang madalas malakas at nararamdaman nila ay yung sa pedal hits (unless feathering technique ang gagawing practice or gagamit nung hansen futz or hindi gagamit ng pedal pero tap lang ung foot)
from my experience, ang mabilis maka-irita sa mga kasama ko ay yung mga kalansing (sibilants from ride, hihats, crash -- basically cymbals). Un kasing bass/kick/low frequencies, hindi sila masyadong na-i-irita kasi more of "nararamdaman" sya..
Sa pagkaka-alam ko high frequencies travel shorter than low frequencies kaya kapag relatively malayo ung nakikinig sayo, without any amplification, mas maririnig/mararamdaman nila ung low frequencies/bass kaysa dun sa high frequencies (cymbals, etc).. Kaya sa practice, kung medyo malayo ung mga kasama sa bahay, mas madalas ang naririnig/nararamdaman ay ung low frequencies compared dun sa high frequencies..