ako si julius. pwede ring juicy para maiba naman kung may ibang julius na rin dito.
sumasampid ako dito upang mapagyaman pa ang aking kaalaman sa musika.
pitong taon na rin akong gumigitara at sana ay maabot ko ang lebel nina eric clapton at george harrison. mahilig din akong umawit kahit sablay ang ilang nota. pero wala akong pakialam dahil gusto ko nga. may ilang komposisyon na rin akong inaamag. hehe.
salamat, salamat. at sana ay dito ko rin matagpuan ang mga magiging kabanda ko sa hinaharap.
ipagpatuloy natin ang paglikha ng mahusay na musikang Pilipino.
mabuhay kayo!