Kanina, habang masaya kaming nagbabike. May bigla nalang gumitgit samen, Private Vehicle na kulay puti . Di sya nakuntento, gumawa pa sya ng isang malupit na side sweap samen. Hanggang sa nagmuka kaming mga aksyon star na nagpagulong.gulong at pinag titinginan ng mga tao na nasa taas (overpass) ang bilis nya talaga magpatakbo. At ang bilis nya din nwala. Hinabol sya ng kasama ko. Nung naabutan sya sa intersection, may TMO. bumaba ang mayabang na driver ng Puting sasakyan na may plakang WOY 669 . bumaba sya hindi para humingi ng tawad samin ng kasama ko kundi para sabihin na may mataas syang katungkulan sa AFP , marami syang koneksyon and what so ever. Oh eh ano po ngayon? Si kuyang TMO naman TAMEME sa gitna ng diskusyon hinayaang maka alis yung manyayabang papapunta sa dereksyon ng DIMASALANG. so ano kami ngayon? Inutusan pa kmi na maghanap nalang ng pulis. At syempre ,
Humingi kami ng tulong sa mga kapulisan, ito na ! turo dito turo duon. KAYO PA GALIT? trabaho nyo ho yan di ba?
Kailangan daw namin mag pa medical para makita yung damages samin. And OH ! Out of so many hospitals in the universe, sa jose reyes MEMORIAL medical center pa kami dinala na sila mismo nag sabi na MATAGAL DUN. Take note. Around 5:30 kami naaksidente at 8pm na saka lang kami naka rating at naasikaso sa ospital. WOW di ba. At di lang yun, kita naman nila dun sa ospital na halos di kana makalakad duguan ka. Utusan ka pa kumeme at chumurva . Lahat dapat bayad muna? At ang pinaka nakaka lungkot, nung na short kami ng budget. 2 kmi ne required na mag pa x-ray nung andun na kami tenen! Sobrang kulang ng pera namin SALAMAT SA Company benefits ko at buhay pa ako. 10pm na kami nakaalis sa magulong recto.1am ako nkauwi dahil pina xray ko pa both shoulders ko . Masalimuot ang araw na to. Isa lang po ang nais ko. Tulungan nyo kami na makarating ang hinaing namin sa pinagmulan ng lahat . Sana mahanap ung may.ari ng sasakyan na may plate no. WOY 669 white at broad na sasakyan bago pa sya at kulay gold yung logo . Respeto naman sana at konting disiplina sa pagmamaneho. Tama ka man o mali nakakaabala ka. I'm begging guys , i share nyo to. Para maging aware din yung iba at doblehin pa ang ingat nila.