may pagkakaiba ata ang maturity at disiplina di ba, shifting to one genre to another is a musicians choice whatever the he/she has.. kung ganun di ba personal un, tapos papasok lang ang maturity siguro kung na reach mo na yun gusto mo marating as a musician but it still says one thing " Pansarili mo itong satisfaction " na ibig sabihin eh nag mature ka personally. Pero ibabase mo ang maturity mo sa ibang musicians well iba na un. Disiplina naman iba din yun, di ba nga dedikasyon mo un sa pagiging musikero mo, rules you live by as a musician. Para sa akin kasi ang pagmamature mo sa musika eh pag nag meet na yun Gusto mo magawa at un ginagawa mo. And lastly " there is no maturity but its the fulfillment we get from what we are doing " hehe mabuhay ang mga musikerong pinoy
i second to this.. i think maturity is gained with experience. parang pag bata pa ang isang tao laruan pa ang gusto nya, tapos me mae-encounter syang mga bagay either accidentally or by actual interest, then matututo ng mga bagay bagay na makakatulong/hindi makakatulong sa paglaki, makakaexperience ng kalokohan, mapapahamak, madadala, maghahanap ng kasagutan sa sandamukal na bagay, magbabago, mag-iiba ng pagkilos, magkakaron ng sarilin point of views, matututong magkontrol sa sarili etc etc, kumbaga nagmamature ang tao base sa lahat ng naranasan nya. Hindi lang ung basta nagbasa ka ng libro tungkol sa panong maging mature tas magmamature ka na agad. It's a personal attainment. Walang taong hindi nagmamature, ung iba mabilis ung iba mabagal pero nagmamature parin eventually.
Tingin ko ganun din sa music dahil pwede kang magkainterest sa gitara, tumugtog ng uso, magsawa, maghanap ng bagong kanta na swak sa panlasa mo, bumili ng gamit, matutong mangalikot ng gamit, mapangitan sa gamit, habangbuhay na magupgrade, makadiskubre ng magandang patterns at progressions by accident, magaral tugtugin yung paborito mong kanta, magkaron ng sandamukal na kantang kayang tugtugin, etc etc and so madedevelop ang maturity mo bilang isang musikero. Pwedeng rock parin ang tugtugan mo pero madami ka nang alam dahil sa mga natutunan mo mula nung nagsimula ka. pwedeng piliin mo mag jazz, pwede ring hindi, pero hindi mwawala lahat ng experiences na naranasan mo. so matured ka parin kahit anong mangyari.