Kulang pa rin ako sa parts para sa snare drum, pero handa na ako sa lugs at throwoff.
Sa Friday bibili na ako ng dalawang 14" 10-lug Pearl hoops (may Superhoops ba sa Yupangco?) at saka Lazer snare wire.
Kung bibigyan ako ng mga magulang ko ng pera (malabo na 'to), mapapaaga ang pagbili ko ng Remo CS clear at Ambassador clear.
Para sa ibang drum parts para sa Jan at Feb, final na to:
ililipat ko na lang hardware ng Trak kit ko, kaya may lugs, legs, claws at hoops na ako. Hehe.
Ang kailangan ko pa bilhin:
1 Pulse Pro rim mount ni Vinci (4-piece lang naman e)
1 Gibraltar L rod
12" and 16" Remo Pinstripe clear heads
12" and 16" Remo Ambassador clear heads
20" Remo Powerstroke 3 heads (2)