pano ako naging underweight to overweight:
matulog. matulog ka during lunch break, sa commute pauwi, sa weekends. matulog ka habang nanonood ng sine, habang jumejebs, habang naliligo.
sweets. wag naman puro kendi, masama yun. salvagein mo yung bakery nyo ialmusal mo pan de regla, spanish bread sa tanghali, puding sa gabi.
lagi mag kanin. fried rice, yung aligue.
lagi mag juice. litro pack para hindi ka naman masyado magka diabetes. sakto lang.
kumain ng cheap protein. 2 pc chicken. sisig. chicharon. ubusin mo yung isang chooks to go nang isang upuan lang.
mahalin mo ang krispy kreme. o kaya basta donut. yung boston kreme. isa araw-araw.
magdy@kol ka araw-araw, lalo na bago matulog.
ayos din kung may sabaw ang bawat meal mo. para di ka maumay sa pagkain, tapos magugutom ka after 1 hour.
pag nauuhaw ka, kumain ka.
alam mo yung chia seeds? yung pang diet? maglagay ka ng dalawang kutsara sa isang litrong juice, pero wag mo inumin agad! hayaan mo sa ref ng kalahating araw. pagbalik mo parang sago na sya, yun ang inumin mo.
mahalin mo ang buko. coconut milk, coconut water, ginataan. ang isang buko ay may 2000 calories.
sulitin mo lahat ng modern conveniences. mag elevator, escalator, walkalator. magtrabaho ka nang maigi para may pang-tip ka sa mga bellhop, waiter, guard, etc. bumili ka ng kotse na automatic.
fries are your friends. edible friends.
kung mahilig ka sa ice cream, hayaan mo muna matunaw. instant milkshake. inumin mo lang, di mo mapapansin naubos mo na yung isang tub in 5 minutes.
cheese dip at dominos pizza.