Hello mga kapatid!
Gusto ko nga pala I introduce sarli ko. Ako si Jalner
Matagal na ako musikero dati pa ako nagbanda before college mga highschool ay bassist ako. Pero huminto ako dahil wala ako support sa magulang. Sabi nga nila wala daw pera Tama nga naman kaya nagging Computer Programmer ako ngayon.
Sa trabaho ko very stressfull at madalas ako uminit ng ulo. Nakakpagod at nakakainis. Namimis ko din ang pagbanda yung kaibigan ko talagang career niya ang pagiging musikero parang show band sila R&B yung typical na band sa mga bar ba.
Naisipan ko ngayon bumili ng Keyboard. Marunong nako manggitara pero sa guitar kasi kailangan kong kumanta eh angpangit ng boses ko eh. Tapos edi bumili nga ako yung mura lang nakabili ako sa mall 4,000 yung price MK-928. heto picture
http://media.vivastreet.com/v1/5/a/5/photo_832014.jpg At nagsimula ako mag aral mag piano.
Lumipas mga ilang buwan ikinasal ako at naisipan ko na hindi na ako makakasali sa banda dahil nga de pamilya na ako. Patuloy parin ako sa pagaaral ng piano pati sight reading din eh medyo kaya ko na yung mga grade 2 na piyesa lang naman kaya ko sa ngayon.
Ngayon sana makabili ako ng tutuong piano dahil boses lata kasi yung keyboard ko. Gusto ko sana yung upright pero parang gusto ko rin digital piano dahil gusto ko rin magperform baling araw pag mahusay nako talaga.
Ano sa tingin nyo mga tsong? problem ko rin kasi budget dahil nga de pamilya na ako di ko na kayang bumili eh. may ma i suggest ba kayo?
Jalner